Kabanata 14

8.8K 220 3
                                    


Kabanata 14 


  

Kinabukasan ay bumaba lang ako para kumain,walang masyadong tao ng bumaba ako tinanong ko pa yung mga kasambahay pero ang sabi nila ay umuwi na muna daw ng maynila yung mga pinsan ko at yung mga kamag anak naman ni rayze ay bumalik na sa ibang bansa pero may iilan pa din naman daw na nandito pa naka stay


Hinanap ko si mom or di kaya si dad,pero napagtanto ko na kapag nakausap ko sila babanggitin na naman nila ang nangyari kagabi.at ayun ang ayaw ko..Dahil kapag naaalala ko yun ay kumikirot yung puso ko at nakakaramdam ako ng kakaibang temptasyon


Kumain ako ng tahimik at mapayapa dahil walang sinuman ang nagbanggit sa nangyare kagabi,pagtapos kong kumain ay naisipan ko munang lumabas para makapag pahangin muna sa labas masyado akong nakukulong dito,kulong na nga ako sa maynila pati ba naman dito


hinayaan ko ang mainit na araw ay dumampi sa balat ko,wala akong pakielam sa mga taong mapapatingin sakin dahil sinisipa ko yung buhangin habang naglalakad ako


Naweweirduhan sila sakin dahil sa ginagawa ko,ano bang paki nila? walang pakielaman ng trip diba? -.-


Di ko alam kung saan ako papunta pero ng may nakita akong kubo ay lumapit ako doon at sinilip kung may tao ba or wala,at nung wala akong makitang tao ay pumasok ako sa loob,malakas ang hangin dito at ang sarap sa pakiramdam isabay mo pa ang tunog hampas ng alon.


Naalala ko nung bata pa lamang ako kapag nakakakita ako ng dagat ay agad akong pupunta doon at magtatampisaw wala akong pakielam kahit na hindi pa ako nakaka pag sunblock or di kaya ay umitim basta nung bata ako,ang pag siswimming ang pinakagusto ko


Ang kaso nga lang tampisaw lang ang alam ko dahil hindi ako marunong lumangoy.nakakatawa diba?ang hilig ko ay dagat pero hindi manlang ako marunong lumangoy..


Pero minsan naman naiisipan ko ding kumuha ng mga shells para mauwi sa bahay...pero nakakalimutan ko naman dahil pinapatapon sakin ni daddy kasi sa dagat daw yun


"Sa dagat yan anak..bat mo pa dadalhin?"


"daddy naman! souvenir ganun?pleasssee kahit itong isa lang"


Pero nung araw na yun kahit anong pagpupumilit ko ay ayaw pa din talaga...kaya alam nyo kung anong ginawa ko..


Naghukay ako at nung lumalim na yung hukay ko ay nilagay ko dun yung shell na nakuha ko,yung gamit kong panghukay nun ay yung maliit at plastik na pala na ginagamit sa pag gawa ng sand castle..yun ang ginamit ko pang hukay dun


Hayy nako loka loka ako nung bata ko,pero feeling ko hanggang ngayon ay ganun pa din ako


"Bakit mag isa ka?"napabalik ako sa reyalidad ng madinig ko ang boses na iyon,naramdaman ko ang pag upo nya sa tabi ko,medyo umurong ako dahil nagdikit ang balat namin


"g-gusto ko lang m-mapag isa{"Namayani ang katahimikan at mas lalo lamang ako nakaramdam ng awkward ng tumikhim sya at ramdam ko ang pagtitig nya sakin


"A-aalis na pala ako rayze"Tumayo na ako at maglalakad na sana palabas ng kubo pero hinila nya ang braso ko at napasinghap ako ng mapaupo ako sa hita nya


Nanindig ang balahibo ko ng maramdaman ko ang hininga nya sa leeg ko,Ngayon ko lang namalayan na kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga


Gosh! Rayze ano bang ginagawa mo?


"R-rayze"


"Hindi ko sinabe yun para mailang ka sa akin at layuan ako,sinabe ko yun dahil hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko"Bulong nya sa tenga,Alam nyo yung feeling na gusto mong magsalita pero walang lumalabas na boses sa bibig mo?


"High School pa lamang ako ng magkagusto ako sa isang babae"Kumirot ang puso ko ng madinig ko sa kanya yun "Ang ganda nya at simple,mabait sya kaya nahulog ako sa kanya..hanggang sa isang araw ay naging magkaibigan kami,tumagal ang pagkakaibigan namin tapos isang araw umamin sya na gusto nya din ako..natuwa ako nun niligawan ko sya ginawa ko ang lahat para mapasagot ko sya..at makalipas ang ilang buwan sinagot nya na nga ako..Sobrang tuwa ko na nun--"


"Itigil mo na yan rayze"Sabi ko dahil nasasaktan na din ako,at alam kong nasasakatan na din sya dahil yang babaeng kinikwento nya ay yung dahilan kung bakit ayaw nyang mahulog sakin


"Hindi alex..gusto kong malaman mo ito."Parang gusto ko syang murahin sapakin! dahil napakamanhid nya..pero wala na din naman akong magagawa dahil yan din ang gusto nya..


"Pinakilala ko sya sa mga magulang ko..naging legal kami..tumaggal kami ng halos 4 na taon pero"


"Pero Isang araw bigla na lamang syang nawala..ilang araw ko syang tinext gustuhin ko man pumunta sa bahay nila ay hindi pupwede dahil madaming pinapagawa sakin si dad sa trabaho..tinawagan ko ang mga magulang nya nung 3 araw na ay wala pa din syang paramdam..at nung hinanap ko sa kanila yung anak nila ay ang sinabe nila ay"


"wala na sya"Naramdaman ko ang tubig sa leeg ko tumayo ako sa kandungan nya at tsaka sya niyakap ngayon alam ko na kung bakit ganun sya


Hindi ako makapaniwala sa lahat nga nalaman ko..pero parang nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas naliwanagan na din ako

My Possesive Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon