Chapter 2: Summer Getaway

56 3 4
                                    

(Lance's POV)

Pagkatapos ng practice namin sa banda at ang kainan namin umuwi na din kami. Pero bago kami maghiwahiwalay nagyaya si Eric na magbakasyon daw muna kami sa rest house / resort nila sa batangas. Pahabol na outing lang bago natapos ang summer.

"Ano sasama lahat ah." sabi ni Eric.

"SYIEMPRE!!!!" sigaw naming lahat.

Umuwi na kami agad para makapaghanda sa pagpunta namin sa batangas. Tama bukas na kami agad papunta kasi limang araw na lang ang natitira at pasukan na ulit. Mabuti ng sulitin na namin to dahil alam namin na magiging busy kami pagnag umpisa na ang pasukan lalo na at graduating kami.

Pagkauwi ko ng bahay sinalubong ako ni Lola Tina at sinabi ko na sa kanya ung plano namin ng barkada ko. Pumayag naman sya at sinabing sya ng bahala magsabi kanila mommy kaya intindihin ko na lang daw ang pag aayos ng mga gamit ko.

Pag akyat ko sa kwarto ko nag umpisa na kong mag ayos ng mga dadalhin ko para sa apat na araw na pagstay namin dun. Ang saya nito!!

"Anak gising na. Baka mahuli ka sa outing nyo." sabi ni Lola Tina.

Kasalukuyan akong may kaharap nun na babae pero malabo ung mukha nya tapos humihingi daw ako ng tawad sa kanya ng narinig ko ung boses ni Lola Tina. Nanaginip lang ako alam ko un pero bakit naman kaya ako ginigising ni Lola.

"Anak mag aayos ka pa ng sarili nyo para sa outing nyo kaya bangon na." 

Nung narinig ko ung salitang "outing" para akong nabuhusan ng malamig na tubig. May outing nga pala kami ngaun kaya mabilis kong dinilat ang mga mata ko at mabilis na tumayo para maligo na. Muntik pa nga akong matumba nun kaya napagalitan ako ni Lola.

"Anak magdahan dahan ka naman baka hindi ka pa makasama nyan pag naaksidente ka." sermon sakin ni Lola.

"hehehehe sorry po Lola mag iingat po ako."

Mabilis akong pumasok sa cr para makaligo na baka mahuli pa ko sa pagpunta kanila Eric. Dun kasi kami makikita kita. Van nila Eric ung gagamitin namin papunta dun pero dahil bawal pa kami magdrive ihahatid kami ng driver nila.

Pagkatapos kong maligo at mag aus ng gamit ko bumaba na ko para mag almusal muna. Nagagalit kasi si Lola pag umalis ako ng hindi kumakain.

Mahal na mahal din ni Lola Tina ung mga barkada ko kaya eto pinagbalot pa kami ng pang merienda namin para mamaya kasi mahaba daw ang byahe namin.

"Tapos na po ako kumain. Aalis na po ako."

"Mag ingat kau dun."

"Opo."

Humalik lang ako sa pisngi ni Lola tapos lumabas na ko. Ihahatid ako ngaun ng driver namin papunta kanila Eric. Bihira lang ako magpapahatid jan sa driver namin kasi mas trip naming maglakad ng mga barkada ko tsaka malapit lang naman school namin.

Pagdating ko kanila Eric nandun na silang lahat sa labas at mukhang ako na lang inaantay nila.

"Ui hindi pa ko late ah. May 2 minutes pa bago mag 6."

Inunahan ko na silang magsalita baka ipagpilitan pa nilang late ako. Eh hindi naman talaga ako late I still have 2 minutes bago mag six.

"Oo na hindi ka na late. Masyado lang kaming maaga, diba mga boo?" natatawang sabi ni Gino.

Nagtawanan na lang kami pagkatapos nun sanay na naman sakin yang mga barkada ko.

"Tara na umalis na tayo." yaya samin ni Eric.

Nagsipagsakayan na kami sa van at syiempre magkakatabi ang mga lovers.

What's new pa ba dun?? Natural girlfriend mo so dapat lang na katabi mo.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon