Chapter 37

1.6K 48 6
                                    

KABANATA XXXVII

*PEPITA HOBA'S POV!*

Nakasunod lang ako kay Ken na puno ang ngiti sa mga labi. Iniligtas niya kami kanina, pakiramdam ko tuloy nalamangan ko si Thynixia dahil sa ginawang iyon ni Ken.

"Ken salamat ah." sabi ko i hindi man lang niya ako nilingon. Well sanay na ako basta ang mahalaga iniligtas niya ako kanina.

Nakaramdam ako ng sakit. "K-Ken, nagugutom ako!" wika ko ngunit ayan na naman siya walang pakealam. "K-Keeeeen!" pangungulit ko kaya naagaw namin ang atensyon ng iba. "Keeeen, nagugutom na si Baby Pepita." pagmamaktol ko pa ngunit may narinig akong binulong niya na hindi ko naintindihan.

"Baby?"

Bahagya siyang napahinto ngunit nagpatuloy pa rin. "Keeeeeeen!" pagtawag ko pa.

"Ang ingay mo, halika na."

Biglang nanlaki ang mata ko ng sabihin niya iyon kaya naman ay tumakbo ako sa gawi niya at niyakap ang braso niya. Napalingon siya sa akin pero hindi na rin pumalag pa kaya naman ay todong saya ang naramdaman ko hanggang sa makapasok kami sa isang fast food chain dito sa loob ng mall. Pinaupo ko si Ken at ako na ang bahalang nag-order ng kakainin namin kaso itong mga babaeng crew sa harap ko ay kilig na kilig na hindi magawa ng maayos ang trabaho at responsibilidad sa isang kostumer. Kilig na kilig sila na may tinitignan sa bandang likuran ko kaya naman ay napalingon ako don. Nanlaki ang mata ko ng makitang si Ken ang pinagpapantasyahan nila.

"Miss yung order ko?" kunwaring masunget na tanong ko. Tinaasan naman nila ako ng kilay na para bang malaking sagabal ang ginawa ko sa ginagawa nilang pagpapantasya kay Ken ko.

"Oh, ayan na!" padabog pang aniya kaya nag-init ang ulo ko.

"Kailangan bang padabog mong iserve?" taas boses ring pagkakasabi ko. Aba, hindi ata magpapatalo si Pepita Hoba lalo na sa mga ganyang uri ng tao.

"Hoy miss na maliit na may panget na manok, kung hindi ka sana paharang-harang dyan edi sana hindi nasisira ang mood namin." sabi pa nong isa na nakainsulto naman sa akin.

Huminga ako ng malalim saka sila pinamaywangan, syempre kasama ni Berta. "Hoy! Unang-una wag niyong idadamay si Berta dito! At hoy ulit, pwede ba trabaho muna bago landi?" malutong na pagkakasabi ko.

Hinarap naman nila akong dalawa. "Kung ayaw mong mabastos miss, lumayas ka sa harap namin para mapansin kami ni Kuyang Pogi, hindi iyong manok mo ang nakaharang!" bulyaw pa nong isa na may kuto ang kilay.

Sumang-ayon naman ang isa pa. "Pwede ba miss lumayas ka nalang sa harap namin? Kahit nandyan ka pa sa harap namin hinding-hindi ka mapapansin ni Kuyang Pogi kasi nga panget ka at maliit! Panget!" sigaw niya kaya naikuyom ko ang mga palad ko.

"Hindi ako panget! Oo maliit ako pero cute ako! Ikaw, malaki ka nga maganda ka ba? Maputi ka lang pero hindi ka maganda! Tignan mo nga 'yung kilay mo may kuto pa! Hindi ka maganda dahil mataba ka at bilbil mo lang ang malaki sayo! Hindi ka na nga maganda hindi ka pa cute dahil mukha kang kuyukot kaya sa ating dalawa, mas talo ka." hinihingal na sabi ko dahilan naman para magpalakpakan ang mga nasa paligid ko. Nagulat ako dahil nasa akin na ang atensyon nilang lahat lalo na si Ken--ng nakangiti. Hindi ko alam pero bigla nalang kumabog ng todo ang puso ko sa ngiti na 'yun lalo pa nong tawagin niya ako gamit ang kanyang pagtango. Humarap naman ako sa babae na may nakataas ang isang kilay. Magsasalita pa sana sila kaso nauna na ako.

"Hindi. ako. interesado. Bye Bitch!" saka ko sila pinakyuhan at tumalikod kaso natigilan ako ng sumigaw siya. Napalingon ako sa kanya at namimilipit na siya sa sakit, kinagat pala siya ni Berta. Mabuti nalang dahil nilait niya ang manok ko, anong akala niya ha? Bago ako tuluyang makalayo ay kinuha ko muna ang order ko saka ako bumalik kay Ken. Nagulat pa sila nong doon ako umupo sa harap niya marahil ay hindi nila alam na magkasama kami ni Ken. Well maglaway sila kay Ken dahil kahit kailan ay hinding-hindi sila papansinin ni Ken lalo pa't ang sasama ng ugali nila. Akala mo kung sinong maganda, may kuto naman sa kilay.

FATNERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon