Chapter 9

1.8K 43 4
                                    

SHYLA'S P.O.V.

Nagtungo ako sa apartment na tinutuluyan ni Skyla para bisitahin siya. Nagbabakasakali na din akong, kakausapin at papansinin niya na ko. It's been a month since everything went wrong.

"Siya yung naghahanap sayo Sky", sabi ng babaeng pinagtanungan ko kanina

Lumingon si Skyla sakin, at wala man lang akong makitan kahit na anong emosyon sa mukha niya. Did that one month changed her too much?

"Ah, sige. Salamat", sabi niya sa babae

Tumango naman yung babae at pumasok sa isang kwarto, habang si Skyla ay bumaba at pinuntahan ako.

"Sky, kamusta ka na? Nagdala ako ng mga pagkain para sayo", nakangiting sabi ko

"Hindi ako charity case Shyla. May hanapbuhay ako, I can live on my own. I can feed myself", sagot niya

Napabuntong-hininga na lang ako at nagpigil ng luha. I missed my sister so much.

"Sky, bumalik ka na sa bahay. Miss na miss ka na nila daddy", sabi ko

Napatawa siya pero alam kong peke ang tawa niyang iyon.

"Sinong niloko mo? Ako? Sus, 'wag ganon. Niloko niyo na nga ko minsan, 'wag niyong gawing hobby", nakangising sabi niya

"Sky, hindi kita niloloko. Nag-aalala na sila Daddy sayo kaya umuwi ka na", sabi ko

"Kaya ka ba nandito para pauwiin ako? Bakit? Pinadala ka ba ng tatay mo dito? Kung ganon, makakaalis ka na. Kasi kahit anong gawin mo, hindi ako uuwi at hindi na ko babalik pa", seryosong sabi niya

Saka siya tumayo at akmang aalis na pero hinawakan ko ang kamay niya at pinigilan siya.

"Sky, hanggang kailan ka ba magiging ganito? Nahihirapan na kami", naluluha kong sabi sa kanya

Hinarap niya ko at inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Nahihirapan kayo? Well, good to know. Para naman hindi ako nag-iisa. Para may karamay ako sa lahat ng pasakit sa buhay. It's good to know that you're miserable as I am", seryosong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko

Dahil sa sinabi niya, hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko. It's like, I don't know her anymore.

"Umuwi ka na. At sana, 'wag ka ng babalik dito. Hindi kayo kailangan. Hindi ko kailangan ng mga taong sinungaling at manloloko", sabi niya

Saka na siya tuluyang tumalikot at umakyat. Naiwan akong umiiyak dito. Hindi ko alam kung ano bang dapat gawin para mapatawad niya ko, kami. Para bumalik na siya samin.

Hindi ko na alam kung paano pa ba maitatama ang lahat ng pagkakamaling nangyari.

"Halah! Miss! Dinudugo ka!", sigaw ng isang babae

Napatingin ako at halos makita kong andaming dugo ang umaagos sa binti ko.

"Skyla! Skyla!", sigaw ng babae habang kinakatok ang pinto ng kwarto ni Skyla

"Ano ba?! Sinabi ko na ngang umalis—"

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya at kumaripas siya ng takbo papunta sakin.

"S-Shy! Shy teka lang, tatawag ako ng sasakyan!", natatarantang sabi niya

Paalis na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya at umiling ako.

"Maybe this is the best way to end everything. To cut the pain", mahinang sabi ko

"What?! I am hurting and I may not show how I care but hell walang kinalaman ang bata dito Shy! Hindi ako mamamatay tao!", sigaw niya

My Destiny (Completed)Where stories live. Discover now