(Eric's POV)
Hi I'm Eric Valdez ang kuya nila. Magbabarkada kami pero pag may times na mali na ung ginagawa nila I don't hesitate na pagsabihan sila. Just like what Gino told you magbbusiness partners ung mga parents namin. Just like Gino may kapatid din ako pero mas matanda sya sakin and he's currently studying sa Canada kung nasan ung mga parents namin. Tinitrain na din kasi ng dad ko si kuya para maging ready na sya to handle the company matagal pa naman ako bago dumating sa time na un kaya mag enjoy muna ako and besides I don't like business kasi my heart is in music pati na din sa girlfriend kong si Aya.
Here we are sa labas and having a bonfire. Wala kaming ginawa kundi ang magkwentuhan, tawanan at kainan. Ilang araw na lang kasi back to school na kami at for sure magiging super busy na kami lalo na at graduating na kami so I decided to invite them here sa resort namin. Mukha namang magiging masaya tong outing namin except lang dun sa awayan na naganap kanina.
"Bhe???" tawag sakin ni Aya.
"Hmmm??"
"I'm sleepy na. Can we go back na sa rest house nyo?"
"Sure. Let's go." sagot ko. "Guys una na kami bumalik sa rest house, antok na kasi ung baby ko." paalam ko sa mga barkada ko.
Syiempre ayoko atang napapagod ang baby ko kaya babalik na kami tsaka late na din naman. Ang kaso pagtayo namin tumayo na din si Lance na para bang kanina pa nya inaantay na may tumayo para makaaalis na sya dun.
"Sama na ko boo." sabi ni Lance.
"Ha? Bakit inaantok ka na ba?" tanong sa kanya ni Nicole.
Tingnan mo tong si Lance nawala na naman ang pagiging gentleman nya. Isa lang ibig sabihin nyan, hindi nya type ang cousin ko. Ang kaso sa lagay ni Nicole mukhang gustong gusto na nya si Lance.
Nicole is a type of a spoiled brat girl so what she want is what she get. Ewan ko lang kung pati ang kagaya ni Lance makukuha nya.
"Oo eh. Tsaka marami pa naman taung time para magkwentuhan. Pagod na ko."
Hindi na nya inaantay ung sagot ni Nicole at nauna na syang maglakad pabalik sa rest house namin. Grabe talaga to hindi ko sya maintindihan. Inaayawan nya ang pinsan ko samantalang ang dami dyan na nagkakandarapa na makausap si Nicole.
"Bhe? Are you sure he's not gay?" tanong sakin ni Aya.
"Bhe are you serious with that question?"
"Eh kasi naman he looks allergic sa girls except saming mga girlfriend ng barkada nya."
I really can't help but to laugh sa sinabi sakin ni Aya. Pinagisipan nya na bakla si Lance, well I can't blame her kasi kahit kami nagwowonder din kung bakit wala pa syang nagiging girlfriend.
"Bhe, Lance is not a gay. Let's just say wala pang nagpapatibok ng puso nya the way you did to me."
Nung sinabi ko un I place my hands on her face syiempre para pampadagdag kilig effect and I saw her blushed. Ang cute cute talaga ni Aya pagnagbublush sya.
After nun naglakad na kami kasunod ni Lance para makabalik na nga kami sa rest house. Pagdating namin dun hinatid ko lang si Aya sa room nya tapos nag good night na ko then I went to my room.
Pag gising ko I check my phone para malaman kung anong oras na and it's 7am na. Anong oras kaya umuwi ung mga un. I stood up para makapag ayos ng sarili then bumaba na ko. I was surprised na ako na lang pala ung hinihintay nila para makapagbreakfast na kami.
"Sa wakas gising na din sya." sigaw ni Gino.
"Bhe tara na breakfast na tayo." yaya sakin ni Aya.
Lumapit na agad ako dun para makapagbreakfast na kami. Grabe tong mga to nauna pa kami natulog pero nauunang pa silang nagiging sakin.
Teka natulog nga kaya tong mga to?
"Anong oras kayo bumalik?" tanong ko sa kanila.
"Umuwi na din kami mga ilang minuto pagka alis nyo nagyaya na kasi si Nicole umuwi." sagot ni Andrea.
"Pano kasi ung isa jan inatake na naman ng kasupladuhan." biro ni Jelai.
Nagtawanan lang kami sa sinabi ni Jelia pero ayun si Mister slow hindi nya nagets kaya tuloy lang sya sa pagkain.
"Hey Lance, anong tingin mo sa pinsan ni Eric?" tanong sa kanya ni Jake.
"Anong tingin ko sa kanya? Why do I have to give my opinion? Kailangan ba yun? "
"Syiempre, well do you like her?"
"No." diretsong sagot ni Lance.
Mukhang nagulat ata ang lahat sa sagot ni Lance kaya lahat sila napatigil sa pagkain at napatitig lang sa kanya. This guy is really weird, un siguro ang tumatakbo sa isip ng lahat.
"WHAT?!?!?" naiiritang tanong ni Lance.
Panong hindi sya maiirita eh nakatitig lang sila sa kanya. Masyado talagang diretso kung magsalita tong lalakeng to.
"Lance don't get offended ah but are you gay?" tanong ni Jelai sa kanya.
Nagulat kaming lahat sa tanong ni Jelai, hindi lang pala ang girlfriend ko ang naghihinala na gay si Lance. Ayun ang loko nabulunan ata sa tanong sa kanya. Kahit sya hindi nya rin ineexpect na mapaghihinalaan syang bakla.
"What?? Ako bakla?" naiinis na tanong ni Lance. "Of course not." dagdag nya.
"Are you sure?" tanong ni Aya.
Ayan hindi na napigilan ni Aya na magtanong na din. Kung sabagay curious din naman kasi yang girlfriend ko at mas mabuti ng kay Lance nya mismo marinig yung sagot.
"Oo naman I'm not gay." sagot ni Lance. "Hoy kayo ano bang pinapasok nyo sa utak ng mga girlfriend nyo ha?" tanong samin ni Lance.
"Ui boo wala kaming sinasabing ganyan sa kanila. They just arrived to that conclusion. " paliwanag ko.
"Eh kasi naman ang cruel mo sa mga girls. " sabi ni Aya.
"Cruel? Ako? I'm nice naman sa inyo diba?" tanong ni Lance.
"Yah you're nice to us kasi girlfriend kami ng barkada mo and we're friends for a long time na din." sagot ni Aya.
"Then what's wrong?" tanong ni Lance.
Minsan napapaisip talaga ako kung matalino ba talaga tong si Lance. Sya ang first honor namin pero bakit pagdating sa gantong bagay ang slow slow nya.
"Alam mo Lance hindi ka magkakagirlfriend nyan kung ganyan lagi ang attitude mo towards girls. " sabi sa kanya ni Andrea.
"Hindi naman ako naghahanap ng magiging girlfriend ko." sagot Lance.
"Ha?" tanong ni Jelai.
"I'm not looking for one kasi kusa yang dadating kaya dapat matuto lang na maghintay."
Pagkatapos sabihin yun ni Lance tumayo na sya at naglakad na palabas. Minsan talaga mapapanganga ka na lang sa mga sinasabi ni Lance. Akalain mong maririnig nyo un mula sa bibig ng isang Lance Fernandez.
Sinundan lang ng tingin mga girlfriend namin si Lance habang naglalakad sya palabas. Siguro naman kuntento na sila sa sagot ni Lance at hindi na nilang pag iisipang bakla ung barkada namin.
BINABASA MO ANG
Borrowed Time
RomanceThere are things we didn’t want to happen but have to experience, things that we don’t want to know but have learned and people who we can’t live without but have to let go, sad but true.
