March 8, 2018 (11:59 AM)

1.9K 92 6
                                    

KABANATA XXIV

*DRANREB XUIE KENSUKE'S POV!*

Hindi ko na lamang pinansin si Kahyii at umalis na ako ron. Masyado akong naalibadbaran sa kanya at ewan ko kung bakit. Siguro ay naging manhid lang ako sa lahat ng ginawa niya sa aking panloloko kung sa lahat ba naman ng tao sa mundo ay kaibigan ko pa ang napili niyang karelasyon. Para akong sinaksak ng icepick at dahan-dahang hinugot ang aking puso.

Umalis na ako sa bar na iyon at lumipat sa iba, siguro naman ay hindi na ako susundan ni Kahyii sa sakit ba naman ng mga sinabi ko sa kanya. Lumipas ang mga oras at nakakailang bote na rin ako ng alak. Nararamdaman ko na rin ang matinding hilo na tumatakbo sa aking katawan kasabay ng panlalabo ng aking mga mata. Bago pa man ako mawalan ng malay at tuluyang makatulog ay parang nahagip ng mata ko si Fatnerd. Kinusot-kusot ko ang aking mata para siguraduhin kung siya ngayon kaso hindi na siya mahagilap ng aking mga mata. Siguro ay dala lang ito ng alak na aking ininom pero ngunit sa lahat ng taong pwedeng maimagine bakit si Fatnerd pa??

d>>_<<b

Lintek nga naman oh-- kapag tinamaan ka na talaga, mahirap nang iwasan.

Tumayo ako para sana hanapin siya ulit kaso puro nakapanty at bra na babae lang ang aking nahahagilap. Pucha Xuie si Fatnerd pupunta dito?? Naloko ka na talaga. Tss. Imaginine mo nalang na nakabra at panty si Fatnerd habang sinasayawan ka tulad ng babaeng nasa harap mo. "TAHAHAHAHAHA--araay!!" agad akong napabalikwas ng tayo nang maramdamang tumumba ako dahil may sumapak pala sa akin. Inis ko siyang nilingon at sinamaan ang panget niyang mukha. "Hoy! Ang angas mo ah!" maangas na amok ko saka siya tinulak sa may dibdib. Napaatras siya ng bahagya pero 'di kalaunay ginantihan niya rin ako ng tulak.

"Aba't tarantado pala ang isang 'to eh! Ikaw 'tong may atraso tapos ikaw ang may lakas ng loob na mag amok? Gago ka pala e!"

Bigla nalang akong natumba sa aking table kanina sa lakas ng kanyang sapak. May mga lumapit at nakiusyoso pero kamalas-malasang mga kasama pala niya ang lahat. Isang maling galaw ko ay kayang-kaya nilang burahin ang aking napakagwapong mukha, buti sana kung wala akong tama ay makakalaban ako ng patas kaso nanlalabo pa ang paningin ko.

"Tol may problema ba??" tanong ng lalaking may panget na mukha at may naglalakihang muscles na halos pumutok na sa suot na T-shirt.

Dinuro naman ako ng lalaking sumapak sa akin. "Tarantado kase to dre eh! Tinitignan yong girlfriend ko saka tatawa na para bang asong ulul! Sinong hindi mababadtrip don dre e minamanyak niya syota ko??"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pinasadahan ko ng tingin ang babaeng tinutukoy niya saka tumingin sa akin na para bang inaakit ako. Pucha nakakadiri, ayan ba babastusin ko?? E mas mukhang ako yata ang kailang umiwas dyan e. Saka sinong may sabi na minamanyak ko ang hipon na yan? Natawa lang ako dahil naimagine kong nakabra at panty si Fatnerd pero hindi ibig sabihin non na trip ko na ang bakulaw niyang syota.

d-,--b

Tinignan ako pataas pababa nung mga lalaki. "Ganun ba dre?? Eh gago pala 'to eh!"

Bigla akong napaubo ng suntukin niya ako sa may bandang lalamunan ko. Pucha ang tigas ng kamay niya isa pa tong bakulaw e. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hoy bakulaw napano ka ba? Bakit ka ba nanununtok ha? Gusto mo bang basagin ko yang mukha mo??" maangas na amok ko. Ramdam kong umusok na ang kanyang ilong sa galit kaya bigla ulit niya akong sinapak. This time may dugo ng lumabas ng mapaubo ako ulit.

"Maangas pala ang isang 'to eh! Hala sige bugbugin niyo ng matauhan. Tangina hindi niya ata alam ang bar na kanyang pinasukan at kung sino ang mga nakabangga niya." dagdag pa nung lalaking may malalaking muscles.

FATNERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon