"Hoy, baks!" Isang malakas at matinis na sigaw ang bumalot sa buong cafeteria. Lumingon ako sa pinagmulan ng sigaw na 'yon at kumaway habang bahagyang napapa-iling. Bakit ko nga ba kaibigan 'tong mga baliw na 'to?
Lumapit ako sa kinauupuan nila na nasa pinakadulo at pinakasulok ng cafeteria.
Nang makalapit ako ay agad kong binatukan si Aaron dahilan para tingnan niya ako ng masama at malamang ay kasalukuyan na akong pinapatay sa isipan niya. Tinaasan ko siya ng kilay at umirap naman siya bilang ganti.
Aba't! Jusmiyo 'tong baklang 'to! Nang irap pa.
Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Tara, "Anong nahithit mo, Aaron? Makasigaw ka parang wala ng bukas ah! Nakahigh ka ba?"
He looked at me, disgust evident in his eyes, "What the, Avia! Yuck! Arianna ang pangalan ko, bakla. Hindi Aaron! That's so ew." Sabi niya at umaktong nasusuka. I scoffed, slightly chuckling; kahit naman lagi kong nakakabangayan ang baklang 'to, siya pa rin ang isa sa pinaka-maaasahan naming kaibigan.
"Pabayaan mo 'yang baklang 'yan! Umaarte lang yan kasi di siya pinapansin ng crush niya," sigaw ni Yannie na halatang nag-eenjoy sa pang aasar kay Aaron.
Halatang wala sa bokabolaryo nila ang salitang 'hiya'. Tinakip ko ang ilang hibla ng buhok ko sa aking mukha dahil halos nakuha na namin ang atensyon ng lahat ng estudyante sa cafeteria. Sa lakas ba naman ng boses ng mga kasama ko at sa iba't ibang klase ng mura na lumalabas sa bibig nila, sino nga ba naman ang hindi mapapalingon.
Umiling na lang ako. "Lamporeber." Bulong ko, but still enough for them to understand.
Wala naman talaga. Wala kasing lalaking marunong magseryoso. Wala! Akala n'yo lang meron, pero wala! Wala! Wala!
Tumingin sila sa'kin. A smug grin creepily find its way towards their lips. Mapang-asar ang mga titig na ipinukol nila sa'kin. Oh no.
"Sinasabi mo lang yan ngayon. Pag naranasan mong mainlove, nako Avia!" Pang aasar ni Yannie habang ngumunguya na ikinalukot ng mukha ni Tara.
"Love? Ano 'yun? Nakakain ba 'yun?" Painosente kong tanong. I batted my long lashes, trying to act cute. Unfortunately, I miserably failed.
Inirapan nila akong tatlo.
Ako lang yata ang nag iisang bitter na naligaw sa samahan ng mga hopeless romantic na 'to.
"Ayan tayo, 'e! Umandar na naman 'yang pagiging ampalaya mo," Pang aasar ni Aaron. Sinegundahan naman siya ng malakas at mapang asar na tawa ni Tara.
"Nasaan si Yvonne?" Pag iiba ko ng topic. Kung hindi ko kasi ibabaling sa iba ang atensyon nila, ay malamang maghapon nilang ipapamukha sa akin na bitter ako. Hindi kaya ako bitter! Well, siguro nga bitter ako. Pero slight lang!
Nakita kong umirap si Tara," Ayun! Nagpapakatanga pa rin sa boyfriend niyang walang ibang ginawa kung hindi mambabae."
May sasabihin pa yata si Tara ng biglang tinakpan ni Aaron ang bibig nito gamit ang dalawang kamay niya. "Oy! Gagang 'to! Hinaan mo boses mo, bakla! Baka may makarinig sayo, ma-guidance pa tayo."
Wow! Hinaan daw ang boses, s'ya nga 'tong kung makapagmura, wagas.
Napailing na lang ako sa pinaggagagawa nila. My friends are hopeless cases, hindi na sila magagamot. Gan'yan na sila forever.
Tumayo na ako para bumili ng pagkain ko, dahil ang mga mababait at mala anghel kong kaibigan ay hindi man lamang naisip na hintayin ako o 'di kaya'y ibili ako.
Nang pabalik na ako kasama ang pinakamamahal kong burger at Sprite ay nakita 'kong may kausap sila sa telepono. Lahat sila ay parang pinagsakluban ng langit at lupa ang pagmumukha. I looked at them, trying to squeeze some infos.

BINABASA MO ANG
Love? Nakakain Ba 'Yun?
Teen Fiction"I'm not afraid of heights, deep oceans, and being in love. I'm afraid of falling, drowning, and getting hurt. I'm not scared of commitments, I'm scared of giving my all to someone and ending up with nothing again."