XANDREI'S P.O.V.
Iniabot ko ang tubig kay Skyla at naupo ako sa tabi niya. Wala ni isa samin ang nagsasalita at katahimikan ang nanaig saming dalawa.
"Kailan mo pa nalaman?", pagbasag niya ng katahimikan
"The moment you were drunk", sagot ko
"Paano?", tanong niya
"I didn't exactly knew what was happening. It's just that, nung hinatid kita, sakto ring hinatid ni Adonis si Shyla. That's why I wondered what's going on between them. Adonis met me that night, and I told him to tell you whatever the truth is", sabi ko
Napatawa siya ng mahina at napayuko.
"So, 'yon pala yung sinasabi sakin ni Dart na nakita niya kayong nag-uusap ni Adonis", sabi niya
Bakit biglang nasama si Dart? Who is he?
"Kailan mo pa nakilala si Dart? I mean, you never mentioned his name to me before", sabi ko
Wala. Gusto ko lang malaman kung paano at saan sila nagkakilala.
"Matagal na 'yon. When I was young, nagpunta kami s sementeryo para bisitahin yung kaibigan nila Mommy. Nakapagtataka nga eh. They have the same names. And so as Kise", sabi ko
"Sino naman 'yon?", tanong ko
"His friend? I don't know", sagot niya
Hindi na ko nagsalita pa. Wala na kong planong alamin pa ang mga bagay na wala namang kinalaman sakin.
"Xandrei", tawag sakin ni Skyla
Napalingon ako sa kanya, pero nagulat ako nung ipatong niya ang ulo niya sa balikat ko. My heart suddenly beats fast.
"I'm so tired. Pero ayoko munang umuwi. Kahit ngayon lang, please, makikitulog muna ko sa condo mo", mahinang sabi niya
Napabuntong hininga na lang ako.
"Fine", sagot ko
"Thank you. Sa lahat ng nagawa mo para sakin. Hindi ko alam kung paano ko ba babayaran lahat ng kabutihan mo sakin", sabi niya
"You don't need to. It's not like, I'm being kind to you because I want to be paid", sabi ko
Hindi naman lahat ng kabutihan, kailangang bayaran. Hindi lahat ng bagay, give and take.
"I wonder why don't you want to have a girlfriend. For sure, swerte ang babaeng magugustuhan mo", sabi niya
Saka siya tumingin sakin at ngumiti. Napatawa na lang ako.
"Omg. Don't tell me...", sabi niya
Tapos tinakpan niya yung bibig niya. Napaisip din ako kung anong sasabihin niya pero naningkit ang mata ko nung mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin.
"Stop it. I'm not a gay for fuck's sake. Tss", inis na sabi ko
Pero bigla siyang tumawa. Atleast, it made her laugh.
"Whatever. Haha. Tara na", sabi niya
Saka na siya naunang naglakad papuntang kotse. It took me a couple of minutes bago ako sumunod sa kanya.
-
"Xandrei"
Nagulat ako nung pagbukas ko ng pinto ng condo ko, bumungad sakin sina Tita Shannel at Tito Tezuka.
"Uh", sabi ko
Shit, nakalimutan kong tawagan sila kagabi at sabihing nandito si Skyla.
"Kasama mo ba si Skyla iho?", tanong ni Tita Shannel
YOU ARE READING
My Destiny (Completed)
Teen FictionSkyla Mae Sebastian once thought that destiny did only exist in fantasy stories or in movies. But never did she knew that it exists in real life and she has been played by destiny. But what if this time, the destiny she thought that was hers wasn't...