Kabanata 10
Tahimik akong nakaupo sa Veranda ng Kwarto ko kung saan kitang kita talaga ang kagandahan ng lugar na ito,may mga iilang turista ang nag si-swimming sa dagat meron pa nga mga mag papamilya na halatang masayang-masaya
Hinaplos ko ang aking tyan habang malungkot na nakangiti.Hindi ko alam kung ganyang kasayang pamilya ang maibibigay ko sa anak ko sa sitwasyon namin ngayon ni rayze masyadong magulo para maintindihan ko pa kung ano ba talagang nangyayare..kung nag babago na ba sya dahil Mahal nya na ako o baka napipilitan lang syang maging mabuti sakin dahil sa may anak sya sa-akin..Pero mas okay na din iyon kesa naman hindi nya panindigan diba?
Narinig ko ang pag-slide ng pinto kaya nilingon ko kung sino iyon.Ng makita ko kung sino iyon ay ngumiti ako at tumayo sa upuan tsaka sya niyakap.niyakap nya din ako pabalik
"Namiss kita ah"Anya at hinalikan ako sa Uluhan..napangiti pa ako lalo. "Oh?hindi mo ba ako namiss?"Medyo may pagtatampo sa boses nya ng sinabe nya yan.hinalikan ko sya sa pisnge tsaka humalakhak
"Drama mo Jade!"Ngumuso sya.kaya yung buhok nya naman yung pinagtripan ko...Sya si Jadeey Lopez ang Over Protective kong pinsan na mas matanda sa akin ng 3 taon!
"hindi mo na naman ako tinawag na kuya"Umiling iling pa sya..
"Tigilan mo ko sa pagdadrama mo"Pagbibiro ko sa kanya
Umupo sya sa Upuan na malapit samin..Tinuro nya yung upuan na katabi nya at hinila nya ako para makaupo
"sabihin mo bakita mag isa ka lang dito?Nasan yung asawa mo?Inaway ka ba?"Seryoso nyang sabi habang naka-akbay sya sakin..
"Hmm gusto ko lang mapag-isa"I Lied
Tumaas ang kilay nya habang nakatingin na direkta sakin,umiwas ako dahil kapag nakikita nya talaga yung mata ko mas nalalaman nya kung nagsisinungaling ba ako o hindi
"Sinungaling"Malamig nyang sabi.napalunok ako,nagsimula na din akong kabahan
"Anong nangyare?"Nagulat ako ng hinila nya yung braso ko kaya nakita nya yung pasa ko dun.Nag iisa nalang talaga yan tsaka tago din yan *Sigh*
"Sinong may gawa nito?"Tanong nya nanaman,napakagat ako sa aking pangibabang labi
"Ahm na...na ano..yung nandun ako sa banyo sa b-bahay ano nadulas ako tapos tumama yang braso ko"Sinamaan nya ako ng tingin
"Sya ba may gawa nito?"Umiling ako.ilang sandaling katahimikan ang namayani hanggang sa narinig ko ang pag buntong hininga nya senyales na sumuko na talaga sya
"Kung ayaw mong sabihin sige..pero sa oras na malaman ko na sya ang may gawa nyan sayo...Gugulpihin ko yan"Tumahimik na lamang ako at tumingin sa araw na papalubog na..Nung medyo dumidilim na ay napagpasyahan namin ni Jade na bumaba na dahil mag sisimula daw yung party.sa totoo lang wala akong ka-alam alam na may party palang magaganap ang akala ko lang ay pinapapunta kami nila mommy dahil may importanteng sasabihin..talagang wala talaga akong alam
At hindi ko din alam kung ano ba yung sasabihin nila at andaming dumalo,pagbaba namin ay nakita ko yung mga pinsan ko at iilang tita.lumapit ako sa kanila nakipag beso ako sa mga pinsan kong babae at mga tita sa tito ko naman ay nag mano ako at yung mga lalaki kong pinsan ay nginitian ko lamang
Buti nalang talaga nakaligo ako kanina at nag dress nalang..balak ko sana kanina na mag short at buti nalang hindi ko natuloy yung balak ko tsk tsk tsk
Nakita ko si rayze na kausap nya ang mga pinsan nya habang nagtatawanan..kapag nakikita ko syang nakangiti gumiginhawa ang pakiramdam ko..kapag seryoso kasi sya grabe yung aura nya nakakatakot
Maya-maya pa ay pumunta na ang lahat sa garden..papunta din sana ako dun ng may humila sa braso ko at dinala ako sa kwarto ko nakita ko si mommy at nasa likod nya ang isang bakla at isa namang babae
"Mommy?Anong gagawin?"
"Jusko! akala ko pa naman nakapag ayos ka na!"anya sa isang pagalit na tono
"hindi ko din naman alam na may party palang magaganap"Napailing na lamang si mommy at kinausap yung bakla at babae
"Ayusin nyo yan ah!"sabi ni mommy sa dalawa bago lumabas.bumaling silang dalawa sakin tsaka ngumiti
"ako sa Tiffany call me tiff nalang"Sabi nung bakla at naglahad ng kamay
"alex"
"Ako naman si Sheena"Bumitaw ako sa kamay ni tiff at nakipag kamayan naman kay sheena
"Umpisahan na natin"Sa sobrang bilis ng mga kilos nila ay napatulala na lamang ako sa salamin..nakita ko sa repleksyon ng salamin ang pagbukas ni sheena sa kulay itim na bag at kinuha nya doon ang isang Cocktail Dress
si tiff naman ay inasikaso yung buhok ko..kinulot nya yung Ibaba kong buhok tapos maya-maya ay dumating si sheena nilagyan nya ng make-up yung muka ko
Then after 40 Minutes ay tapos na -.-
"Tadaa"Sabay nilang sabi habang ako naman ay pinagmamasdan lamang ang sarili ko sa salamin..
"Ang ganda mo Girl!"sabi ni Tiff..Ilang sandali pa akong napatulala sa salamin..hindi ko akalain na mag gaganito ulit ako..I mean Hindi kasi ako pumupunta sa party dahil nga kay rayze pero ngayon
Nagawa ko na ULIT!
Nagtatawanan kami nila sheena dahil sa mga ginagawa ni tiff at yung pag jojoke nya..
Pero napatigil din kami ng may kumatok pinagbuksan ni sheena ng pinto yung kumatok habang ako ay pinagmasdan ulit ang sarili ko sa salamin..
"Tapos na ba sya"Napahinto ako ng marinig ko ang boses na iyon
"opo tapos na po sya"sabi ni sheena at mula sa repleksyon nya sa salamin ay nakita ko ang pagpasok ni rayze..and as usual ang gwapo nya
Sinubukan kong I-calm ang sarili ko at tumayo na naka sandals na din ako..
"T-tara na"Nailang ako sa pagtitig nya sakin..
"Rayze?"Tawag ko ulit sa kanya dahil hindi manlang sya natinag
"Ayy..Oo sige..Let's Go"Nilahad nya yung kamay nya..tinanggap ko iyon at bago kami lumabas ng kwarto ay narinig ko pa ang hagikgik ni sheena at tiff