KABANATA 7

2.2K 74 1
                                    

KABANATA VII

*DRANREB XUIE KENSUKE'S POV!*

Dumaan ang isang linggo. Isang linggo na ang nakalipas. Isang linggo na ring tahimik itong unibersidad namin dahil wala ang pasimunong si Kie na siyang mahilig gumawa ng ingay. Wala siyang gana kaya wala rin ako sa posisyon makipagbuno sa kanya lalo na't tahimik siya. Inamin niya sa aking may gusto siya kay Fatnerd at ewan ko ba sa kanya maging ang mga babae ay iniisnob niya kaya sobrang boring ng buhay namin ni Kie ngayon, umiingay lang ang klase kapag pumapasok si Bruno Burubugyot na siga. Ang balita ko'y nakalabas na si Fatnerd sa hospital na pinagdalhan sa kanya ngunit ang pinagtataka ko ay kung bakit hindi pa siya pumapasok. Nakakasawa na kayang puro Baldo, Nanding at Bruno Burubugyot ang nakikita namin.

d-,-b

Kasalukuyan nandito kami ni Kie ngayon sa Science class namin kung saan last period na ng hapon at pagkatapos ay uwian na. Hindi na namin classmate si Fatnerd dahil tulad ng napag-usapan ay first subject lang namin siya makakasama. Napalingon ako kay Kie at as usual tuliro pa rin, parang walang paki alam sa paligid at sa nangyayari sa kasalukuyan.

Daig pa niya ang namatayan ng magandang syota.

Nasa kalagitnaan kami ng discussion ng tinawag ni Ms. Cola Ngot si Kie na ngayon ay tila walang narinig at nakatingin lamang sa kawalan.

"Mr. Stanley Stand-up." si Ms. Cola Ngot.

"Kie?"

"Mr. Stanley!"

"What's going on? Mr. Kie Stanley aren't you going to stand or just simply listen to me??" may tonong galit na sigaw ni Ms. Cola Ngot na siyang ikinabalikwas naman ni Kie. Maging ako ay hindi agad nakapagreact.

"Y-Yes kulangot? I-I mean M-mam.. Sorry.."

Gusto kong matawa sa sinabing iyon ni Kie kaso pinigilan ko na lamang tulad ng iba kong kaklase at kitang-kita ko naman kung paano nagtiim ang bagang ni Ms. Cola Ngot.

"Kanina pa kita tinatawag at parang wala ka man lang naririnig, isang linggo ka nang ganyan ano bang nangyayari sa'yo Kie? Baka makarating ito sa lolo mo kapag nagpatuloy pa ito." wika ni Ms. Cola Ngot na halatang dismayado.

Napabuntong hininga nalang si Kie at nanlumong napayuko. "I'm sorry miss.. Please don't tell it to lolo.." may tonong nagmamakaawang sabi niya.

Huminga nalang ng napakalalim si Ms. Cola Ngot at saka pinagbigyan nalang si Kie. "Okay so I'll guess this is the last time dahil ang lolo mo ay isang respetado, kinikilala at tinitingalang tao kaya sana wag mong dumihan ang pangalan niya dahil para rin iyon sa ikabubuti mo dahil balita ko ikaw lang ang nag-iisang apo ng mga Stanley at magmamana lahat ng kanilang ari-arian kaya fix yourself.. So please Mr. Stanley sit properly or should I say stand-up."

"Yes miss." walang buhay na sagot ni Kie na para bang walang narinig saka dahan-dahang tumayo.

Ilang saglit pa'y kinalabit ako ni Cholo. "Tol sigurado ka ayos lang 'yan?" nagthumbs up lang ako bilang sagot.

"So Mr. Stanley what are the three types of plate boundaries?"

dO_ob

"H-ha? Ano raw? P-plate Bo-Boundaries? Ano 'yun?"

"Hindi ko alam."

"Ako rin."

"Ang hirap naman nun akala ko parts of the body lang tayo eh yun bang mga vagina, testes, ovary, sperm, egg cell-- araaay! Bakit ka ba nananapak pare??"

FATNERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon