Ika-17 ng Abril taong 2019 (7:03 AM)

318 14 0
                                    

*TOURNAMENT!*

Ito na ang araw kung saan gaganapin na ang malawakang paligsahan. Paligsahan laban sa iba't-ibang paaralan at dito mismo sa 3S University gaganapin iyon.

Nakahanda na ang lahat, excited at halo-halong emosyon na ang mababakasan sa mukha ng bawat estudyante.

Maaga palang ngunit dagsa na ang mga taong manonood mula sa iba't-ibang Division. Maraming namamangha sa ganda ng school namin at ang iba'y hindi na maawat pa sa pagseselfie. Marami ang tuwang-tuwa at ang iba'y mukha pang palengkera sa kaingayan nitong taglay, marami din ang nagtitilian sa tuwing makikita ang mga lalaki dito sa amin. Sinong hindi titili, eh mayayaman ang lahat at isa pa makikinis, malayong-malayo sa mga balat nila.

Sabay na mag-uumpisa ang game nina Pepita at Botcholo, 7:30 ng umaga. Ako naman ay alas dyes pa at alas dos naman magsisimula ang kina Dranreb.

Pinuntahan ko muna si Pepita para sana kamustahin siya at panoorin kaso pinalabas kami ng bwisit na kalbo at baklang guro na nanggaling pa sa ibang school para magbantay sa kanila. Hindi daw kami pwedeng manood at baka maabala ang mga naglalaro sa presensya namin. Sinabihan ko nalang siya na magkita kami kapag natapos na siya.

Papunta ako kay Botcholo nang tumunog ang cellphone ko.

Ivan: Hoy, nasaan ka ba? Napakadaming tao naman dito! Nasaan ka? Text mo ako agad! Huwag na lalandi sa iba, bubugbugin ko 'yun!

d-,--b

Ako: Nasa hallway, papunta kay Botcholo. Sa Taekwondo.

Ivan: Dyan ka lang!! Mamaya magpa-charming o magpabebe ka pa sa daan, susunduin kita myloves!

Tss.

Ako: Bugok!

Ivan: Please continue texting me.

Ako: Y?

Ivan: Para hindi kana makahanap pa ng iba. Oyes naman, myloves! Hahahaha.

Ako: Fvckyou, Attorney!

Ivan: Arte mo!

Ako: Wao.

Ivan: Bakit ang tipid mong magreply? Tapos late pa ng 2 seconds? Siguro may sinusulyapan ka diyan ano?

Ako: Tangina, bilisan mo nalang!

Ivan: Hahahahahaha. Myloves! Hintayin mo ako, I'm on my way! <3

Nakagat ko nalang ang lower lip ko sa mga nabasa.  Hindi ko namalayan may nabunggo na pala ako, panigurado isa 'to sa mga taga-ibang school. "Oh, sorry, sorry." pagpapaumanhin ko nalang at hindi na siya nagawa pang sulyapan.

*Ehem.*

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "W-wait, Kenzo?"

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. "Ganon ba kaimportante 'yang ka-text mo at hindi mo na magawang tumingin sa daan?"

Oh, shit!

"T-teka, b-buti nakapunta ka?"

Imbes na sumagot ay inagaw niya ang cellphone ko. "Hoy! Ano bang ginagawa mo? Akin na nga 'yan! Kenzooooo!"

At dahil nga likas na matangkad siya ay wala akong nagawa. Ibinalik lang niya sa akin iyon matapos makita kung ano man ang nakita. "Bakit ka ba nang-aagaw ha? Tsk!"

FATNERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon