Ika-6 ng Abril taong 2019 (10:15 AM)

409 13 0
                                    

Lumabas na ako agad at nagtungo sa parking lot. Tanaw ko na mula sa 'di kalayuan ang kotse ko. Sandali akong natigilan at binalot ng kaba nang maramdamang may kakaibang nangyayari. Parang may matang nakatingin, dahan-dahan at palihim akong sumulyap sa paligid ngunit wala man lang akong makitang kakaiba at bukod roon ako lang ang tao dito, gumagabi na rin kase. Nagpanggap nalang ako na walang pakealam kahit pa pakiramdam ko talaga may nagmamasid sa akin mula dito sa malayo.

Nagpunta nalang ako sa kotse ko pero bago pa man ako makapasok ay bigla nalang may humila sa akin papunta sa likod.

dO____ob

Papalag na sana ako kaso mabilis ko ring napigilan iyon nang maanigan kung sino siya.

"F-Fatnerd?"

Ipinaupo niya ako sa gilid, sa likod nitong kotse ko at para bang sinisigurado niya na walang ibang tao ang makakakita sa amin.

Nakasuot siya ng napakahabang t-shirt, sobrang laki at luwang tapos naka jersey short pang may numero na 21. Nakatsinelas lang din ito ng pang lalaki at ang cheap ng style sa totoo lang. Sandugo.

Mukha siyang tambay sa kanto!

d>>_<<b

Napaiwas nalang ako ng tingin ng bigla siyang ngumisi. Bwisit baka isipin niya nakatitig ako sa kaniya. Bakit ba kase napakataksil ng mata kong ito?

"Huwag k-ka n-ngang a-assuming! H-hindi kita tinitignan 'no. H-hindi ko tinitignan 'yang badoy m-mong d-damit na para b-bang isang tambay sa kanto!" mariing pagdepensa ko sabay iwas pa lalo ng tingin.

"Lakas." natatawang sambit nito.

Inis ko siyang tinapunan ng tingin. "Hoy, anong tinatawa-tawa mo diyan?" kunwaring pagalit kong sabi. Teka, anong kunwari Dranreb? Bwisit naman, umayos ka nga.

"Napakaingay mo." aniya nito sabay nguya ng banana chips-- teka banana chips? Paano siya nagkaroon ng banana chips?

Napalingon ako sa supot na dala ko at laking gulat ko nang makitang hindi na naka-stapler ang mga ito at nag-iba na rin ang ayos.

Gulat akong napatingin sa kaniya.

"Kung saan-saan ka kase lumilingon, ayan tuloy nasasapawan ka." mayabang pang sabi nito habang maangas na nakaupo at prenteng-prenteng kumakain ng chips.

Halos malaglag ang panga ko. Ganun siya kabilis?

"Salamat aa." aniya sabay lahad ng isang balot kong banana chips na tinangay niya.

"Wow, binigay ko?" sarkastiko kong sabi.

"Hinde, pero ayaw mo man o sa gusto ay kukunin ko pa rin ito." kalmado lang na pagkakasabi niya, ni hindi man lang sincere at parang ako pa talaga ang dapat na mahiya sa kaniya.

"Ibang klase," napailing-iling na lang ako sa kayabangan nitong kasama ko.

Nabigla nalang ako ng muli niyang kalikutin ang supot na hawak ko. "T-teka anong g-ginagawa mo?"

"Nangangalkal." tipid niyang sagot.

Aba, very confident. Ako na nahihiya para sa kaniya sa totoo lang.

"At bakit?" kunot noo kong tanong. She looks innocent, looks like a poor hungry child.

"Nagugutom ako." tipid niyang sagot.

Aba, at hindi ko na alam kung anong irereact ko sa  kaniya.

"Hoy, kasalanan ko ba kung nagugutom ka? Edi kumain ka!"

FATNERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon