SKYLA'S P.O.V.
Natapos ang insidenteng 'yon, at kinalimutan na namin. Nasa isang resort kami ngayon, para magbakasyon. Also, I need to freshen up my mind.
Pagkatapos kong marinig ang pag-uusap nila Dart at Xandrei, umalis ako ng hospital non. Umakto ako na parang wala akong nalaman at wala akong narinig. Gusto ko, umamin sila mismo. I don't wanna conclude things na narinig ko lang. Baka kasi namali lang ako ng dinig.
"Magkasama tayo sa room ha? Tapos si ate Lheyanna", sabi ko kay J-hee
"Okay okay. Mauuna na ko dun", sabi niya
Ngumiti na lang ako. Magkasama sa room sina Adonis at Shyla. Sina Dart, Dase at Xandrei.
"Ano ng gagawin natin?", tanong ni Xandrei
"Mag-ayos sa may garden. Haha. Dun tayo kakain ng dinner. Aayusin ko lang yung mga maluluto", sabi ko
"Wow, marunong ka ng magluto", pang-aasar niya
"Whatever!", sabi ko saka ko siya inirapan
Kinuha ko na rin ang maleta ko at nagtungo na sa kwarto namin. Naabutan ko dun si ate Lheyanna na nag-aayos ng gamit.
"Ate, okay lang ba sayo na dito ka? May available na rooms pa naman. Baka hindi ka sanay na may katabi sa pagtulog", sabi ko
Natawa siya at napatingin sakin.
"Ayos lang. Tsaka, gusto ko din naman i-try. I've never done this in my entire life", nakangiting sabi niya
Napatango na lang din ako at ngumiti. Saka ko inayos ang mga gamit ko.
"Sa hospital, dun ko lang nalaman na ikaw pala yung batang babae na kwinento sakin nung dalawa", biglang sabi ni ate Lheyanna
Napatingin ako sa kanya. Tinigil niya ang pag-aayos ng gamit niya at naupo sa kama.
"Nakwento ka sakin before nila Dase at Dart. Alam ko bang ikaw ang bukambibig nila sakin?", nakangiting sabi niya
"Ah. Haha", sagot ko na lang
Nahihirapan na ko kila Dart at Xandrei. Bakit nadamay pati si Dase?
"Nung nasa abroad pa kami, Dart became a playboy. Araw-araw yata iba iba babae nun. Tapos kapag uuwi sa bahay sasabihin niya, hindi sapat. Parang may kulang. Tapos, sabi niya, hindi siya makahanap ng kagaya mo. Na hindi niya maramdaman sa iba yung naramdaman niya sayo nung unang beses ka niyang makita", dagdag pa niya
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.
"Si Dase naman, he told me once na may babae na siyang gusto. It was you, I know. Pero ngayon, hindi ko alam if he still feels the same way. Since, hindi naman na siya nagkwekwento sakin", sabi ni ate Lheyanna
"Why are you telling me this ate?", biglang tanong ko
"To inform you", sagot ni Ate Lheyanna
Saka na siya lumabas ng kwarto. Naiwan akong tulala at napapaisip sa sinabi niya. Bakit kailangan nilang guluhin ang utak ko? Bakit pakiramdam ko instead na makakapahinga utak ko dito, ay mas lalong magugulo?
-
XANDREI'S P.O.V.
Hindi ko alam kung paano niya nakausap si J-Hee ulit at talagang sinama pa niya dito. Aish.
"Xandrei"
Napapikit na lang ako nung tawagin niya ko. Boses pa lang kilala ko na.
"Kamusta ka na?", tanong niya
"Ayos lang", sagot ko
"Kwento sakin ni Sky, may bago ka na naman daw dish na naimbento", sabi niya
Daldal talaga ng babaeng 'yon. Tsk. Pati ba naman 'yon, sasabihin pa niya?
"Ah", sagot ko na lang
"Naalala mo ba dito", biglang sabi niya
Napamulat ako dahil sa sinabi niya.
"Dito tayo madalas tumambay dati nung mga bata pa tayo", sabi niya habang nakangiti
"Hindi. Wala akong naaalala. Limot ko na lahat, matagal na", saad ko
Saka na ko tumayo at nagsimulang maglakad paalis.
"I'm sorry", mahinang sabi niya
Mahina ang pagkakasabi niya pero sapat na para marinig ko.
"Why are you even sorry? Ni hindi mo nga pinagsisihang tinapon mo lahat para sa putanginang pangarap na 'yan. Pero ayos lang, pangarap mo 'yon. Sino ba naman ako para ipagkait sayo ang pangarap mo diba? Pero sana naaalala mong, nung araw na mas pinili mong umalis, kasabay non ang pag-alis mo sakin sa buhay mo J-Hee. Just in case you forgot", sabi ko
Saka na ko tuluyang umalis. Hindi ko na hinintay pang sumagot siya at ayoko na ring marinig kung ano man ang isasagot niya. Tapos na, ayoko ng maalala pa. Limot ko na, kaya ayoko ng balikan pa.
-
ADONIS' P.O.V.
"Sure ka ba na ayos ka lang dito? Dun ka kaya kila Sky, para may kasama ka", sabi ko kay Shyla
Pero nginitian niya lang ako. A smile that contains pain.
"Why? May problema ba?", tanong ko
Umiling siya at ngumiti. She've always been like this.
"I'm sorry", mahinang sabi niya
Unti-unting naglaho ang ngiti mula sa mga labi niya at unti-unting may namuong luha sa mga mata niya.
"Shy, please. Stop being sorry. Kasalanan natin parehas, but please, don't blame the kid inside you. Dahil ako mismo, I never once thought that, that kid is just a mistake. She's a blessing and a gift from God. Always remember that Shy", sabi ko
Tuluyan na siyang umiyak. Napapikit na lang ako. Ganun ba talaga kapag buntis, masyadong nagiging emosyonal?
"Kapag nanganak na ko, we can have the annulment papers. You can live your life freely. Huwag kang mag-alala, hindi ko naman ipagkakait sayo ang bata", biglang sabi niya
"What are you saying?", inis na sabi ko sa kanya
"I know you still love her. Fight for her Adonis. I want you both to be happy. I don't want to be a hindrance. Don't worry, it's fine with me", sabi niya
Magsasalita pa sana ako pero bigla siyang tumayo at umalis saka siya nagpunta kila Skyla.
Napatingin ako kay Skyla. Shyla's right, hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal ko pa rin si Skyla. At hindi ko alam kung paano ko ba kakalimutan ang nararamdaman ko. Iniisip ko pa lang,akoamdam ko unti-unti ng nadudurog ang puso ko.
YOU ARE READING
My Destiny (Completed)
Teen FictionSkyla Mae Sebastian once thought that destiny did only exist in fantasy stories or in movies. But never did she knew that it exists in real life and she has been played by destiny. But what if this time, the destiny she thought that was hers wasn't...