XI

1.2K 32 17
                                        

Matapos ang kantahan ay nagkwentuhan na lamang kami. Alangan namang panisin na lang namin ang laway namin, 'di ba?

Ngayon ko lang narealize na may sense rin naman pala itong kausap. 'Di tulad ng kaibigan niyang si Duke na mga walang kabuluhang bagay ang lumalabas sa bibig.

“So yeah. That's how I met them.” Tukoy ko sa mga kaibigan ko. Nagtanong kasi siya kung paano kami nagkakila-kilala.

I looked at my wrist watch, 11:00 p.m. Ilang oras na rin kaming nag-uusap.

“I hope you don't mind me asking pero, bakit ang laki ng galit mo kay Duke? Well, you hit me with a stone, too, pero hindi naman ako nagreact like how you did to Duke.” Tanong nito.

“I don't hate Duke. I hate men.”

His forehead creased, “Why?”

Nagkibit-balikat na lamang ako. Maging ako ay hindi ko alam kung bakit.

“I just don't like it when they hurt a girl's feelings. I haven't experience that kind of pain because of love and I'm really thankful and glad that I haven't. Pero 'yung mga babaeng sinaktan na ng mga kalahi ni Adan, I know they're wrecked inside and out. Grabeng damage ang iniiwan ng mga lalaki sa mga babae. It irritates me to the bones.” Paliwanag ko.

Totoo naman! 'Pag nakuha na ng lalaki ang gusto nila sa isang babae, dispose na agad!

Pero salungat si Cast sa paniniwala ko, “Know the difference between boys and real men, Avia. Boys are the ones who treat women like shit, but real men treat women like a queen and full of respect. There are still real men out there.”

I nodded, “I just don't get it why girls fall in love so easily even if it's not right. Then after being broken hearted, ipagkakatiwala ulit nila ang puso nila sa mga lalaki. Hindi ba sila nagsasawang masaktan?”

Umiling si Castiel, “Maybe because not all the times, they'll end up getting hurt. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay lolokohin sila at iiwanan silang luhaan. They're just searching for the right one.”

I scoffed. “Searching for the right one?” Tanong ko.

Tumango itong muli at binuksan ang isang botelya ng Yakult at inubos ito sa isang lagukan. “The right one can erase all the pain and scars on someone's heart.”

Nakanganga akong napatitig kay Castiel. Talaga bang si Castiel Vaughn Carranza ang kausap ko ngayon? Baka naman clone lang ito?

“Hopeless romantic ka rin pala. Magsama-sama kayo ng mga kaibigan ko.” Ungot ko.

Ngumiti ito at ginulo ang buhok ko. Dapat ay magalit ako dahil ginulo niya ang pinakamamahal kong buhok pero masyado akong nasilaw sa ngiti niya. Ito ang unang pagkakataon na nakita kong ngumiti ang taong 'to. Grabe! Halos pwede na akong manalamin sa maputi niyang ngipin.

“Matulog ka na. It's almost 12:00.” He commanded at tumayo na mula sa kinauupuan. Bumalik na siya sa pwesto niya kanina noong kumakain pa kami, sa kabilang dulo.

Inabot ko ang bag ko at ginawa 'yong unan.

“Hey!”

Nilingon ko agad si Cast na hawak-hawak ang kanina'y suot niyang cardigan at pinadausdos iyon sa patungo sa’kin.

Inabot ko ito agad at kunot noong tumingin sa kaniya, “Anong gagawin ko dito?”

Nahiga si Cast at tinalikuran ako. Tingnan mo 'tong lalaking 'to. Ang gulo kausap.

“Use it to cover your legs.” Ang boses niya ay balik na naman sa pagiging cold at walang emosyon. Bipolar!

Sinunod ko ang sinabi niya. Itinabing ko ang coat sa ibabang parte ng aking katawan at muling nahiga.

Love? Nakakain Ba 'Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon