Chapter 10: Should I Tell them?

16 3 0
                                        

(Lance's POV)

Pauwi na kami ngaun ng mga barkada ko. Sana hindi maalala ni Eric na magtanong sakin tungkol sa dahilan ng pag ngiti ko kanina. Wala akong planong magkwento at mapagtawanan ng mga to.

"Gutom na ko. Tara kumain muna tayo bago umuwi." yaya ni Gino.

Ano pa nga bang magagawa namin kung yung pinakamatakaw na ang nagyaya. Alangan namang pigilan namin ang kaligayahan ng barkada namin. Pero sa totoo lang gutom na din ako kasi hindi naman ako nakakain nung lunch kanina. Naghanap pa kasi ako ng makakainan kasi naman buntot ng buntot si Nicole sakin.

Dahil sa kakaisip ko hindi ko namanlayan kung saan kami kakain basta sunod na lang ako ng sunod sa kanila. Nagulat na lang ako ng huminto kami sa tapat ng bahay namin. Loko tong mga to sa bahay ko pala plano kumain at hindi manlang nagsabi sakin.

"Hoy boo hindi ka ba papasok?" tanong sakin ni Gino.

Aba pag makakapakal nga naman. Masyado silang feel at home sa bahay ko. Tingnan nyo nga sila pa ang naunang pumasok at ako pa ang yinaya nila.

"Mahiyain talaga kayo noh?" tanong ko sa kanila. "Dito pala ang diretso natin hindi manlang kayo nagsasabi." dagdag ko.

"Nagsabi kaya kami. Bingi lang boo?" tanong ni Jake.

"Wag mong sabihing hindi ka nakikinig samin kanina?" tanong ni Gino.

Hindi nakikinig?

Bakit ano nga bang pinag uusapan namin kanina?

Bakit wala akong naaalala na may pinagusapan kami?

"Ha?" tanong ko.

"Boo ok ka lang ba?" tanong ni Eric. "Lola Tina may sakit po ata si Lance." sigaw ni Eric habbang papunta kaming kusina.

"Oh andito pala kayo. Teka sinong may sakit?" tanong ni Lola Tina.

"Eto pong si Lance." sagot ni Eric.

"Anak halika dito." sabi ni Lola Tina.

Alam ko namam sa sarili ko na wala talaga akong sakit pero lumapit pa rin ako kay Lola. Hinawakan nya ko sa may noo para malaman kung nilalagnat ba ako.

"Hindi ka naman mainit anak. May masakit ba sayo?" tanong sakin ni Lola.

"Yung ulo ko lang po. Sumasakit na kakaisip." sagot ko.

"Kanino naman?" tanong ni Eric.

"Dun sa........" bitin kong sagot.

Muntik na ko dun ah. Loko tong mgs to huhulihin pa ko. Hindi nila pwedeng malaman baka pagtawanan pa nila ako.

"Sa?" tanong ni Eric.

"Sa mga lecture kanina." palusot ko.

"Lecture? Naglecture na agad sa inyo?" tanong ni Gino.

"Boo the last time I know classmates tayo diba at wala naman akong natatandaan na may nag lecture na kanina. Nagpalipat ka ba ng section?" tanong ni Eric.

"Ha? Wala pa bang naglelecture kanina?" tanong ko.

"Boo umamin ka nga. May tinatago ka samin ano?" tanong ni Jake.

Ano ba naman yan mukhang mahuhuli pa ata ako ng mga to. Ano ng gagawin ko?

"Tinatago? Wala ah. Alam nyo gutom lang yan. Tara na kumain na tayo." sabi ko.

Aabutin ko na sana ung brownies na hinanda ni Lola para samin pero bago ko pa maabot nilayo na ni Eric.

"Walang kakain hanggat hindi ka nagkukwento." sabi ni Eric

Aba at nagdemmand pa sila. Wala akong planong sabihin sa kanila ung nangyayari sakin. Kilala ko tong mga to at sigirado akong makakatanggap ako ng panlalait sa mga to. Pero kung sa bagay baka matulungan din naman ako ng mga to sa paghahanap sa babaeng narinig kong kumakanta kanina.

"ABA!!! bahay ko to tapos pagbabawalan nyo ko kumain."

"Magkwento ka na kasi muna." hirit ni Gino.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon