IV

980 22 0
                                        

Agad akong dumiretso sa open field para maglabas ng galit na kanina ko pa pinipigil. Itong open field na ang naging tambayan ko rito sa BU. Dito ako nagpupunta tuwing gusto kong tumakas sa magulong mundo na ginagalawan ko.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng suot na skirt at agad na nagtipa ng mensahe para sa mga bruhilda kong kaibigan.

To: Aaron baby

bakla dito ko sa open field ha hintayin ko kayo

Ibinalik ko ang cellphone ko sa aking bulsa at agad na kumuha ng maliliit na bato. That Duke will be the death of me!

Luminga ako para siguraduhing walang tao. Nang masiguro kong wala ay agad akong bumato sa kawalan. Alam kong ito ang dahilan kung bakit ako may sugat sa noo ngayon. Dahil sa lalaking walang magawa sa buhay at naisipang bumato sa kawalan ay duguan ang noo ko. And now I'm doing the same. But what can I do? Wala na akong  ibang mapagbuntunan ng galit.

Patuloy lang ako sa pagbato at inaasinta ang malaking puno ng Acacia sa'king harapan.

Damn him! Damn him! Damn him!

Wala pa sana akong balak huminto ng biglang makarinig ako ng isang baritonong ungol mula sa malapit.

Napatakip ako sa bibig ng magsink in sa isip ko ang mga ungol na narinig.

Naestatwa ako ng may marinig na sumigaw.

“Who throwed the stone!?”

Naghanda na akong tumakbo ngunit hindi pa ako nakakaisang hakbang ay may kamay na humawak sa braso ko. Hindi ko naman inaasahan may tao, wala naman kasi akong nakita kanina. I winced because of this certain someone's touch. Kahit hindi ko pa s'ya nililingon ay ramdam ko na ang nakakakilabot na aura na bumabalot sa taong 'to.

Hindi gaano kahigpit ang hawak n'ya sakin ngunit hindi rin naman maluwag but it's still enough to stopped me from running away.

Ang katahimikan ng open field ay binasag ng baritono n'yang boses.

“Ikaw ba 'yung bumato sa akin?”

Dahan dahan akong lumingon sa lalaking may hawak sa akin at bumungad sa'kin ang duguan n'yang noo. I remembered this guy! S'ya yung kabanda ni bruhong Duke. 'Yung in charge sa acoustic guitar. Those same pair of azure eyes stared into my pair of hazel brown orbs. Para akong maiihi sa malalalim at nakakaintriga n'yang mga titig.

Nanlaki ang mata n'ya ng makita ang noo ko na may bandage na mayroon pang kaunting bahid ng dugo. Both wounds were on the right side of our forehead.

Mabilis akong umiling. “N-No! It's not me. Napadaan lang ako.” I lied. Kasi naman baka pag nalaman n'yang ako 'yun, madagdagan pa ang sugat ko sa mukha.

I don't know what's with this guy pero sobrang nakakatakot s'ya. Iba ang aura na lumalabas sa kaniya. Hindi ko tuloy mailabas ang pagiging maldita ko dahil sa titig n'ya. Ibang iba ang aura niya kaninang tumutugtog sila sa stage kumpara sa ngayon.

“It's her, Cast!”

Sabay kaming napalingon sa sumigaw mula sa likuran ko. I scoffed for the nth time this day. Ang hayop na si Duke na naman? Hindi ba ako titigilan ng lalaking 'to?

Tumakbo ito palapit sa amin.

“I saw it, Cast. S'ya yung bumato sa'yo.” Dinuro duro n'ya pa ang mukha ko dahilan ng pag-atras ko ng ilang hakbang.

I widened my eyes. Sinungaling! Well, hindi pala. Ako naman talaga 'yung bumato.

“It's not me! I swear! Napadaan lang talaga ako!”

Love? Nakakain Ba 'Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon