(Lance's POV)
Ayan ayaw talaga nila magpakain hanggang hindi ako nagkukwento. Akala ko pa naman pagdating sa pagkain wala ng sasantuhin yung mga to un pala mas gusto ang chismis. I think totoo ung mga sinasabi ng iba na mas tsismoso talaga ang mga lalaki compared sa mga babae. Hindi lang kasi kami kagaya ng mga babae na masyadong obvious.
"Boo dali na kasi magkwento ka na para makachibog na tayo." sabi ni Gino.
"Wala nga. Ang kulit nyo." sagot ko.
"Ito naman samin ka pa ba magtatago? Kilalang kilala na natin ang isa't isa kaya impossibleng makapagtago tayo ng sikreto sa isa't isa."sabi ni Jake.
Sabagay may point naman sila dun. Wala pa atang sikreto ng isa ang hindi nalaman ng tropa. Ang kaso nakakahiya naman kask talaga. Hello?? Ang isang Lance Fernandez may kinalolokohang babae at ni hindi pa nga nya nakikilala. Waaaaaaaaaaaaahhh ang gulo nun mahihirapan lang ako magpaliwanag.
"Fine fine." sabi ko. "Pero magpromise muna kayong hindi nyo ko tatawanan." dagdag ko.
"Wooaaahh mukhang interesting to ah." sabi ni Gino.
"Shhh... Wah ka ng maingay baka hindi pa ituloy ni Lance. Sige boo promise hindi ka namin pagtatawanan." sabi ni Eric.
"Oo nga boo promise yan." sabi ni Jake.
"Ganto kasi yun kanina natutulog ako dun sa may field kasi nga iniiwasang ko ung pinsan ni Eric." tapos tumingin ako kay Eric. "Hehehehe sorry boo." sabi ko kay Eric.
"Ayos lang un. Obvious naman na ayaw mo sa kanya. Sige tuloy mo na." sabi ni Eric
"There was this girl with a beautiful voice that struck my heart." nahihiya kong sinabi.
"Ano daw un?" nangaasar na tanong ni Jake.
"Is that for real? A girl struck his heart? At isang Lance Fernandez un ah." sabi ni Eric.
"Somebody Strike his sleeping heart." sabi ni Gino.
"Oh come on kailangan pang paulit ulit?" naiinis kong tanong.
"It's hard to believe kasi boo na dumating na yung magpapatino sayo." sabi ni Jake.
"Oo nga. So whose the unlucky girl?" tanong ni Eric. "I mean lucky girl pala. Hahahaha" dagdag nya.
"Sira ulo!!!!!!" sigaw ko kay Eric.
Kahit ako yung nagsabi sa kanila na wag tatawa ako pa ung nagpasimuno ng tawanan. What's new? Eh lagi namang tawanan ang ending pag naguusap usap kami.
"So ano na boo? What's the name of this girl?" tanong ni Gino.
Eto na ang totoong katatawanan dito. I'm inlove with her voice but I dont know her face and I also didn' t get a chance to see her face. Lagot na ko nito pero baka naman pwede nila akong matulungan.
"Yun na nga mga boo." sabi ko.
"Anong yun na nga?" tanong ni Gino.
"Wag mong sabihing hindi mo nahingi ang name nya?" tanong ni Jake.
"Ganon na nga." nahihiya kong sagot.
"WHAT? Seryoso ka jan?" tanong ni Jake.
"Boo nakakahiya ka. " nangaasar na sabi ni Eric.
Tingnan mo tong mga to ikahiya daw ba ako? Anong magagawa ko eh tulog ako ng oras na yun at malayo na sya nung nagising ako.
"Weak ka pala Lance." nangaasar na sabi ni Gino.
"Ulol!!! Weak ka jan. Tulog nga kasi ako nun kaya hindi ako nagkaron ng chance na matanong pangalan nya." paliwanang ko.
"Siguro naman kahit ung mukha nya manlang nakita mo?" tanong ni Gino.
"Hindi rin eh." sagot ko.
Nakakainis! Sobrang nakakahiya na talaga tong sinasabi ko. Ako si Lance Fernandez namomoblema sa isang babae na hindi ko manlang alam ang pangalan at ni mukha hindi ko nakita.
"Boo ano ba naman yan. Tatamaan ka na lang sa isang babae dun pa sa impossibleng mahanap." sabi ni Eric.
"Kung ako sayo kalimutan mo na lang yan. Sa dami ng studyante sa school natin asa ka.pang mahanap mo un. Tapos miski pangalan o mukha manlang nya hindi mo alam." sabi ni Gino.
May point naman sila sa sinabi nila. Ilang libo din ang populasyon namin sa school at sa dami nun hindi ko alam kung pano ko uumpisahan ang paghahanap sa kanya. Kung isuko ko na nga lang kaya tong nararamdaman ko? May iba pa naman siguro jan na makakapagpatibok ulit ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Borrowed Time
RomansaThere are things we didn’t want to happen but have to experience, things that we don’t want to know but have learned and people who we can’t live without but have to let go, sad but true.
