Chapter 11

1.8K 47 0
                                    

SKYLA'S P.O.V.

Hindi ko alam, masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko alam kung saan nanggaling si Dart at bigla siyang sumulpot mula sa kung saan.

"Everything's going to be alright", sabi ni Xandrei saka niya hinawakan ang kamay ko at nginitian ako

Maski ngumiti kahit peke ay hindi ko magawa. Nag-aalala ako kay Dart. Hindi ko alam kung mapapatawad ko ba ang sarili ko kung sakaling may mangyaring masama sa kanya.

"Matulog ka kaya muna?", sabi ni Xandrei

Umiling ako at hindi sumagot. Inaantay kong lumabas ang doctor.

"Listen to me Sky. You think matutuwa si Dart kapag nalaman niyang ganyan ka ngayon? For sure, sasabihin ni Dart na huwag mong sisisihin ang sarili mo sa nangyari. It was his choice to be stabbed and not yours so don't blame yourself", dagdag pa niya

Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa balikat niya saka ko ipinikit ang mga mata ko. Sana paggising ko, maayos na siya.

-

"Skyla!", sigaw ng isang babae

Napalingon ako muli sa kanya, pero nagulat ako nung paglingon ko ay mukha ng isang lalake ang bumungad sakin. Nakayakap siya sakin at nakatitig ng deretso sa mga mata ko.

"Tama na!", rinig kong sigaw ng isa pang lalake

Itinulak niya ang lalaking nakamaskara palayo tapos ay sinuntok niya ito.

Napahiga ang lalakeng nakayakap sakin at pati ako ay napaupo. Nakita kong may saksak siya sa may bandang tiyan niya.

"D-Dart", nauutal na sabi ko

"Killua dalhin niyo na si Shan!", sigaw ng isang lalake

"O-okay lang a-ako", sabi ni Dart

Agad namang lumapit samin ang isang lalake at inalalayan si Dart patayo.

"D-Dart", nauutal na sabi ko

Pero hindi na siya tumingin pa sakin at tuluyan siyang pumikit.

"Ako na ang bahala. Sumunod na lang kayo ni Altzhea sa hospital. Si Altzhea, tulungan mo", sabi ng isang lalake

"Skyla!", sigaw ni Xandrei

Agad akong nagmulat ng mata dahil sa sigaw ni Xandrei. Halos habulin ko ang hininga ko pagkamulat ko ng mata ko. Anong klaseng panaginip 'yon? Bakit pakiramdam ko nandoon ako? At bakit nabanggit ang pangalan ni Dart? Altzhea? Si Tita Altzhea ba 'yon?

"Okay ka lang?", tanong sakin ni Xandrei saka siya nag-abot ng tubig

Tumango ako at deretsong ininom ang tubig. Geeez.

"Okay na si Dart", sabi ni Xandrei

Iginala ko ang tingin ko at napansin kong nasa isang kwarto na kami at tulog si Dart sa isang hospital bed. Nakahinga naman ako ng maluwag na malamang maayos na siya.

"Nga pala, tinawagan ko sila Tita Shannel—"

Napatigil sa pagsasalita si Xandrei nung biglang bumukas ang pinto at iniluwa non sila Mommy. Napapikit na lang ako, pakiramdam ko mas napagod ako.

"Anak, ayos ka lang ba? Nasugatan ka ba? May masakit ba sayo?", nag-aalalang sabi ni Mommy habang kinikilatis ako

"Okay ako mom. Hindi ako uupo dito kung hindi ako maayos", sabi ko

My Destiny (Completed)Where stories live. Discover now