Chapter 14

1.8K 38 0
                                    

SKYLA'S P.O.V.

Nung wala akong mahanap na kasama, nagpunta ako kay Dase. Naupo ako sa tabi niya, at pakiramdam ko naramdaman niya ang pag-upo ko kaya naman inalis niya ang headset niya.

"Hi", nakangiting sabi ko sa kanya

Ngumiti siya sakin at umayos siya ng upo.

"Anong ginagawa mo dito?", tanong niya

Napabuntong hininga ako at napasimangot. Nakakaasar kasi gumawa ako ng schedule namin, pero ayaw nilang gawin.

"Wala akong kasama. Wala akong mahagilap. Nakita kasi kita dito, kaya pumunta ako dito", sabi ko

Napa-ah naman siya tapos tumango-tango siya.

"Anong ginagawa mo?", tanong ko

"Tinatapos ko yung kantang ginagawa ko", sabi niya

Hahawakan ko sana yung notebook, pero bigla niya kong pinigilan. Pakiramdam ko nakuryente ako nung hinawakan niya yung kamay ko.

Napatingin ako sa kanya kaya naman binitawan niya din yung kamay ko.

"Ah, sorry", sabi niya

Hindi na lang ako sumagot at ngumiti na lang. Awkward. Hindi ko alam pero hindi ako mapakali kay Dase.

"May itatanong sana ako tungkol kagabi", sabi ko

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin sakin. Bakit ganon siya makatingin? Parang may something. Geez.

"Yung kina J-Hee at Xandrei, pano mo nalaman?", tanong ko

"Xandrei, Dart, Adonis and I were friends since we were kids. Bago mo pa makilala si Xandrei, magkakaibigan na kami. It's just that, siguro hindi kami nababanggit sayo ni Xandrei", sagot niya

"Ah, I see", nakangiting sabi ko

Nga naman. Ni minsan kasi talaga, walang nabanggit sakin si Xandrei na may kaibigan pa siyang iba, bukod sakin tsaka kay J-Hee.

"I heard you're working at my sister's restaurant", sabi niya

"Yes", sagot ko

"Bakit? Mayaman ka naman. Why are you working there if you can start now managing your own company? Sorry for interfering", sabi niya

"Hindi kami maayos ng pamilya ko", sabi ko

"Why?", tanong niya

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Nabuntis ng taong mahal ko yung kapatid ko. I just needed time and space from everyone, pero hindi nila maintindihan. I don't know if they're the one who made the situation worse, or is it me because I was eaten by my pride", sagot ko

I know I'm being too much and I am being distant from them. Hindi ko lang alam kung paano ko tatanggapin ang lahat. Kung paano ko kakalimutan ang lahat. It feels like, whenever I see them, lagi kong naaalala na pinagkaisahan nila ko. Na yung mga taong pinagkakatiwalaan ko, niloko lang ako.

"How would I trust someone who already lied to me and someone who broke my trust?", dagdag ko pa

"Kaya mo. Mahal mo sila eh. They are your family afterall. Nagsinungaling man sila sayo, maybe they thought it was the best choice", sagot niya

Napatawa ako habang nakatingin sa floor.

"Best choice nila ang saktan ako sa kasinungalingan. Sasaktan na nga lang ako, bakit sa kasinunalingan pa? Bakit di na lang sila nagsabi ng totoo? Kasi kung yung katotohanan man o kasinungalingan ang sasabihin nila sakin, wala namang magbabago. Masasaktan at masasaktan pa rin naman ako", sabi ko

"Have you tried listening to them?", tanong niya

Napatingin ako sa kanya at hindi sumagot. Nginitian niya lang ako tapos umiling siya at nag-iwas ng tingin.

"Subukan mo munang makinig sa kanila. Hanggat hindi mo nalalaman kung anong totoo, hindi ka matatahimik. Huwag mong masyadong isara ang sarili mo. Huwag mong masyadong lagyan ng harang yang puso mo. Ikaw din, baka magsisi ka huli", sabi niya

Hindi ako sumagot at nag-iwas ng tingin kasi naiiyak ako. Bakit sa mga ganitong usapan, palagi akong naiiyak?

"You know what, maybe life isn't all about avoiding the bruises. Maybe it's about collecting the scars to prove that we showed up for it", dagdag pa niya

Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik.

Maya-maya pa biglang nag-ring ang phone ko, at pagtingin ko, si Mommy ang tumatawag. Tinitigan ko lang ang phone ko hanggang sa mag-end call.

"Bakit ayaw mong sagutin? Go on, pick it up", nakangiting sabi ni Dase

Maya-maya nag-ring ulit ang phone ko. Nakailang ring pa iyon bago ko kinuha at sinagot.

"Hello", mahinang sabi ko

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mommy at literal kong nabitawan ang phone ko.

"Sky, are you okay?", tanong ni Dase

Saglit akong napako sa kinauupuan ko at pakiramdam ko hindi ako makagalaw.

"Si Daddy... kailangan kong puntahan si Daddy", sabi ko

Saka ako nagpunas ng luha.

"Pahiram ng kotse mo. Please, ibabalik ko", umiiyak na sabi ko kay Dase

"Magda-drive kang umiiyak? Are you crazy? Let's go. Ako na ang magda-drive", sagot niya

Saka niya pinulot ang phone ko at hinila ako hanggang sa kotse niya.

"Where?", tanong niya

"St. Lukes", sabi ko

Hindi na siya sumagot pa at mabilis na nag-drive. Hindi ako matigil sa pag-iyak at paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko yung sinabi ni Mommy.

"I'm sorry to bother your vacation but your father is in the hospital right now. He needs an operation. He needs you. Come back anak"

Napailing ako at nagpunas ng luha.

Wait for me Dad, fight for me. I'm coming. I'll be there. Just hold on, and wait for me to come.

-

Pagdating namin sa hospital, agad akong tumakbo papasok at nagderetso sa kwarto ni Daddy. Pagpasok ko, naabutan ko si Mommy sa tabi niya.

"He's unconscious. Sabi ng mga doctor, maybe after the operation, he will still be unconscious", sabi ni Mommy

Lumapit ako kay Daddy at niyakap siya ng mahigpit.

"Dad, I'm sorry. I'm really really sorry. Please, lumaban ka dad. Wake up. I'm here now. Dad, please", umiiyak na sabi ko

"Wala pa kaming nahahanap na nagmamatch na donor para sa daddy mo", sabi ni Mommy

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Daddy at nagpunas ng luha.

"Susubukan kong kumuha ng tests if I am a match", sabi ko

"No", sabi ni Mommy

"Dad's life is in danger mom. We don't have any choice. He need to get the surgery as soon as possible! I cannot afford losing a father!", sigaw ko

Napaiyak na lang si Mommy at nag-iwas ng tingin.

"I will undergo the tests whether you like it or not mom. It's my decision afterall. It's do or die", sabi ko

Saka ako lumabas ng kwarto at hinanap ang doctor ni Daddy. I may risk my life, but I am willing to risk it. Lalo na kung ang kapalit, ay ang makita kong buhay ang ama ko..

My Destiny (Completed)Where stories live. Discover now