Chapter 1: Introduction

181 4 0
                                    

Every fight needs mending

Every start has an end

Like the sunrise and the sunset

That's just how it is

Love on borrowed time

Will never be yours nor mine

I need you like you need me

The way we ought to be

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi I'm Lance Fernandez and my story begins here. I'm 15years old at incoming fourth year ako ngaung dadating na pasukan. Only child lang ako and my parents were not living with me. Nasa Canada sila para sa business namin. Kaya eto ako ngaun with Lola Tina. Simula ata ng nagkamuwang ako sa mundong to kasama ko na si Lola Tina. Dahil super busy at hands on ang parents ko sa business namin si Lola Tina na ang nagpalaki sakin.

Nandito ako ngaun sa bahay ng barkada ko nagpapractice kami. May banda kasi kami at madalas kami ung tumutugtog pag may mga events sa school. Well, bukod kasi sa super talented kami mga good looking guy din kami kaya wala kaming performance na hindi nagtitilian ang mga girls.

"Boo pahinga muna tayo. May pinahanda akong merienda ung paborito natin." sabi ni Eric.

Si Eric ung drummer ng banda namin. Business partners ang parents namin kaya para na kaming magkapatid nyan. Actually, magkapatid na ang turingan naming apat. Ang tagal tagal na naming makakasama.

"Wow ayos to. "sabi ni Gino.

Sya naman ang nakatoka sa keyboards. Matakaw yan.

"Woah! Hinay hinay lang boo... Tumutulo na laway mo." biro ni Jake kay Gino.

Dalawa kami ni Jake na sa guitar nakatoka. Si Jake pala ang vocalist ng banda namin. Ang ganda kasi ng boses nyan eh ang lakas ng hatak lalo na pagdating sa mga girls. Kumakanta din naman kami nila Eric at Gino kaso ayaw naman maging vocalist.

"Hoy Lance hindi ka pa ba kakain? Bahala ka mauubusan ka na." sigaw sakin ni Gino.

Loko talaga tong mga to pagdating sa pagkain walang kapatid kapatid. Kaya tumakbo na ako agad dun bago pa ko mauubusan ng ice cream at ng bread.

"Tabi tabi!!!! Wag nyo kong ubusan nyan. Di lang kayo may gusto nyan."

"Boo hinay hinay lang di naman kita ubusan." sabi sakin ni Jake.

"Ikaw hindi mo nga ako uubusan pero tong si Gino sigurado ako hindi ako nito titirahan."

"Grabe naman kayo. Syiempre magbboo tayo kaya titirahan ko kayo." 

"Woah!!! Samin ka pa ba magsisinungaling?? Hahaha eh halos basang basa na natin ung bawat kilos at iniisip ng isa't isa." sagot ni Eric kay Gino.

Habbang nagkakasarapan ang kwentuhan namin di namin napansin na dumating pala ung mga girlfriend ng tatlong to. Tama sila lang ang mga may girlfriend.

Bakit ako walng girlfriend? Hindi ko din alam. Hahahaha

"Wow mukhang masaya pinag uusapan natin dito ah." sabi ni Jelia ang girlfriend ni Gino.

"Hi babe nanjan pala kayo. Tara join na kayo." yaya ni Gino sa kanila.

Lumapit na ung mga girlfriend nila sa kabilang tabi tapos inasikaso nila.

"Ehem Ehem.. Ang dami ng laggam sa paligid ko Ouch! Ouch! Kinakagat na ko." biro ko sa kanila.

"Wag ka ngang magulo jan boo." nahihiyang sabi ni Gino.

"Dapat kasi hanapan nyo na yang si Lance para naman magkakulay ang buhay nya." sabi ni Andrea ang girlfriend ni Jake.

"Hindi ko na kailangan nun." pabirong sagot ko kay Andrea.

"Boo umamin ka nga." biglang akong hinawakan ni Gino sa magkabila kong braso at tititigan ako. "Bakla ka ba?"

WHAT!?!?!?!?! Ako Bakla????

"Ulol!!!! Porket walang girlfriend bakla na agad? Di ba pwedeng choosy lang" sagot ko kay Gino.

Nagtawanan na lang kami ng nagtawanan. Ganto kami lagi pag nagkakasama kami. Kahit na may mga girlfriend sila at ako wala kahit kelan di ako nakaramdam ng inggit. Para lang ding barkada ang turingan naming pito.

Pero kelan nga kaya ako magmamahal?

Sino kaya sya?

Kelan ba sya dadating?

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon