Ika-22 ng Abril taong 2019 (12:37 PM)

326 10 0
                                    

Pagkarating namin sa napakalawak na court sobrang ingay na agad mula sa iba't-ibang tao ang bumungad sa amin. Napakadami, punuan kung punuan. Sari-saring mukha at iba't-ibang mga amoy, may mabango at meron ding katulad ng sa kili-kili ng kaklase kong si Conchita.

Kaniya-kaniyang cheer sa mga pambato, kaniya-kaniyang banner pero higit na mas malaki at malakas ang sa 3S University.

"Myloves, palit tayo upuan." biglang sabi ni Ivan.

"H-ha? Huwag na, magsisimula na ang game."

"Tsk, sumunod ka nalang. Lalaki 'yung katabi mo, ayokong magselos."

dO____ob

"Seryoso, pati 'to?" sarkastiko kong sabi.

"Just follow!"

Inirapan ko nalang siya saka nakipagpalit ng upuan, sayang gwapo pa man din ang katabi ko kanina.

Ilang segundo ang lumipas biglang may mga naka blue na cheerleaders na nakasuot ng mini-skirt at tube ang pasayaw na tumatakbo sa gitna ng court at bumuo ng formation.

3SUNI ang hitsura nito, ang iba sa kanila ay mga kaklase ko na panigurado ay magaling sa larangang iyan o hindi kaya'y walang sinalihan na game.

Tenext ko muna si Botcholo na dumalo nalang dito.

*Ehem.* biglang naubo si Ivan.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano na naman?"

"Sino tenetext mo? Lalaki mo?" nakanguso niyang sabi.

Sinamaan ko nga siya ng tingin. "Tss, wala akong oras makipagtext ngayon. Pinapapunta ko lang si Botcholo kapag natapos na siya sa game niya."

"Share mo lang?"

"Fvckyou, Attorney! Ugh!"

Natawa nalang siya sa katangahan niya.

*MGA BAKLANG ANAK NG 3S UNIVERSITY, DUMATING NA ANG ARAW NG ITINAKDA!*

Sigaw ng nag-iisang bakla sa puro magagandang babae na kasamahan niya. Nagsimula nang magpatugtog ang speaker tapos sila naman nagsimula na rin mag-cheer.

"3S UNIVERSITY, HANDA NA KAMI!
SA KALABAN KAMI AY HINDI PAPAGAPI
KAMPYEONATO AY MULI NAMING IUUWI
WE ARE THE 3S UNIVERSITY!!"

Panguna niya sabay takbo sa buong gilid.

"3S! 3S! 3S! 3S! 3S!" mas lalong umingay ang buong crowd hanggang sa isa-isa nang lumabas ang member ng 3S University. Isa-isa na silang tinawag ng may hawak ng mike.

Nagtilian ang halos lahat lalo na ang mga dayo, gwapo nila tignan ngayon sa kulay skyblue nilang uniform na mas lalong bumagay sa kulay nila. Puro sila Lionityy at talagang kaagaw-agaw pansin si Dranreb na medyo basa pa ang buhok.

Marami akong naririnig na sa kanila daw 'yung number 01 which is Dranreb. Umaarangkada din ang napakayabang na awra nina Sonny Boy, Cholo at cute na si Louie. Lahat sila mga pogi at hindi masakit sa mata.

Matapos nilang makapasok ay lumabas naman ang cheerleaders ng kabila. Mga nakasuot ito ng itim na jogger pants, at puting crop top na may tatak na tigre. Puting-puti din ang kanilang malilinis na rubbershoes, ang simple ang kasuotan nila pero ang lakas ng kanilang dating lalo na damit nilang may nakatatak na tigreng nanlilisik ang mga mata.

Chill lang ang mga ito na naglalakad, parang pamilyar ang kilos nila. Lahat sila nakasuot ng itim na face mask, nakasombrero tapos walang emosyon ang mga mata nila.

FATNERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon