Kabanata 19
Napayakap ako ng mahigpit sa unan ko,Hmmm Bat ang bango ng unan ko?a-amoy
Sininghot ko pa lalo yung unan ko at niyakap pa ng mahigpit may narinig akong tawa,kaya napangiti ako..Pati ba naman sa panaginip ko nandun si rayze at,Sininghot ko ulit yung unan ko.Kaamoy nya pa!
"Hey Babe"Hindi ko pinansin yung nagsalita,kahit pa boses ni rayze yun dahil busy ako sa pag-singhot sa unan ko..Grabe ang bango! Nakakaadik yung amoy ng unan ko..Hmm ano kayang sabon ang ginagamit nila dito?Matanong nga mamaya
"Babe Wake up!"Kasabay nun ay may naramdaman akong malambot na bagay sa labi ko kaya agad akong napaupo sa kama at gulat na nakatingin kay rayze,Napatakip ako sa bibig ko ng marealize na sya pala yung unan na mabango! Kyaaahh! nakakahiya ako! akala ko pa naman nananaginip lang ako!
"oh?bat parang nagulat ka yata?"Sabi niya habang mapanuksong nakatingin sakin.Tusukin ko mata mo e! Sabi ko pa sa isip ko habang nakatingin din sa kanya, Sobrang init ng Pisnge ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko kaya bago pa sya makapag-salita ulit ay dali-dali na akong tumakbo papunta sa CR.Pagpasok ay ni-lock ko kaagad ito at naghilamos.
Ibig sabihin---h-hinalikan nya ako?! HINALIKAN NYA AKO! Waaahh! Hindi pa nga ako nakakapag-Tootbrush e!,Bwiset na rayze! Ke-aga aga ang landi!.Pagtapos ang Pagtatanggal ng Hiya ko ay lumabas na ako ng CR at nakahinga ako ng maluwag ng makitang walang RAYZE na nakapaligid kung saan. -_-
Nilibot ko pa ang paningin ko at ewan ko ba kung ba't ako nakaramdam ng lungkot! Geez! Nababaliw na ba ako?Kani-kanina lang ayaw ko syang nandito ngayon naman hinahanap ko!?.Napailing na lang ako at naglakad papunta sa Walk-In-Closet ko at kumuha ng damit
Ng makapili na ako ng damit na Susootin ay Pumunta na din ako ng banyo para maligo. Parang mag-aaral lang noh? -_- Pagkagising Maliligo hays.Nasanay na kasi ako dun sa bahay namin ni rayze pag-gising kasi ay maliligo,maglilinis,Magluluto at kung ano-ano pang gawaing bahay.
Pagtapos kong Maligo ay bumaba na ako dahil kanina pa kumukulo yung tyan ko.naabutan ko si mommy na abala sa pag-lagay ng agahan sa lamesa Nang makita nya ako ay Napangiti sya at hinalikan ako sa pisnge.Kiniss ko din sya sa cheek at tinanong kung nasan si dad.
"nasa Resort sya may inasikaso lang."napa-ahh nalang ako at umupo na sa upuan dahil yun ang sabi ni mommy.Nilibot ko ang paningin ko.Nasan ba si Rayze?Nasan yung mga tao dito? nang matapos sa paglagay ng agahan si mommy sa lamesa ay agad ko syang tinanong