SKYLA'S P.O.V.
Dad's really serious about what he said. Lahat ng credit cards ko, hindi ko na magamit. Geez! I guess I don't have any choice kung hindi maghanap ng trabaho.
"Oh, san lakad natin? Bakit naglalakad ka? Nasan kotse mo?"
Napalingon ako sa nagsalita at tumambad sakin ang nakangiting mukha ni Dart.
"Anong ginagawa mo dito?", tanong ko sa kanya
Saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Sinabayan naman niya ko.
"Nakita kasi kita, kaya sinundan kita", sabi niya
Hindi na ko sumagot pa. Wala rin naman akong sasabihin.
"Are you okay?", tanong niya
Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Bakit naman hindi ako magiging okay?", sagot ko
Hindi siya sumagot bagkus hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako.
"Teka, san tayo pupunta?", tanong ko sa kanya
"I'll help you", sagot niya
Saka niya ko isinakay sa kotse niya at mabilis siyang pumunta sa driver's seat.
"Teka, san nga?", tanong ko
Imbes na sagutin niya ko, ngumiti lang siya at nag-drive papunta sa kung saan.
-
"Kanino 'to?", tanong ko
Pumasok kami sa isang restaurant. Don't tell me dito ako magtratrabaho?
"My cousin. You can work here", sabi niya
Saka niya ko hinila papasok ng restaurant. Bumungad naman samin ang isang babae. She's a goddess I can say.
"Hi noona", nakangiting sabi ni Dart saka siya lumapit at niyakap yung babae
Geeez. Ang awkward.
"Oh, hi. Siya ba ang sinasabi mo sakin?", sabi niya kay Dart
"Ah, yes. By the way, she's Skyla. Skyla Mae Rodriguez noona", sabi ni Dart
"Uhm, hello po", nakangiting bati ko
"How are you related to Tezuka Rodriguez?", tanong niya
Napatingin ako kay Dart.
"Ah, Daddy niya noona", sagot ni Dart
"Your an heir, yet you're here to work. Why?", tanong niya ulit
Geeez. Interview ba 'to? Porket ba anak ng mayaman hindi na pwedeng magtrabaho? Geez.
"Noona, stop. Just help her please? For me", sabi ni Dart
Napatango-tango naman yung babae at napangiti na lang. Mukha naman siyang mabait?
"Okay. By the way, I'm Lheyanna Jean. You can call me whatever you want to call me. It's okay with me", sabi niya
"Can you assign her a job na hindi masyadong may ginagawa noona? Please?", sabi ni Dart
"Of course", sagot ni ate LJ
"Halah! Hindi po. Okay lang kahit anong trabaho. Ayos lang po sakin", sabi ko
"No. Haha. It seems like my cousin here really value you that much that he rushed over here asking me to help you. He haven't done this thing to anyone, do you know that?", nakangiting sabi niya
YOU ARE READING
My Destiny (Completed)
Teen FictionSkyla Mae Sebastian once thought that destiny did only exist in fantasy stories or in movies. But never did she knew that it exists in real life and she has been played by destiny. But what if this time, the destiny she thought that was hers wasn't...