PROLOGUE

22K 347 20
                                    


Kaharap ang salamin ay nakatitig lamang ako sa itsura ko..Madaming pasa ang braso ko hirap na din ako minsang makapag salita dahil kapag binubuka ko yung bunganga ko ay kumikirot naman yung pasa ko sa gilid ng labi ko...

Gawa nya ito! Gustuhin ko mang umalis! hindi ko kaya. hindi ko kayang iwan sya...Dahil asawa ko sya...at mahal ko sya

Pinunasan ko yung luha sa pisnge ko at Inayos ang sarili...Ayokong makita nya akong ganto! panigurado kapag kasi nakita nya akong umiiyak mananampal pa sya..pagtapos kong mag ayos ng sarili ay lumabas na ako sa banyo para makapag Pahinga muna saglit...

Pero pahiga pa lamang ako sa kama ay nadinig ko na ang busina ng kotse nya

Nagmadali agad akong lumabas ng kwarto at patakbong lumabas ng bahay para pagbuksan sya ng gate,wala yung Katulong namin kasi pumunta sila sa probinsya nila pinayagan ko naman sila para naman makapag pahinga naman sila

Pagbukas ng gate ay gumilid ako para makapasok yung kotse nya..pagpasok ay sinarado ko na ulit yung gate..Nadinig ko yung pag bukas sara nung kotse actually dalawa yung nadinig ko!

Siguro..

"Dito ba yung bahay mo babe?Mag isa ka lang?"Anya nung babae..Lumingon ako sa kanila at napansin ko ang pagtingin sakin nung babae at pagtaas nung kilay..

Huminga ako ng malalim tsaka hindi sila pinansin,Tahimik akong pumasok ng bahay at ng makapasok ay halos tumakbo ako papunta sa kwarto ko...

Pagpasok ay tsaka lang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan..

humiga ako sa kama at binaon ang muka ko sa unan...at nung gabing yun nadinig ko pa ang kalabog nung pinto ng kabilang kwarto at pag ungol nung babae...

Asawa ko sya! Pero kahit na asawa ko sya ay para sa kanya ay epal lang ako sa buhay nya! Arranged Marriage lang naman kami kaya----

Napapikit pa ako lalo nung marinig ko ulit yung ungol nung babae

Nakakarindi!

Nakakasuka!

Hanggang sa nakatulog na ako.

******
Author's Note:
 
Hello Sana mag Enjoy kayo sa pagbabasa nitong story and Guys PLAGIARISM IS A CRIME

VOTE
OR COMMENT Kung nagustuhan nyo :) 


Sorry sa Wrong spellings Guys :) Keep Reading Mwah!

My Possesive Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon