Kabanata 8
"Can we talk?"Tumingin ako kila Tim at Jenn na ngayon ay nakatingin na pala samin..
Ngumiti si Jenn habang si Tim naman ay pumasok na sa loob ng bahay ni jenn
Aba'y naunahan pa si Jenn?Yari talaga yun mamaya
"Sige"Nag thumbs up si jenn at nauna na namang naglakad palabas si rayze..
Inaamin ko kinakabahan pa rin ako..kahit na nasabi ko na yung iba kong hinanakit sakanya hindi pa din talaga sapat yun..
Huminto kami sa gilid ng bahay nila jenn..Nanatili kaming tahimik..
Ako nakatingin lang ako sa kanya..hinihintay yung sasabihin nya
"Pupunta tayo mamaya sa Resort namin sa Batangas..Pinapapunta tayo nila mama..may sasabihin daw sila"Napakunot ang noo ko
"Ahm..Bakit pupunta pa dun?Ang layo naman masyado?diba may trabaho ka pa?"
"Ipagpapaliban ko muna yung pagtatrabaho..tsaka importante daw kasi..gusto daw nila tayong..makausap"Tumango tango ako..mamaya?Balak ko pa namang magmukmok dun sa bahay ni jenn para makapag muni muni pero mukang hindi ko yata maitutuloy yun
Hays..
"Yung mga parents natin nandun?"Tumango sya kaya napahinga ako ng malalim..ano ba kasing sasabihin nila?
"Kailangan na nating umuwi"Tiningnan nya yung bahay ni jenn tsaka bumaling ulit sakin "Mag iimpake pa tayo"
"S-sige..Ahh sasabihin ko nalang kila..kila Tim"pagtapos kong sabihin yun ay tumakbo ako papasok sa bahay nila jenn
Naabutan ko silang dalawa na nag aaway nanaman..binabatukan ni jenn si tim pero si tim walang magawa dahil takot sya kay jenn
"*ehem*"Sabay silang napatingin sakin..ng makita ako ni jenn ay parang tuod kung makalapit sakin..
"Anong pinag usapan nyo?"
umirap ako sa kanya "Wala..ansabi nya ay pupunta daw kami sa batangas makikipag iita daw kami sa mga parents namin---"hindi ko na naituloy yung sasabihin ko ng bigla syang nag tata talon..
"OMG!!Tanggap nya na bang buntis ka!?sabi na nga ba eh! waaahh"nanlaki ang mata ko..
"Buntis ka!?"Malakas na sigaw si tim kayat lumingon pa ako sa pinto kung nandun ba si rayze o wala
"Jenn!! Wala pa syang alam okay?"natahimik sya at tinakpan ang bunganga..bumaling naman ako kay tim "Oo tim..I'm Pregnant"
Natahimik silang dalawa maski ako ay hindi makapag salita..ito naman kasing si Jenn! bakit ang daldal nya?
"*Ehem*"Dahan dahan akong napalingon sa likod ko at halos hindi makahinga ng makita kung sino yung nandun
"K-kanina ka pa ba nanjan?"Kinagat ko ang labi ko...tumaas ang kilay nya at nagmadaling lumapit sakin tsaka ako hinila palabas
"R-rayze?---"
"Kailan pa?"Pinapasok nya ako sa loob ng kotse pero sya ay nanatiling nasa labas at nakatitig sakin..Kinabahan ako sa tanong nya..
"Ngayon ko lang naman nalaman e.."Kinagat ko ang labi ko at uminit na din yung mata ko
"A-ako ba y-yung ama?"tumango ako huminga sya ng malalim tsaka sinarado yung pinto ko at umikot sya ng sasakyan para makapunra sa driver seat
Pagpasok nya ay agad nyang sinarado yung pinto at pinaharurot yung sasakyan..
Mahabang katahimikan nakatingin lamang ako sa mga sasakyang nadadaanan namin hanggang sa nakarating na kami ng bahay ay agad akong bumaba..
nagmadali akong pumasok ng bahay dahil ayoko syang makausap muna..tsaka mag iimpake muna ako
Akala ko pa naman magagawa ko ng makipag hiwalay sa kanya pero hindi ko pa kaya...lalo na nalaman nya agad na buntis ako..ng matapos na akong mag impake ay bumaba na ako dala ang bagahe
nakita ko sya sa hagdan na nakahalukipkip habang ang malalim nyang mga mata nya ay nakatingin sakin..
Lumapit sya at kinuha sa kamay ko ung bagahe ko..parang may kuryente ang dumaloy sa kamay ko ng magdikit ang kamay namin kaya agad ko itong binawe at nag iwas ng tingin
"N-nagugutom ka ba?"Tanong nya sakin at ramdam ko ang pagtitig nya..
"Kumain ako kanina kila jenn..kaya hindi"bumaling ako sa kanya "Ikaw?"umiling sya
"Tara na"nauna na akong maglakad palabas..At nung nasa kotse na kami ay pinagbuksan nya ako ng pinto para makapasok..Ramdam ko ang pag init ng pisnge ko..hindi ko alam kung ginagawa nya ba ito dahil buntis ako o may iba pang dahilan....
pero hindi pa din nawawala ang kaba ko sa dibdib ko..at yung posibilidad na mangyari...