December 12, 2018. 9:36 AM

957 41 13
                                    

Napatingin nalang kaming lahat nang bumukas ang pinto. Agad na bumungad sa amin ang seksing sekretarya ng 3S University, 'yung nagbigay sa akin ng another 1 hour para sa punishment ko sa Detention Room.

"Ooh, what's happening here?" takang tanong niya habang pinagmamasdan ang bugbog saradong sina Sonny Boy at Cholo. Alalang-alala rin siyang napatingin kay Kie. "Mr. Stanley! Are you alright? Napano ka? Gusto mo bang ireport ko ito sa lolo mo?" suhestyon niya.

"Hindi na, ma'am." matamlay na tugon ni Kie.

"Sigurado ka?"

Napatango-tango nalang si Kie bilang pagtugon.

"Anong atin Miss Beautiful?" kindat pa ni Sonny Boy.

Napabuntong hininga muna si Ms. Secretary. "Ito na nga, binabalaan ang lahat na magsi-uwi na dahil suspendido ang klase ng dalawang araw."

"Bakit daw ma'am?" mabilis kong tanong.

"May mga international na stockholders ang uuwi dito sa Pilipinas sa isang importanteng bagay at dito nila iyon pagme-meetingan sa 3S University." sagot niya.

"Edi uuwi sina Lolo, Ms?" si Kie.

"Yes, lahat ng mga taong may kinalaman sa 3S University ay dadalo para sa malaki at engrandeng pagkikita bukas."

"As in lahat?" paninigurado ko pa.

Tumango-tango naman si Ms. Secretary. "Kaya nga Mr. Stanley, tinatanong kita kung gusto mong ireport ko ito sa lolo mo dahil parating na siya."

"Huwag na, Ms." magalang na sagot ni Kie. "Ako na ang bahala." dagdag pa nito.

"So paano ba iyan, maaari na kayong magpasundo at umuwi, wen? Kailangan pa kasi naming magpuspusang linisin itong 3S University."

"Okay, Ms. Beautiful!" nang-aakit na saad ni Sonny Boy.

Napangiti nalang din kami bilang sagot. Umalis na siya at naiwan na naman kaming tatlo.

Ano ba ngayon? November 27. Kung dalawang araw ang walang pasok it means, 28 and 29. Teka, ang alam ko Holiday kapag November 30 ah? Tapos Sabado at Linggo naman sa 1 and 2.

Bakit ang haba ng bakasyon?

T______T

Napagpasyahan nalang namin na umuwi na, tenext na rin nilang huwag nang tumuloy pa si Louie. Hindi naman na nakapag-aya ang barkada na tumambay dahil lahat sila ay masakit ang katawan, lalo na si Kie. Ang Lionityy naman ay nagsi-uwian na rin kaya naman no choice ako kundi ang umuwi ng bahay.

Pagkarating ko doon nakapagpalit na rin agad sina Thynixia, Botcholo at Pepita. Marahil ay nakarating na rin sa kanila agad ang balita.

"Nasaan si Kenzo?" tanong ko.

"May pinuntahan e." tugon ni Botcholo.

Gusto ko sana siyang makausap tungkol doon sa sinabi niya kay Fatnerd.

Inabala ko nalang ang sarili ko at nagkulong sa kwarto. Gusto kong matulog, gusto kong mapag-isa. Tulad ng dati, isa lang itong normal na araw.

*KINABUKASAN!*

Maaga akong nagising at hindi ko alam kung bakit. Siguro ay dahil mahaba-haba ang naging tulog ko.

Napatingin ako sa relo ko at 4:32 palang ng umaga. Tumayo na ako at napatingin sa salamin.

Pucha, ang gwapo ko talaga.

Lumabas ako ng kwarto ko at madilim ang buong paligid. Ayaw kase ni Nanay Isang na maliwanag at isa pa sayang daw sa kuryente kahit hindi naman siya ang nagbabayad. Kinapa-kapa ko nalang ang daan dahil ayokong maalarma sila sa presensya ko at nagtungo ako sa may sala. Sandali akong natigilan nang biglang umihip ang malakas na ihip ng hangin kasabay no'n ang paggalaw ng mga kurtina. Napatingin ako sa may veranda at laking gulat ko nang makitang nakabukas ang pinto dito. Biglang bumilis ang pintig ng aking puso, dapat pala bago ako bumaba ay binuksan ko na ang ilaw nang hindi ako nangangatog ngayon dito.

FATNERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon