(Lance's POV)
Nandito ako ngaun sa may beach at naglalakad lakad remember I told you na I love nature. I use to go sa mga gantong place pag naiinis ako at there is something special din kasi sa beach kaya I love here. Kung ano un secret na muna.
I really can't help to think na pinagisipan akong gay ng mga girlfriend nila.
Hello??
Ako gay?
Oh come on that's impossible. Pasalamat sila they're my friends kasi kung hindi nasigawan ko na sila kagaya nung ginawa ko dun sa maid nila Nicole. Nandito nga ako sa beach para makapagrelax tapos sasagi pa sa isip ko ung bwisit na babaeng un. Erase erase baka hindi lang ako makapagrelax.
I found a perfect place para makapagpahinga kaso naman ang daming mga babaeng walang ginawa kundi ang magpacute sa harapan ko. Akala siguro nila natutuwa ako sa mga ginagawa nila pero hindi, I really find it annoying. Umalis na lang ako dun sa pwesto ko bago ko pa sila masungitan. Kaya eto ako ngaun naglalakad lakad ulit at umaasang may makita akong magandang lugar.
Sa paglalakad ko may nakita akong dalawang puno na may nakataling duyan kaya binilisan ko ang pagpunta dun. Sa wakas may magandang lugar din akong matatambayan at mukha namang wala na ung mga babaeng nagpapacute. Humiga na ko dun sa duyan at bigla akong nakaramdam ng antok. Ang sarap kasi ng hangin dito pati nakakaantok pakinggan ung alon ng dagat.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh." sigaw ng isang babae.
Nakatulog pala ako kaso sinira ng babaeng sumigaw ung masarap kong tulog, nakakainis naman. Akala ko pa naman walang napunta dito. Sino kaya ung panirang babaeng yun, malalagot sya sakin sa pagsira nya ng tulog ko.
"Hoy!!!!! Manahimik ka nga." sigaw ko dun sa babae.
Biglang lumingon ung babae at mukhang nagulat sya na nandun pala ako. Kung nainis ako dahil sa pag gambala nya sa tulog ko lalo akong nainis ng nalaman ko kung sino siya. Siya lang naman ung maid nila Nicole.
Talagang may lakas ng loob pa sya na ipakita ung mukha nya sakin. Tumingin muna ako sa paligid ko para masiguradong wala ang mga barkada ko sa paligid. Sa wakas magaganti na din ako sa ginawa nya sakin.
"Ikaw?" tanong nya.
"Ako nga. May poblema ka dun?"
"Oo." mataray nyang sagot.
"Wow ikaw pa talaga ang may ganang sabihin yan ah."
"Pwede ba Mr. Psycho umalis ka na nga."
What???
Did he just called me a psycho?
The nerve of this girl talagang pinapainit nya ulo ko ah. Ang kapal nyang tawagin akong psycho sino ba siya sa akala nya eh she's just a maid she should know her place. Pag hindi ako nakapagtimpi makakatikim to ng masarap kung kamao. Pwede namang hindi maging gentleman paminsan minsan especially with this type of girl.
"Hoy ikaw know your place. Kikilalanin mo muna yung binabangga mo kung ayaw mong mapahamak." banta ko sa kanya.
"Pinagbabantaan mo ba ko?"
"Obvious ba? Tanga lang?"
"Really?? Sorry ka pero hindi kagaya mo ang katatakutan ko."
Aba! Talagang hinahamon ako ng isang to ah. Hindi nya ata kilala kung sino ang binabangga nya. Kayang kaya kong gawing miserable ang buhay nya.
"Ah ganon?"
Naglakad sya papalapit sa akin kaya hinanda ko na ang sarili ko sa kung ano mang pwede nyang gawin. Pero alam ko namang mahina lang sya dahil isa lang syang babae walang wala sya sa mga napatumba ko na.
"Alis nga jan." sigaw nya sakin.
"Pwede ba wag kang sumigaw at bakit naman ako aalis dito?"
"Sisigaw ako kahit kelan ko gusto at wala kang magagawa dun." mayabang nyang sagot. "Umalis ka na jan."
"Aalis ako dito kung kelan ko gusto at wala ka ng magagawa dun."
"Akin yang duyan na yan kaya umalis ka na."
"So? Tinatanong ko ba kung sino may ari nito? Hindi naman."
Dahil sa ayoko ngang umalis dun sa tapat ng duyan sniimulan na nya kong hatakin papalayo sa duyan niya pero syiempre nagmatigas ako. Siguro napuno na sya sakin kaya kinagat nya ko ng sobrang diin sa braso. Ang sakit na nung pagkakakagat nya sa braso ko kaya bigla ko syang natulak ng malakas kaya tumama sya sa may puno tapos bumagsak.
"Hey Lance stop it." sigaw ng babae.
Nagulat ako nung may narinig akong sumigaw mula sa likod ko kaya lumingon ako agad at nakita ko sila Aya at Eric. Lagot mukhang galit na galit si Aya sa ginawa ko.
Si Aya ung tipo ng girl na sobrang haba ng pasensya pero once na magalit yan magtago ka na. Kaya nga bagay na bagay sila ni Eric at sila din ang tumatayong kuya at ate namin.
"What do you think you're doing?" galit na tanong sakin ni Aya.
Hindi na nya ako hinintay sumagot at lumapit na sya agad dun sa babaeng natulak ko. Wala naman akong kasalanan, sya nga tong kinagat ako eh. Pero bakit ganon parang kahit ako nasaktan sa ginawa ko sa kanya at nakokonsensya ako.
"Are you okay?" tanong ni Aya dun sa babae.
"O....o....opo ayos lang ako."
Tinulungan ni Aya tumayo yung babae at inalalayan nya to maglakad. Parang un lang eh.
Ganon ba kalakas ung pagkakatulak ko?
Baka umaarte lang to para makuha ung simpatya ng ibang tao.
"Bhe hatid ko muna sya ah." paalam nya kay Eric. "You better talk to your friend." dagdag ni Aya.
"Sige Bhe ako ng bahala kay Lance. Kita na lang tayo sa rest house. " sabi ni Eric kay Aya.
Ano naman ba to? Ako na naman ang may kasalanan? Naku naman!!!!!!!!!!!!!
BINABASA MO ANG
Borrowed Time
RomanceThere are things we didn’t want to happen but have to experience, things that we don’t want to know but have learned and people who we can’t live without but have to let go, sad but true.