Naranasan mo na bang masaktan ng dahil sa pag ibig?Yung tipong ibinigay mo ang buong puso mo tapos dadaanin ka lang niya sa, "It's not you. It's me."
Yung feeling na, hulog na hulog ka na, pero yung taong inaakala mong sasalo sayo, ayun! Iiwan ka din palang luhaan at duguan.
Yung pakiramdam mo, siya na si 'Prince Charming' pero pinaasa ka lang pala niya na may 'Happily Ever After' sa istorya niyong dalawa.
Because me, I haven't.
Hindi ko pa nararanasang magmahal ng sukdulan at kulang na lang ay ibigay ko na ang lahat. Hindi ko pa rin nararanasang umiyak dahil sa kalokohang pag ibig na yan dahil in the first place, hindi ko pa nararanasang magmahal.
Hindi dahil pangit ako, dahil sabi ng nanay ko, maganda daw ako at naniniwala ako sa kanya. Hindi rin dahil choosy ako.
Sadyang wala lang talaga akong balak na magmahal. Walang balak na mainlove. Walang balak na magpakatanga. Walang balak na magpakamartyr.
Ayokong maranasan yung sobrang sakit na nararanasan ng iba kapag nagmamahal sila.
Kahit na sinasabi ng mga kaibigan ko na kakambal daw talaga ng pagmamahal ang sakit.
Bakit? Hindi ba pwedeng magmahalan na lang at habang buhay na maging masaya?
Bakit kailangan pang masaktan?
Oo. Takot ako. Duwag ako. Mahina ako. Dahil alam kong sa oras na masaktan ako dahil sa pag ibig, hindi ko kakayanin.
Kaya bakit ko pa kailangang magmahal at masaktan? Masaya naman ako.
Being alone doesn't mean being lonely. That's what I learned after always being left alone by the people that I held dearly near my heart.
Mag isa nga ako pero masaya naman. Hindi ko kailangan ng lalaki para sumaya. Dahil ang saya na dulot ng mga lalaki ay panandalian lamang. Dadating ang araw na magsasawa din yan. Magugulat ka na lang isang araw, paggising mo, wala na s'ya.
Kuntento naman ako sa kung anong meron ako. I'm living my life to the fullest with my best friends and family. I can have the things that I want and I need, what more can I ask for, 'di ba?
Not until he came into my life and turn it into a crazy roller coaster ride.
"Avia, we're here," Kuya Ivo slightly patted my shoulders. Akala niya siguro ay nakatulog ako.
Agad kong binuksan ang mga mata ko at tumanaw sa bintana. Nandito na nga kami. I bit my lower lip, eyes glistening with unshed tears. We're really here.
Kuya Ivo gently hold my hand as if it was a delicate glass that breaks with the scarcest of movement. "Are you ready?"
His voice was filled with care and worry. I don't want that. I don't want them to worry about me.
I nodded firmly. I know I'm ready.
Tumango rin si kuya, isang maliit na ngiti ang sumilip sa nga labi niya. "Nasa loob na si Ate, kumpleto na daw do'n. Tayong dalawa na lang ang kulang. Tara na," inabot muna niya sa'kin ang bulaklak na dadalhin ko bago binuksan ang pintuan ng kotse at tuluyan ng lumabas.
He opened the door for me and offered his hands. Humawak ako sa braso niya at bumaba na rin. I muttered a small 'thanks' after.
Sa labas pa lang ng simbahan ay tanaw ko na ang iilang mga tao na naghihintay na mag-umpisa na. I saw Ate Ava walking out of the church towards us. Nang makalapit siya ay gad niya kaming hinigit sa isang mahigpit na yakap.
"Mag-uumpisa na, pumasok na tayo." She commanded. Tulad ng dati, puno pa rin ng awtoridad ang tono ng pananalita niya. Nothing changed. She stared at me for a moment before caressing my cheeks, smiling like a proud mom. "You look beautiful, Vi."
"Alam ko naman 'yon," mapang-asar kong sabi, kasabay ang pagpatak ng isang luha mula sa mga mata ko. It made me laugh at myself on the inside. How ironic can life be?
Pinagpag ko ang ibabang bahagi ng suot kong puting dress bago ngumisi sa dalawa kong kapatid.
"Let's go."
Starting from the door, I slowly walked towards the altar with both my siblings beside me.
Pagtingin ko sa altar ay nakatayo siya at nakatingin sa akin kaya hindi ko napigilang mag-iwas ng tingin. I can't look at him. His eyes held the same intensity and brilliance, just like in the past. If I stare longer, I'll break. That's his effect on me.
Hanggang sa tuluyan akong makalapit sa altar na puno ng mga puting bulaklak at iba pang uri ng palamuti ay hindi niya inalis ang titig niya sa'kin. I can't see it but I can feel him staring. His stance didn't waver when I stood almost in front of him. Halos isa at kalahating dipa ang pagitan namin, not too close but I can already feel the hairs on the back of my neck rise. I shouldn't feel this way, I know, but I can't help it. With him, I am weak.
"Long time no see, Ave Maria," his voice held no emotion at all.
"Yes, long time no see." I answered, walking past him.
After all, he's not the reason why I'm here.
BINABASA MO ANG
Love? Nakakain Ba 'Yun?
Teen Fiction"I'm not afraid of heights, deep oceans, and being in love. I'm afraid of falling, drowning, and getting hurt. I'm not scared of commitments, I'm scared of giving my all to someone and ending up with nothing again."