Chapter 15: First face off

40 3 0
                                    

(Gino's POV)

"Kalokohan panong ikaw ang naging captain transferee ka lang ah." mayabang na sabi ni Lance.

"So? Dun lang ba nasusukat ang karapatan mo para maging captain?" sagot ni Nat.

"Pagsisisihan nilang ikaw ang naging captain."

"Hindi mo pa ko nakikitang maglaro Mr. Psycho kaya wag kang magsalita ng tapos."

"Oh come on moron girl wag kang magyabang dito."

Wala na bang katapusan yung pagsasagutan ng dalawang to? Mala north pole at south pole ang dalawang to, mahirap pagsamahin at rayot ang kinalalabasan

"Hey hey Chill!!! Di pa nag uumpisa yung game masyado na kayong nagkakainitan." awat ni Eric sa kanila.

"Let's see kung anong pinagyayabang mo moron." pahabol ni Lance bago tuluyang makalayo si Nat.

Binigyan lang ni Nat ng isang malaking smile si Lance kaya lalong nainis ang loko. Mukhang nakahanap na ng katapat ang Mr. Sungit/Suplado namin.

Nag umpisa na yung game namin at ang first five ay ako, si Lance, Eric, Jake at Alfred. Napansin ko namang wala sa first five ng girls si Nat. Sayang wala palang sapakan na magaganap hahaha joke lang. Napansin kong kahit si Lance disappointed na wala sa first five si Nat. Siguro gigil na gigil na yan ipahiya si Nat.

Natapos ang second half with a score na 54-29 at syiempre in favor of boys. Lagi namang ganong pag may practice game kami. Iisa lang kasi ang coach namin kaya madalas join practice ang ginagawa samin.

"Sus ang yabang bangko lang pala." bulong ni Lance.

"Boo cool lang." sabi ko.

"Magyayabang yabang kasi wala naman pala. Ano pa nga bang aasahan mo sa isang moron girl."

Mukhang palala ng palala ang galit nitong si Lance kay Nat.

"Boo diba totoo yung kasabihan na the more you hate the more you love." sabi ko kay Eric.

"Oo naman. Tested na yun." nakangiting sagot nya.

"Gago tigilan nyo nga ako." naiinis na sagot ni Lance.

"Oooppss mukhang may tinamaan yata boo." sabi ni Eric.

Nagtawanan kami ni Eric pano ba naman kasi inis na inis ang istura ang Lance. Minsan ang sarap din asarin ni Lance kasi maiksi lang pasensya nyan.

Nag umpisa na yung 3rd half namin pero hind pa rin naglalaro si Nat. Tinignan ko sya but she doesn't look worried na matatalo na namin sila. Ayaw nya manlang ba maglaro.

"Hey Jhen bakit sya ung naging captain nyo?" tanong ni Lance sa isang member ng girl's basketball team.

"Kasi magaling sya." sagot nya.

"Kung magaling sya bakit bangko sya?"

"She was supposed to be on our first five kaso pinabago nya muna. Ewan ko ba dun."

"Siguro natakot si moron." bulong ni Lance.

"Ha? May sinasabi ka?"

"Wala wala."

Biglang pumito si coach for substitution at sa wakas pumasok na si Nat. Pinalitan nya si Jhen kaya sya ang tumapat kay Lance.

EXCITING to!!!!!!!!!!!!!!!!!

Wow yun lang ang masasabi ko. So totoo nga na magaling pala to kasi miski si Lance mukhang nahirapan maka porma.

"Ayos ba?" tanong ni Nat kay Lance.

"Shut up." sagot ni Lance.

Aggresibong lumapit sila Lance sa ring para magshoot kaso di nya inaasahang nahabol sya ni Nat at nasupalpal ang bola.

Isa pang WOW para dun.

"Wooooaaaahhhh." sabi ni Eric.

Mukhang lahat ay nagulat sa nangyari. For the first time in the history may nakasuplapal kay Lance at ang masama pa dun isa itong girl at ang mortal enemy nya pa.

"Nice one Nat." bati ko.

"Thanks."

Mukhang narinig ata.ako ni Lance kaya tinitigan nya ko ng masama.

"Boo, smile naman jan." biro ni Jake.

"Shut up." sagot ni Lance.

Mukhang magaling nga talaga si Nat maglaro. Akalain nyo un nagtie kami sa game at first time lang yun. Sa tinagal tagal naming nakakalaro yung team ng girls kahit kelan di pa sila nakatie samin, laging malaki ang lamang namin sa kanila. Halos si Nat lang ang gumawa ng score nila simula ng pumasok na sya.

"So hindi pa ba ako deserving maging captain Mr. Psycho?" tanong ni Nat kay Lance.

"Hindi. Tsamba lang yung nangyari kanina kaya wag kang magyabang." sagot ni Lance.

"Whatever. Hindi talaga marunong tumanggap ng pagkatalo ang mga pikon."

"What did you just say?"

"Wala. Sabi ko BETTER LUCK NEXT TIME."

"Let's go." yaya samin ni Lance.

Ang malas naman ni Mr. Sungit ngaung araw. Natapakan ng kanyang mortal enemy ang ego nya. Pero sa totoo lang super bilib na ko sa paglalaro ni Nat. Panigurado makakapagchampion na ang girls sa basketball ngaung dadating na interschool.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon