Kabanata 11
Bawat madadaanan naming mga tao ay napapatingin samin-sakin..Hindi ko alam kung bakit
Nakita ko sila mommy at yung mama ni rayze na nag-uusap ng makita nila kaming dalawa ni rayze ay napangiti sila parehas
"10 Minutes nalang magsisimula na"Tumango ako kay mommy.si mama There (ang mama ni rayze) ay ngumiti din lamang sakin
"Bagay talaga kayong dalawa"Anya.namula ako sa sinabe nya at ramdam ko din ang pag titig ni rayze sakin
After 10 minutes ay nagsimula na nga.Gusto ko sanang magtanong kay mommy kung ano bang gagawin bat may ganto pa.But In the End tumahimik na lamang ako kasi alam ko na hindi naman nya sasabihin yan
Mula sa stage (Na ngayon ko lamang napansin) ay nakita ko ang isang lalaking papaakyat..May hawak syang mike at sa tingin ko ay sya yung emcee
Nagpakilala sya pero hindi ko na nadinig pa dahil hinila ako ni rayze.Ngayon ko nga lang naalala na magkahawak pala ang kamay namin.Bibitaw na sana ako dahil nahiya ako bigla pero mas lalo nya pang hinigpitan ang hawak nya
Pumunta kami sa mga Pinsan ko..pinaupo ako ni rayze (Inalalayan)
Nadinig ko ang pag sipol nung lalaki kong pinsan at ang hagikgik naman ng mga pinsan kong babae..
"Are you okay?"nanindig ang balahibo ko ng madinig ko ang boses ni rayze sa tenga ko...sa sobrang lapit ay nakiliti yung leeg ko
"I-I'm Fine"sabi ko at bahagyang lumayo ng konti sa kanya,dahil naiilang pa din ako sa mga inaasta nya
Nadinig ko ang pagmura nya ng mahina dahilan kung bakit ako napalingon sa kanya..Nakita ko ang paglaki ng mata nya at ang pagpula ng pisnge nya ng makita nyang nakatingin pala ako sa kanya
Napalunok ako at umiwas na lamang ulit ng tingin,Inilagay ko nalang ang atensyon ko sa stage.at nagulat ako ng makita doon si mommy at daddy..they both laughing while watching us
Hindi ko alam kung bakit...
"So pinapunta namin ngayon ang anak ko at si rayze,sinabe namin sa kanila na may importanteng sasabihin pero..wala naman"Nanlaki ang mata ko i-ibig sabihin pinapunta nila kami dito ng dahil sa wala?! nakaramdam ako ng pagkahilo kaya napahawak ako sa sentido ko
"Gusto lang namin sila makita dahil matagal na din mula ng magkita kita kami..at gusto ko naman sila bigyan ng chance kasi diba nung pagtapos nung kasal wala ng honeymoon naurong dahil sa busy nga si rayze.."Hindi ko na madinig pa ang iba dahil sa pagkahilo ko
"Alex"Dinig kong sabi ni rayze..Nakahawak na sya ngayon sa beywang ko dahil tumayo ako para pumunta muna ng CR yung mga pinsan ko ay napatayo na din ng makita nila na di ako okay
"TITA si ALEX!"sigaw ng pinsan kong babae...at pagtapos nun ay ang pagdilim ng paligid