Nakaka ilang hakbang palang ako ng maramdaman ko ang pagtama ng isang bagay na malagkit sa likurang bahagi ng skirt ko. Agad ko itong tiningnan.
Bumungad sa akin ang mapula at malagkit na meatball spaghetti. Sa gilid ng aking paa ay naroon ang white plastic plate na kanina'y kinalalagyan nito.
Tumingin ako sa paligid. All eyes are on me. May ibang puno ng awa ang mga mata, may ibang walang pakialam, ngunit mas marami ang halos mamatay na kakatawa.
I shifted my gaze towards Duke. Ngumisi lamang ito at nagkibit balikat.
“The plate slipped from my hands,” he shrugged, “Sorry, sinasadya.” Dagdag pa niya.
Kulang na lang ay mamula ako sa sobrang galit at inis na nadarama. This is just so embarrassing!
Dali daling tumayo sina Yannie at dumalo sa akin habang ako ay nagsimula ng maglakad palayo.
Just one more step then I'll be out of this fucking cafeteria. Just one more step. Just one mo—
Napatili ako ng may biglang bumuhat sa akin na tulad sa mga bagong kasal.
Bumungad sa akin ang pamilyar na mga mata. Expressionless.
Castiel..
I encircled my hands around his nape to make sure I won't fall.
Nakatitig lang ako sa mukha niya habang siya ay patuloy sa paglalakad. I gulped. Halos ilang dangkal lamang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.
I got a perfect view of his aristocratic face. Diretso lang ang tingin niya sa daan. His jaw are clenched while his arms are tightly wrapped around my body.
Nang makarating kami sa corridor ay saka lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.
“P-put me down!”
Shit! Why am I stuttering!?
Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.
I slapped his broad chest. Ay jusmiyo! Ang tigas! No, Avia! 'Wag mong pagpantasyahan ang katawan ng lalaking 'yan!
“Ano ba? Ibaba mo nga ako!”
Kaunti lamang ang mga estudyante na nakatambay sa corridor dahil halos lahat ay nasa cafeteria at food stalls sa gilid ng open field na.
“Saan mo ba ako dadalhin ha!?”
Silence.
“Ibaba mo ako. I can walk by my self!”
Silence.
“Hey! I told you put me do—ouch! What the heck!” I groaned habang nakahawak sa likuran ko. Hindi naman ito gaanong masakit dahil sa kama ako bumagsak.
Wait. Kama?
I looked around and the familiar white room greeted me. Bakit naman ako dinala ng lalaking 'to Infirmary? Wala ang nurse ngayon. Siguro'y pinatawag siya sa office o baka may ibang ginagawa.
“Bakit mo ko dinala sa infirmary, ha? Mukha ba akong may sakit?” Singhal ko.
Sumulyap lamang siya sa akin at muli ay tumingin na sa kawalan habang nakahalukipkip at nakasandal sa pader.
Bumukas ang puting pintuan at nag uunahang pumasok sina Yvonne, Tara, Yannie, at Aaron. Sina Duke naman at ang ibang kabanda niya ay naiwan sa labas.
Agad na lumabas si Castiel at dumalo sa mga kaibigan at hindi na ako nag-abala pa na tingnan siya. I heard the door closed senyales na kaming lima na lang ang naiwan rito sa loob.

BINABASA MO ANG
Love? Nakakain Ba 'Yun?
Jugendliteratur"I'm not afraid of heights, deep oceans, and being in love. I'm afraid of falling, drowning, and getting hurt. I'm not scared of commitments, I'm scared of giving my all to someone and ending up with nothing again."