Chapter 13: Why is she here?

25 3 0
                                    

Umaga na ulit at hindi gaya kahapon wala ung mga makakapal kong mga barkada. As usual mag isa akong nag aalmusal ngaun kasi ayaw naman ako sabayan ng mga kasama ko dito sa bahay kasi hindi daw tama yun. Wala naman akong nakikitang mali dun king magsasabay sabay kami.

"Anak masama ba talaga pakiramdam mo?" tanong sakin ni Lola Tina.

Nakatulala na naman pala ako sa harap ng pagkain ko. Ano ba naman tong nangyayari sakin ngaun ng dahil sa isang misteryosang boses nagkakaganito ako. Pero nakapagdecide na ko kahapon na kakalimutan ko na kung sino man sya.

"Wala po may iniisip lang." sagot ko.

"Iniisip? Gano ba sya kaimportante at naaapektuhan ka ng ganyan?" 

Gano nga ba sya kaimportante? Boses nya lang naman ang nakilala ko pero ganto na ko kaapektado sa kanya. Ano na ba tong nangyayari sakin?

"Hindi ko rin po alam Lola." 

"Naku ang anak ko mukhang may tama na."

"May tama na? Lola hindi po ako baliw ah."

"Hahaha Ikaw talaga anak pinapatawa mo si Lola." 

Ano daw?

May mali ba sa sinabi ko?

Wala naman akong tama. Nag iisip isip lang baliw na agad? To talagang si Lola pag iisipang pa kong nababaliw.

"Ang ibig sabihin ko inlove na ang anak ko."

Ano daw? Ano ba naman yan pati si Lola nahalata na ko nakakahiya tuloy kaya yumuko na lang ako para itago ung mukha ko kay Lola kasi namumula ako.

"Lola wag nga pong ganyan." nahihiyang sabi ko.

"Asus kaw talaga apo. Sige na kumain ka na muna at magfocus ka sa pag aaral mo ah. Wag kang masyadong magpadistract dyan sa nararamdaman mo."

"Opo lola."

Tama si lola hindi dapat ako magpaapekto masyado sa nararamdaman ko. Kailangan ko pa rin magfocus sa pagaaral ko mahirap na baka may makalamaang sakin. Pero parang impossible naman un kasi simula pa noon wala pa kong nakakatapat. Kaya ayan hindi tuloy ako masyado nag eeffort kasi panigurado namang ako pa rin ang first.

Pagkatapos kong kumain nagpaalam na ko kay Lola na papasok na ko. Pagdating ko sa school nandun na din ung mga barkada ko. Mukhang inaantay nila ako para sabay sabay na kami.

"Nandito na pala si loverboy." kantsaw sakin ni Jake.

"Sira ulo!! Tigilan mo nga ako." sagot ko.

"Wait!! Are we missing something?" tanong ni Jelai.

"Wala ah. Wag nyong pansinin yang mga yan." sagot ko.

"Oh come on Lance anong meron?" nangungulit na tanong ni Aya.

"He's inlove." sigaw ni Eric.

Nagulat kaming lahat sa pagkakasigaw ni Eric. Kaya mabilis kong tinakpan ung bibig nya. Loko talaga to kailangan pa talagang isigaw sa buong campus baka mamaya kung sino na lang makarinig.

"Hoy boo kailangan talagang isigaw?" naiinis kong tanong.

"OMG Lance is that for real?" tanong ni Jelai.

"Atlast!!! Binata na si Mr. Suplado." nang aasar na sabi ni Andrea.

"Lam nyo girls its complicated so wag muna kayong magreact." sabi ko.

Panigirado maguguluhan lang sila pag nagkwento pa ko tsaka wala na din kaming time. Kaya yinaya ko na sila maglakad papunta da room namin. Ang kaso may aksidenteng nangyari habbang naglalakad kami.

"Tang ina!! Sinong bumato nun ha!!" sigaw ko.

"Ui boo relax lang." sabi ni Eric.

"Relax?? Ang sakit kaya nun." naiinis kong sagot.

Nag umpisa ng magtinginan ung mga ibang studyante samin. Napalakas ata yung sigaw ko pero masakit naman kasi un. Lagot sakin kung sino man un. Nakita ko sila Alfred sa di kalayuan, mga kateam ko sila sa basketball at parang alam ko na kung sino may kasalanan sakin.

"Hoy kayo diba sinabihan ko na kayo na bawal maglaro ng bola pagwala sa gym!!!" sigaw ko kanila Alfred.

"Sorry captain. Di namin sinasadya." sabi ni Alfred.

Tama ako nga ang captain ng basketball team namin. At isa sa mga rules ko ang bawal maglaro ng bola kung saan saan lalo na sa mga gantong masikip na lugar. Lagi kasi kaming narereklamo ng ibang mga students sa faculty dahil natatamaan daw sila.

" Boo masyado kang highblood jan." sabi ni Eric.

"Sorry ako po talaga may kasalanan." sabi ng isang babae.

Nagulat kami ng mga barkada ko ng may nagsalitang babae dun sa direksyon nila Alfred. Teka mukhang may tinatago tong mga to ah. Kaya lumapit ako kanila Alfred para makita kung sino ung tinatago nila.

"Tabi!" sabi ko kay Alfred.

"Ha? Captain naman kasalanan ko na nga eh." sabi ni Alfred.

"TABI!!!!!" sigaw ko.

Alam na siguro nila na galit na ko kaya tumabi na lang sila. Kaya ayun bumungad sakin ung babaeng tinatago nila. Ano bang meron sa babaeng to para pagtakpan nila.

"Ikaw ba may gawa nun ha?" tanong ko.

"Opo. Sorry po." sabi nuh babae tapos tumingin sya sakin.

Parehas kaming nagkagulatan nung inangat nya yung ulo nya. Hanggang dito ba sinusundan pa ko ng bwiset na babaeng to????

"Ikaw???" sabay naming tanong sa isa't isa.

"Hoy hanggang dito ba sinusundan mo ko?" tanong ko.

"Hoy ka rin. Asa ka naman na susundan kita." sagot nya.

"Wag kang mag mayabang baka nakakalimutan mo na may atraso ka pa sakin. Sa susunod wag ka kasing tatanga tanga. Wag mong dalhin ung pagkaprobinsyana mo dito. Moron!"

Nakalimutan kong marami palang nagtitinginan samin ngaun at narinig nila lahat ng sinabi ko kaya ayun nagtawanan sila. Well she deserves it para sa pagpapahiyang ginawa nya sakin before. Tatanga tanga sya eh, pipili na lang sya ng papasukan dun pa sa teritoryo ko. Good luck na lang sa kanya kung matatagalan nya dito.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon