Ika-7 ng Pebrero taong 2020. (9:43 AM)

391 20 30
                                    

*KINABUKASAN!*

Talaga, ako ay nalulula
hindi ko mapigilan sa kaniya ako'y lubos na humahanga
sa suot niya ikaw magdududa
ngunit sa kaniya ay ang lakas ng aking tama. 🎵

*Harap sa kanan

*Harap sa kaliwa

*Dapa

*Baluktot

Aaaaaah! Nakabusangot akong bumangon dahil kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog.

At hindi ko rin maintindihan kung bakit paulit-ulit akong pine-play ang kantang Lakas Tama. Aaaah, gusto ko makita si Fatnerd. Pakiramdam ko hindi ako mamamatay sa pagsabog kundi sa pagkabagot dito sa bahay. Mababaliw na ata ako kakaisip. Buti sana kung nandito sila Pepita para kahit papaano naman ay may maingay, kaso wala e. Kahit si Fatnerd lang sana, kahit di siya umimik pakiramdam ko ayos na ayos lang. Mabubura pa lahat ng isipin ko.

Napatingin ako sa orasan at pakiramdam ko bigla itong ngumiti sa akin.

Hihi-- teka takte ba't ganito na ako mag-isip?

Aaaaah nababaliw na ako.

Kinuha ko ang phone ko at sinubukang i-dial ang numero ni Fatnerd kaso cannot be reach na ito.

December 30 na nga rin pala ngayon. Ilang oras nalang bagong taon na. Sana naman marami ng magagandang balita ang bumungad sa mundong ibabaw.

Bago pa man ako mabagot ay naligo na ako at nagpaalam kay Nanay Isang. Gusto kong bisitahin ang 3S University, pero syempre hindi ko iyon sinabi kay Nanay dahil hindi niya ako papayagan. Sinabi ko nalang na dadaan ako kay Sonny Boy, pero ang alam ko nagbakasyon na rin ito. Kumbaga nagpapalamig.

Pagkarating ko sa 3S University, ay mas kitang-kita ko na ang kalagayan nito. Napapalibutan na rin ito ng mga warning signs sa buong paligid. Matibay ang University na ito, kaso hindi kinaya sa mga kanyon. Buo pa naman kung titignan siya sa labas, gumagana pa rin naman ang mataas na fountain. Sa labas mukhang walang bahid ng kahit anong pagkasira ngunit kapag titignan mo sa loob, hindi mo inaasahan ang matinding pinsala rito. Ilang araw na ang lumipas kung kaya't hindi na gaanong maugong ang kwento tungkol rito, ngunit patuloy pa rin ang mga kinauukulan sa pag-iimbestiga at pagpaplano sa gaganaping rehabilitasyon.

Habang tahimik kong pinagmamasdan ang 3S University, ay isang imahe ang naanigan kong sumisilip rito. Malayo siya sa akin at hindi niya ako nakikita, pero siya kitang-kita ko sa kaniyang pwesto. Nasa may gilid siya at parang inuusisa ang nangyari sa University.

At kung hindi ako nagkakamali ay kilala ko ang babaeng ito.

Si Jessabel.

Ang ex ni Sonny Boy na muntik nang maikasal sa papa niya.

Nakahawak pa ang isang kamay niya na medyo umuumbok na.

Palihim akong lumapit sa kaniya at mukhang kinakabahan siya na hindi mapakali.

"Patikim palang 'to." bulong niya sa hangin.

Wala naman siyang kausap kaya naman ay kinalabit ko na ito sa balikat. Labis ang pagkagulat nang makita niya ako.

"Anong ginagawa mo rito?" sabay naming tanong.

"U-Umalis k-ka na, delikado rito." hindi mapakaling aniya.

Nangunot naman ang noo ko. "Ha? Diba ako dapat ang magsasabi sa iyo niyan? Buntis ka diba? Anong ginagawa mo dito?"

Napaiwas naman siya ng tingin at napahawak lalo sa tiyan niya hanggang sa mapatingin siyang muli sa akin. Sobrang seryoso niya at parang may gusto siyang sabihin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FATNERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon