Chapter 3: She's just a maid

53 3 1
                                    

(Gino's POV)

Hi there I'm Gino Tolentino isa sa mga barkada ni Lance. Siguro may first impression na kayo sa akin dahil sa mga nakwento sa inyo ni Lance. Well dadagdagan ko na lang kung anong mga nasabi na nya sa inyo. I know alam nyo ng matakaw ako as in sa grupo namin ako ang pinakamatakaw. Syiempre bukod dun mabait naman ako at higit sa lahat LOYAL ako sa pinakamamahal kong si Jelai.

Pareparehas pa lang mga nasa business field ung mga parents namin kaya no doubt kung bakit kami nagkakasundo. Sabi nga ng iba we belong on the same boat hahaha. Pero although busy ang parents ko nagkaron naman ako ng mga kapatid hindi gaya ni Lance. I have two younger sisters sila Katrine Tolentino and Bianca Tolentino.

Back to the story na tayo. Ayun nga nakita namin na may tutulungan dapat na girl si Lance kasi gentleman naman talaga yan suplado nga lang. Nung inabot na nya ung kamay nya dun sa girl tinanggihan sya kaya ayun napahiya ang loko. Inasar nga namin eh aba first time ata un sa buhay ng isang Lance Fernandez. Isang record un hahaha.

"Umalis na nga tayo." naiinis na sigaw ni Lance.

"Oh boo chillax ka lang."

Hinawakan ko sya sa balikat para pakalmahin sya. Kaso tinabig nya ung kamay ko. Lagot mainit ang ulot ng loko.

"Hey back off"

Sabi sa inyo mainit ang ulo nya. Sana lang hindi na sila ulit magkita ng babaeng un kundi lagot sya. Ibang klase magalit ang isang Lance Fernandez kaya kung ako dun sa babaeng un magtatago na ko.

"Balik na tayo sa rest house nila Eric." yaya sakin ni Jelai.

Kaya sumunod na kami kay Lance pabalik sa rest house nila Eric.

"Ui boo anong nangyari dun?" tanong ni Eric.

Pagdating kasi namin dun sa rest house nila Eric dumiretso si Lance sa kwarto nya at binagsak ung pintuan. Sobrang bihira lang kasi yan magkaganyan ni hindi na nga namin matandaan kung kelan sya huling nagkaganyan.

"Let's just say na natapakan ang ego nya." sagot ko kay Eric.

"Ooooooohhh I see." sagot ni Jake.

"Hey Gino shut up." sigaw ni Lance.

Oops lumabas na pala sya. Hindi namin sya napansin.

"Boo.. Wag mo ng intindihin un." sabi ni Jake kay Lance.

"Well I don't care."

"Woaahhh I don't care daw." pangaasar na sabi ko.

"Babe tama na yan." sita sakin ni Jelai.

"Fine fine I'll stop."

Mabuti ng tumigil na lang baka mamaya kami pa ng babe ko ang mag away. Oh baka isipin nyo under ako ah. Hindi naman ayoko lang na may pag awayan pa kaming dalawa.

Wala ng nagsalita sa amin tungkol dun sa nangyari kay Lance. Nagdinner lang kami tapos nagyaya si Eric na manood kami ng bonfire mamaya. Dumating din daw kasi ung pinsan nya at ipapakilala nya samin.Nagready na kami tapos pumunta na kami sa labas.

Nung malapit na kami dun sa bonfire na pinahanda ni Eric may natanaw kaming dalawang babae. Siguro sila ung pinsan ni Eric na ipapakilala nya samin. Teka ang sabi ni Eric pinsan hindi mga pinsan, dalawa sila na nag aantay samin dun eh. Well kahit magaganda pa sila sobrang kuntento na ko sa girlfriend ko.

Napansin siguro nung isang babae na parating na kami kaya agad syang tumayo at tumakbo papunta kay Eric.

"Eric!!!!!" sigaw nito habbang tumatakbo papunta kay Eric.

"Hi Nicole." bati nito.

"So kasama mo pala ang barkada mo." sabi ni Nicole.

"Ah oo halika't ipapakilala kita sa kanila." 

At ayun nga isa isa nya kaming pinakilala kay Nicole at nung ipapakilala na nya si Lance binibgyan nya kami ng nakakalokong ngiti. Parang alam ko na kung anong ibig sabihin nun, un ung pinaguusapan namin kanina sa may van na hahanapan namin ng lovelife si Lance.

"Nicole this is Lance. " sabay tapik sa balikat ni Lance. "Single yan." dagdag pa nito.

"Ooh I see." sagot ni Nicole then she gave a nice smile.

Hindi siguro nagets ni Lance ung sinabi ni Eric kaya hindi sya nagreact, he just smiled and Nicole smiled back at him pero ung smile nya ay parang may something. Looks like interested sya kay Lance. If that's the case ayos un.

Dahil nga wala pa rin sa mood si mister single nauna na syang maglakad papunta dun sa bonfire. Ang kaso laking gulat namin nung sumigaw ang loko.

"WHAT ARE YOU DOING HERE!!!!" sigaw ni Lance.

Nagulat kaming lahat kaya napatakbo kami para tingnan kung sino ung sinisigawan ni Lance. At laking gulat namin na ung girl na sinisigawan nya at ung girl na nagpahiya sa kanya kanina ay iisa. Lagot kang babae ka, katapusan mo na.

"Oh boo anong poblema bakit mo naman sinisigawan ung babae? " tanong sa kanya ni Jake.

Hindi sumagot si Lance sa kanya at patuloy lang nitong tinitigan ung babae ng masama kaya medyo linayo muna sya ni Eric.

"It's her dude." bulong ko.

"So ikaw pala un." sabi ni Jake.

"Ha???" tanong nung babae.

Oops mukhang wala syang idea sa nagawa nya kay Lance kaya mainit ang dugo sa kanya. Kawawa naman sya dapat hindi na lang sya nagpakita pa.

"Sorry miss sa inasal ng friend ko ah." sabi ni Jake.

"May sayad ba sa utak yang friend mo at kung sino sino na lang sinisigawan nya?" 

Natatawa kami sa sinabi nya akala mo nang aasar lang sya kaso hindi naman sya mukhang nang aasar nung sinabi nya un. Siguro talagang nagtataka sya kung bakit na lang sya biglang sinigawan ni Lance.

"Hahahaha walang sayad yung barkada ko kaso may nagawa kang kasalanan sa kanya eh." sagot ni Jake.

"Kasalanan? Ano?" 

"Stop it." sigaw ni Lance.

Sasagot na sana si Jake dun sa tanong nung babae kaso napatigil sya sa sigaw ni Lance. Bumalik na pala sya siguro napakalma na sya ni Eric. Si Eric kasi ang pinakamatanda samin at sya na din ang tumatayong kuya namin kaya pagdating sa mga gantong sitwasyon sya agad ang kumikilos.

"I think you should go now. You see what you did? Nakakagulo ka lang."sabi ni Nicole dun sa babae.

Hindi na nagsalita pa ulit ung babaeng sinigawan ni Lance at naglakad na sya palayo sa amin. Kahit papano nakaramdam ako ng awa sa kanya. Kung tutuusin wala naman talaga syang kasalanan, kawawang babae. Pero alam nyo she looks nice hindi lang naging maganda ung mga nangyari kaya hindi kami nagkaroon ng chance to know her.

"Nicole sino ba yun?" tanong ni Lance.

"Ha?? Ah un ba?? Wala un maid lang namin. Wag mo na syang intindihin."

"Ganon ba?? Well I hate your maid." 

"Well me too. Kaso ayaw sya paalisin ni dad."

"Ayaw paalisin?? Bakit?? Kung ayaw mo naman sa maid mo you should fire her." 

"Hey boo.. Relax lang. Masyado mo naman pinag iinitan ung girl." saway ni Jake kay Lance.

"Oo nga Lance be a gentleman naman." sabi ni Andrea kay Lance.

Pagkatapos nagsalita ni Andrea hindi na namin pa pinag uusapan ung girl na inaway ni Lance. Ayun nagkwentuhan lang kami tapos syiempre may kainan din pwede ba naman mawala un eh nandito ang pinakamatakaw hahaha.

Magkakatabi ang mga magpartners at tama ang iniisip nyo magkatabi si Lance at si Nicole. Sana nga magkadevelopan na ung dalawa para naman magkalovelife na tong barkada namin. Abangan na lang natin kung magkakadevelopan sila.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon