Chapter 7: End of Summer getaway

24 3 0
                                    

(Lance's POV)

Tapos na ang bakasyon namin sa rest house / resort nila Eric at eto na kami ngaun nagbabyahe pauwi ng Cavite. Naging masaya naman ang bakasyon namin doon. Nagparty pa nga kami kagabi para mas masulit ang aming bakasyon.

Ang tahimik ng van namin ngaun dahil puro pagod lahat. Pagtingin ko sa mga barkada ko puro sila mga tulog, ayan kasi masyadong nagpuyat. Ang sweet naman ng mga to, talagang kailangan ganon kadikit sa isa't isa? Kung hindi ko lang to mga kabarkada iisipin ko na nananantsing ang mga to. Hahahaha Pagod din ako kaya sinuot ko na ung headphones ko at natulog na din.

Maya maya lang naramdaman kong may yumuyugyog sakin kaya dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Nakita ko si Gino na parang sinasabi nyang nandito na kami kaya nilibot ko ung mata ko at tama nga nandito na kami.

"Nandito na pala tayo." sabi ko habang tinatanggal ko ung headphones ko.

"Hindi hind wala pa." sagot ni Gino.

"Ulol! Alis nga jan bababa ako."

Tinabig ko si Gino kaya napaupo sya dun sa pwesto ko. Lumabas na ko ng van para matulungan ko na sila sa pagbababa ng mga gamit namin. Tumawag na din ako sa bahay para magpasundo sa driver namin. Masyado na kong pagod para maglakad pauwi at antok na antok na ko. Buti na lang wala akong girlfriend na kailangan pang ihatid hindi gaya nila.

"Oh mga boo una na ko ah para makatulog pa ko. Mag ingat kayo sa paghatid sa mga girlfriend nyo. Bye!" sabi ko with matching pangaasar na ngiti.

"Tingnan lang natin Lance pag nagkagirlfriend ka na." sabi ni Eric.

"Si Lance magkakagirlfriend? Asa pa." sabi ni Aya.

"Grabe ka naman Aya. Kaw talaga. " nahihiyang kong sinabi.

"Hayaan nyo na yang si Lance. Makakahanap din yan ng babaeng magpapatino sa kanya." sabi ni Eric.

"Woooooooh... Dapat ba kong matakot dumating ung araw na yun boo?" nagbibiro kong tanong.

"Naku magpapaparty ako pagdumating na ung babaeng yun." sabi ni Jake.

"Join kami jan." sabi ng iba.

Mag uuwian na lang kami naipasok pa namin mga kalokohan namin. Well ganto talaga kami pag nagkakasama puro na lang kalokohan at tawanan.

"Asa kayo. Sige bye!" sabi ko tapos sumakay na ko ng kotse.

Saglit lang naman yung byahe ko pauwi kaya hindi ko na sinubukan pang matulog kasi mabibitin lang ako. Maya maya nakarating na ko sa bahay namin at pumasok na ko ng bahay. Bahala na ung driver namin sa gamit ko.

"Kamusta ang bakasyon anak?" tanong sakin ni Lola Tina.

"Masaya po" 

"Mukhang pagod na pagod ka na ah. Sige na umakyat ka na para makapagpahinga kaso. Gigisingin na lang kita mamaya para sa tanghalian." 

"Sige po akyat na ko." 

Kahit papano sobra ka namang naenjoy un. Syiempre kasama ko ata ang tropa.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon