#EPISODE5

2.4K 78 3
                                    

KABANATA V

Dali-dali namang nagsibulungan ang nga tao na para bang isang bubuyog.

"Hala grabe nakatulog si Bruno."

"Hala oo nga."

"Isang siko pa lang niya 'yon at talagang ang lupet niya."

"Oo nga stretching palang raw niya 'yon e.

"Ang lakas niya."

"Oo nga at ang astig pa!"

"Hahahaha. Baka malakas kasi makapal ang taba!"

Ilan lang yan sa mga naririnig kong papuri nila kay Fatnerd at mga pinagsasasabi. Hindi ko sila masisisi sa paghanga nila kay Fatnerd dahil kahit ako ang tatanungin hindi normal at grabe talaga ang lakas niya. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang babae. Ang astig niya.

Akma na sanang aalis si Fatnerd kaso nagkakatitigan pa sila ni Xuie. Yung tingin na may mangyayaring labanan, giyera! Kaso humakbang lang si fatnerd papasok ng canteen, pero bago pa man siya makalayo ay may humampas sa kaniyang likuran ng upuan ng pagkalakas-lakas dahilan para matumba siya.

Tsk. Heto na naman, magsisimula na.

Kitang-kita ko kung paano tumulo ang dugo sa kanyang ulo at mukha.

"Omg nandyan na sila Baldo at Nanding."

"Shet! Ang mga kapatid ni Bruno."

"Lagot siya kay Baldo."

"Pati na rin kamo kay Nanding.."

"Hala nakaka-awa naman si ate."

"Wag na nating tulungan baka matamaan tayo. Huhu gumilid na tayo baka mapansin rin nila tayo at tirahin tulad sa nangyari dyan sa bago.."

Naliligo sa sariling dugo si Fatnerd at sa totoo lang naaawa ako sa kanya. Alam kong baguhan lang siya dito pero hindi niya dapat nararanasan ang ganitong pagwelcome lalo pa't babae siya.

Malupit sila Baldo at Nanding kaya mas lalo akong kinikilabutan dahil kahit pa malakas si Fatnerd ay babae pa rin siya. Nakahiga pa rin siya at mukhang wala lang sa kanya ang nangyari at ang mas malupet walang kwenta pa rin ang reaksyon niya pero batid kong masakit yun. Ikaw ba naman hampasin habang nakatalikod.

Lalapit na sana ako kaso tinayo ni Baldo si Fatnerd at sinuntok ng malakas sa mukha.

Bakas sa mukha ni Xuie ang awa at sakit na nararamdaman ni Fatnerd. Parang gustong niyang tulungan at ilayo siya lugar na ito kaso hindi niya magagawa kahit kayang-kaya naman niya. Kung sa tutuusin walang wala sila Bruno kahit tatlo pa sila sa lakas ni Xuie.

Habang hawak-hawak sa kwelyo ni Baldo si Fatnerd ay parang wala lang sa kanya ang sakit. Inihagis ni Baldo si Fatnerd at agad na tumilapon sa lamesa.

Bwisit! Ang daming dugo. Peste talagang mga damulag na 'yan!

Lalapit na ako ngunit may dumaan sa likod ko at may dalang tubo.. si Nanding!

Ang isa pang maitim at mataba na kapatid ni Bruno.

"Anong ginawa mo sa utol Bruno namin? Gago ka!"

Pinalo ni Nanding si Fatnerd sa may likod at sa tiyan niya na para bang isang aso lang ang kaharap.

"Hala sht! tulungan natin."

"Tama na 'yan huhuhu."

"Maawa na kayo kay ate."

FATNERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon