Chapter 10

1.9K 42 0
                                    

XANDREI'S P.O.V.

Inabot ko ang isang ice cream kay Skyla saka ako umupo sa tabi niya.

"Salamat", nakangiting sabi niya

Tumango lang ako at kinain ang ice cream na hawak ko.

"Bakit kasi hindi ka na lang mag-stay sa condo ko? Hindi naman kita pinagbabalakan ng masama", sabi ko

Napatawa siya at hinampas ako.

"Baliw. Wala naman akong sinabing ganon. It's just that, ayokong maging pabigat", sabi niya

"Kailan ka ba naging pabigat sakin? Tss. Hindi naman ako nagreklamo kahit isang beses", sabi ko

"Ayun na nga eh. Sakin naka-sentro yung mundo mo Drei. Wala ka ng oras maghanap ng taong makakasama mo habang buhay. I'm giving you freedom", sabi niya

Natahimik ako saglit dahil sa sinabi niya.

"I want to see you happy with the girl you love. Gusto ko makahanap ka ng babaeng mag-aalaga at magmamahal sayo habang buhay. Hangga't nasa tabi mo ko, sakin at sakin lang ang mundo't oras mo", dagdag pa niya

"Hindi ko kailangan ng ganon. Ayos na sakin yung nasa buhay kita", sabi ko

Napangiti siya at napailing-iling.

"Wow naman. Pinapakilig mo ba ko? Huwag kang ganyan, baka tumibok ulit yung puso ko", sabi niya

"Edi masaya. Kung ako lang ang mamahalin mo, hindi naman kita sasaktan kagaya ng ginawa ng ex mo", sagot ko

"Whatever", sabi niya saka siya umirap

Tahimik lang siyang kumakain, at nung maubos na niya agad ko siyang hinila patayo.

"San tayo?", tanong niya sakin

Hindi ko siya sinagot at nginitian ko lang siya saka ko siya isinakay sa kotse.

"Let's have fun today. Na-miss ko na rin yung bonding nating dalawa", sabi ko

"Aye aye captain!", nakangiting sabi niya at sumaludo pa

Napailing na lang ako at napatawa. Minsan talaga napakachildish ng isang 'to.

-

"T-teka lang. Hindi ako na-inform dito hoy", sabi niya

Saka siya nagtago sa likod ko. Napatawa ako sa inakto niya pero bigla niya kong hinampas.

"What the hell Sky!?", sigaw ko

"Tawa ka diyan! Sapakin kita eh!", inis na sabi niya

"Tara na kasi. Masaya 'to, promise", sabi ko

Umiling siya at nag-pout lang.

"Hindi naman kita ipapahamak. Trust me", nakangiting sabi ko

"Bwisit ka! Hindi ka na makakaulit sakin!", sigaw niya

Napatawa na lang ako sa habang inaalalayan siyang sumakay sa kabayo. It's her first time, tsaka takot kasi talaga siya. Gusto ko lang ma-overcome niya yung fear niya.

"Ready?", nakangiting sabi ko

Lumingon siya saglit sakin at ngumiti saka siya tumango. Napangiti na lang din ako saka ko pinatakbo ang kabayo. Seeing her smile is enough for me. As long as my bestfriend's happy, I am happy.

-

"Lakad tayo dun!", masayang sabi niya saka siya naunang bumaba muka sa kabayo

Napailing na lang din ako at bumaba. Pagkababa ko, bigla siyang tumakbo pabalik sakin.

My Destiny (Completed)Where stories live. Discover now