X

666 21 3
                                        

Chapter 10: Chained Melodies

Namutla ako ng makita ko ang isang anino ng lalaki mula sa dilim kaya naman pinagpawisan ako ng malapot.

Mariin kong ipinikit ang mga mata at kulang na lang ay umusal ng panalangin sa lahat ng santo na kilala ko.

“'Wag kang lalapit! Maawa ka sa'kin!” Ngunit patuloy lang ang paglakad ng lalaki. Hindi ko pa rin nakikita ang mukha nito dahil nababalot ng kadiliman ang buong paaralan. Tanging anino lamang ng lalaki ang naaaninag ko.

“Promise magpapakabait na po ako! Susundin ko na lahat ng iuutos ni Matilda! 'Wag mo lang akong patayin! Parang awa mo na! Marami pa po akong pangarap! Sasali pa po ako sa Binibing Undas 2020,” Ngunit hindi natinag ang bulto ng lalaking nakikita ko dahil patuloy pa rin ito sa paglalakad palapit sa'kin.

I shut my eyes tight once again. Goodness gracious! I'm gonna die! Naalala ko pa ang movie na pinanood namin ng mga kapatid ko noong nakaraan kaya naman mas lumakas ang kabog ng dibdib ko.

“Here,” saad ng isang malalim at puno ng awtoridad na boses na bahagyang nagpakunot sa noo ko.

Kahit nag-aalangan ay unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang isang asul na panyo. The creases on my forehead became more prominent. Dahan dahang kong iniangat ang aking ulo.

Castiel?

Nakatayo ito sa aking harapan at matiim ang titig sa akin na nakasalampak sa sahig. Straight face ang mukha nito, as usual.

“Dry your tears.” Inabot niya ang kamay ko at inilagay doon ang asul na panyo tapos ay tumalikod na ito, “And stop crying for fuck's sake. Iniistorbo mo ang tulog ko.” At saka ito naupo sa sahig sa kabilang dulo ng silid.

“M-multo ka ba?” Alangan kong tanong.

He shot me a death glare. 'Yung tipong isang tingin pa lang, manginginig ka na sa takot. “Are you damn crazy?”

Kung gano’n ay hindi siya multo? Walang multo dito?

“Pero paano ka nakapasok? Tumagos ka sa pader? Nagteleport ka?”

Cast gawked at me. Tila hindi ito makapaniwala sa mga pinagsasasabi ko. I'm dead serious!

“I got here first. Natutulog ako ro’n kanina pa.” Tinuro nito ang sliding glass door. Kung gano'y naroon siya sa kabila?

Umiral ang katahimikan sa paligid ng magsalita muli si Cast. “You have your phone with you?”

I nodded, “Pero wala akong sim.”

For games, songs, and watching videos lang naman ang gamit ko sa cellular phone ko. Sayang lang ang pera sa sim at load

Like duh, ako si Avia! At si Avia, hindi magsasayang ng pera para lang sa sim at sa load. Ipambibili ko na lang ang pera ko ng pagkain kaysa ipangload. Sayang lang. Saka mayroon namang wifi connection sa bahay, kapag naman wala ako sa bahay ay nakikiconnect ako sa kahit na sinong kakilala ko na may wifi.

“You?” Balik ko ng tanong sa kaniya.

He shrugged, “I don't have my phone with me.”

I bit my lip, feeling my stomach churn. I'm hungry.

Inabot ko ang mabigat kong backpack. Maraming tao ang naloloko ng backpack na ito. Akala nila ay masipag ako dahil punong puno ang bag ko. Pero ang totoo, isang notebook at isang ballpen lang naman talaga ang laman.

Iniwan ko ang ibang mga notebooks ko sa bahay habang ang mga libro ko ay nasa locker lahat.

Nang buksan ko ang bag ay tila nag-uunahang kumawala ang mga pagkain na nasa loob niyon. Sa sobrang dami kasi ng pagkaing laman ay hindi na halos maisara ang zipper ng bag.

Love? Nakakain Ba 'Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon