Chapter 8: My first day sucks

27 3 1
                                    

(Lance's POV)

Good morning everyone!!!

Oh diba ang taas ng energy ko?? Syiempre ganon talaga pag first day of school. Dapat laging energetic para magtuloy tuloy hanggang dulo. Hahaha joke lang.

Maaga akong nagising ngaun, ganon naman ata talaga ang mga estudyante pag first day pero pagtumagal na tatamarin na din. Although ako ang top one sa klase namin, kagaya lang din ako ng ibang mga estudyante na inaatake din ng katamaran. Porket ba nasa top masipag na magaral? Diba pwedeng wala lang lumalaban. Hahahahahaha

"Anak bangon na." sabi ni Lola Tina mula sa labas ng kwarto ko.

"Gising na po ako."

"Bumaba ka na agad pagkatapos mo jan para sabay sabay na kayo mag almusal."

Narinig kong naglakad na sya palayo sa pinto ko.

Teka ang sabi ba nya eh sabay sabay "kayo"?

Kelan pa ko nagkaron ng kasabay mag almusal?

Impossible namang umuwi sila mommy, asa pa ko sa mga un. Dahil nacurios ako kung sino yung mga kasabay kong magbreakfast nag ayos na ko agad at bumaba na.

"Kayo?" tanong ko pagdating ko sa dining room.

"Yup kami nga boo. May poblema ka ba dun?" tanong ni Gino.

Tingnan mo tong mga to ang kapal talaga ng mga mukha. Agang aga mang iistorbo at dito pa magbbreakfast ang mga kumag. Ikaw ba naman magkaron ng gantong kaibigan eh. Hahahahahah

"Bakit kayo nandito." tanong ko.

"Obvious ba? Edi para kumain. Namiss na namin luto ni Lola Tina." sabi ni Jake.

Lumabas si Lola Tina mula sa kitchen dala dala ang strawberry stuffed french toast. Isa kasi un sa mga specialty ni Lola Tina at favorite ng tropa.

"Wow!!! Ung favorite natin." sabi ni Eric.

"The best ka talaga Lola Tina." sabi ni Gino tapos yumakap sya kay Lola Tina.

Naku ang lakas talaga mambola ng mga to kaya no doubt kung pano nila napasagot mga girlfriend nila.

"Sus binola nyo pa si Lola Tina." sabi ko.

"Naku Lola Tina hindi po un bola. Masarap naman po talaga mga luto nyo." sabi ni Gino. "Dun na lang po kayo samin." biro nya.

"Hoy kumain ka na nga lang jan. Wag mo ng tangkaing agawin pa si Lola Tina sakin."

"Naku talaga tong mga batang to. Sige na mag almusal na kayo para makapasok na kayo." sabi ni Lola Tina.

Pagkatapos namin kumain pumasok na kami sa school. Syiempre hindi pwedeng late sa first day of school. Pagdating namin sa school nag antay lang kami ng konti para sa mga girlfriend nila tapos sabay sabay na kaming pumunta sa room namin.

Pagdating namin sa tapat ng room namin naghiwahiwalay na kami kasi hindi naman kami magkakaklase. Sila Gino, Jake, Andrea ay nasa section 1-B tapos ang nasa section 1-A ay ako, si Aya, Eric at Jelai. Masyado kasi kaming marami sa school na ito, nasa 5section ang fourth year at nahahati pa un sa A at B. Maya maya lang dumating na din ang adviser namin na si Ms. Perez.

"Good morning class!" 

"Good morning ma'am." 

"Ok class you have a new classmate." sabi nya. "She's from Canada. Please come in Miss Montes." dagdag nya.

Nung sinabi nung adviser namin ung apelyido ng bago naming kaklase bigla akong may naalala at bigla akong umasang sya na nga un. Kaso pagpasok nung girl si Nicole pala, ang pinsan ni Eric. Pagpasok nya she smiled and waved samin nila Eric.

"Looks like may kakilala ka na dito Miss Montes." sabi ng adviser namin.

"Yes ma'an." sagot nya. "Cousin po ako ni Eric and I've already met his friends." dagdag nya.

"That's good. So i think you may sit beside Mr. Fernandez." sabi nya.

Ano daw?

Sa tabi ko?

Ano ba naman yan bakit pa sya sakin itatabi ang dami ng bakanteng upuan jan.

"Really? That's great" sabi ni Nicole.

Nakakainis naman bakit sakin pa sya tatabi. Ramdam kong lahat sila nakatingin sakin habang papalapit sa tabi ko si Nicole. Tiningnan ko ang mga barkada ko at pati sila nakatingin din at may kasama pang nakakalokong ngiti.

"Hi! Is it ok if I sit beside you?" tanong ni Nicole.

Nagtanong pa talaga sya ah. Ang sarap barahin at sabihing 'may choice pa ba ako?'. Ay naku mga babae nga naman masyadong pacute. Hindi ba nila pwedeng hintayin na ung lalake mismo ung lumapit sa kanila? 

Hindi nga pala ako pwedeng magsungit lalo na't nandito si Aya, baka mamaya mapagalitan na naman ako ng mga ate at kuya ko. hahahahahahahaha I have no choice but to deal with this girl.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon