Angelic/Mica
Nasa likod ako ng bahay at nililigpit ang kalat ng Tigers kanina, nakauwi na sila at mga lasing na. Kumakanta pa nga si Baxter ng kantang Español kaya hindi ko maintindihan sinundan pa ni Jin Lee ng kanta na pang broken hearted. Akala mo talaga hiniwalayan ng jowa.
Isa pa iyong asawa ni Faith na si Noe, nag sasalita ng Greek at silang dalawa lang ni Faith ang nagkakaintindihan. Si Nyle Davis na panay English habang kaakbay niya kanina si Isaac Felton na nag sasalita ng sarili rin niyang lengwahe.
Grabe. Sumakit utak ko, akala ko ba mabait sila pag lasing? Hindi naman pala.
Pinunasan ko ang table at ipinasok ang lahat ng hugasin sa kusina tsaka ako nag simulang mag hugas.
"Honey?" Lumingon ako sa likod at nakita kong pasuray suray ng lakad si Dylan kaya kumunot ang noo ko sa kanya
"What? Dapat natulog ka na, lasing ka" Sabi ko at ipinagpatuloy ang pag huhugas.
Narinig ko ang pag hatak niya sa upoan at tumigil sa gilid ko tsaka siya umupo at tinitigan ako gamit ang inaantok niyang mga mata
"I just want to assure that you won't leave me again" Natigil ako sa pag huhugas at tinignan si Dylan pero nakatulog na siya habang nakasandal sa upoan kaya pinunasan ko ang kamay ko at hinawakan siya sa pisnge niya
"I will never leave you again. Unless you want me to" Mahinang bulong ko at hunalikan siya sa noo, buo na ang desisyon ko at iyon ay ang manatili sa puder ni Dylan.
Kailangan si Angeline ng kompletong pamilya kaya ibibigay ko iyon sa kanya, ayaw kong lumaki ang anak ko na mag iisip kung bakit hindi buo ang pamilya niya.
Mabilis kong tinapos ang pag huhugas ko at inakay na si Dylan patungong kwarto, habang inaakay ko siya ay panay ang salita niya pero konti lang ang naiintindihan ko kasi naman lasing siya at hindi maayos ang pag sasalita
"Mica, hmm" Inihiga ko si Dylan sa kama at kumuha ng basang towel saka ako bumalik sa kwarto,
"Hmmm, mica I, I love-you" Natigil ako sa pag pupunas ng kamay ni Dylan dahil sa sinabi niya at tinignan ko siya
"Hindi ko man masagot yan ngayon, pero ipinapangako ko na sasagotin ko yan balang araw" Sabi ko sa natutulog na Dylan at tinapos na ang pag pupunas sa kanya at natulog ako sa tabi niya
Dylan
"Fuck" Hinawakan ko ang ulo ko at bahayang hinilot dahil sa sakit. Hangover. Tsk.
Minulat ko ang mata ko at napangiti nang makita si Mica na payapang natutulog sa tabi ko, akala ko iniwan na naman niya ako lasi lasing din ako noong una niya akong iwan.
Hinaplos ko ang mukha niya dahilan para magising siya at ngumiti naman ako.
"Kanina ka pa gising? Bakit hindi mo ako ginising para makapag luto ako ng agahan?" Dali dali siyang bumangon pero hinila ko ang kamay niya at pinahiga ulit sa kama
"I have a hangover, care to take it away?" Malambing kong sabi at ngumiti sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin
"Kasalanan mo iyan kasi uminom ka" Sabi niya at iniwan akong nakahiga sa kama. I think I don't have a choice but to get my ass up. Tsk. So sweet of her.
Angelic/Mica
Dali dali akong bumaba sa kusina at mabilis na nag hilamos dahil sobrang nakakahiya na nauna siyang magising at nakita niya ang mukha kong panget.
Buhaghag ang buhok at mukhang may tuyong laway pa nga ako kanina. Holy my!
"Honey!" Minadali kong itali ang buhok ko at nag handa ng mga gagamitin para sa umagahan. Bacon and Hotdog lang naman ang lulutoin ko.
"Honey, bakit hindi ka sumasagot?" Suminghap ako nang bigla akong yakapin ni Dylan mula sa likod ko at hinaplos niya ang tiyan ko
"Hmmm, lagyan ko na kaya to ng baby? What d'ya think?" Siniko ko siya sa tiyan para umalis sa likoran ko pero hindi siya natinag
"Tigilan mo ako Dylan" Natawa si Dylan pero natigil din naman nung may nag door bell
"I got this" Sabi niya at tumango naman ako tsaka nag patuloy sa pag balat ng Hotdog.
Saktong natapos ako sa pag luluto nang bumalik si Dylan dito sa kusina na may ngiti sa labi kaya tinitigan ko siya at napansin din naman niya
"What is it honey? is something wrong?" Umiling ako at umupo sa tabi niya tsaka ako sumagot
"Ikaw ang may something" Natawa si Dylan at nagulat nalang ako nang nakawan niya ako ng halik sa labi,
Eh? Ano naman kaya ang nakain nito? Nakainom lang kagabi naging sweet na? Painomin ko kaya to gabi gabi para araw araw din sweet?. Tsk. May something nga.
"Gutom ka lang Dylan kaya kumain ka na" Hinalikan na naman niya ako pero this time sa pisnge naman
"Okay honey, and oh may lakad tayo mamaya at susunduin natin si baby" Tumango nalang ako sa kanya dahil sa pagiging weird niya
Dylan
Matapos naming kumain ni Mica ay naligo na agad ako dahil plano ko na mamasyal kaming tatlo ng anak namin.
I have to date my daughter and soon to be wife. Yes soon.
Habang naliligo ako ay hindi ko maiwasan na tignan ang red box na lalagyan ng sing sing para kay Mica.
I can't wait to be her husband. I can't wait to mary her. After what happened in Alegria I already knew that I have a feelings for her and when we met again the feelings is getting stronger until I found my self falling for her.
Angelic/Mica
Tahimik lang ako habang bumabyahe kami palabas ng village, pupuntahan namin si Angeline sa mommy niya kaya medyo kinabahan ako dahil makikita ko na ang mommy at daddy niya.
Ano kaya ang sasabihin nila? Magagalit ba sila? Ipagtataboyan ba nila ako?
"Don't think too much honey, they'll love you for sure" Ngumiti ako kay Dylan nang sabihin niya iyon at inabot ang kamay ko para halikan. Holy! kinililig ba ako?
"Kinakabahan lang ako" Sabi ko,
Tumigil kami sa isang magarang bahay at pinagbuksan naman ako ni Dylan at hinapit ako sa bewang bago kami nag lakad papasok sa malaking bahay
"Adododod adododo, look sweetheart! She smile at me!" Nasa pinto pa lang kami ay rinig ko na ang masayang boses ng isang babae,
"Mom? Dad? I'm home" Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa pag tawag ni Dylan sa mommy at daddy niya kaya naman kumapit ako sa kanya na kinatawa niya ng mahina
"Hi son! and oh she's Mica right?" Kumurap ako ng dalawang beses habang nakatingin sa mommy ni Dylan na malaki ang ngiti at ang daddy naman ni Dylan ay nasa likod niya habang buhat buhat si Angeline
"Come, give me a hug baby girl" Nagulat ako sa sinabi ng mommy ni Dylan. Hindi ako makapaniwala na natanggap agad ako ng pamilya niya
Ngumiti ako at yumakap sa mommy ni Dylan at nag mano na rin ako sa kanilang dalawa ng asawa niya
"Kukunin niyo na si baby Dylien?" Tumango naman ako dahil nahihiya pa akong mag salita
"Yes mom, papasyal kami" Tumango ang mommy ni Dylan at agad namang inabot sa akin si Angeline
"She's quite beautiful, I'm sure maraming mahuhumaling sa apo ko" Proud na sabi ng Daddy ni Dylan kaya ngumiti ako
BINABASA MO ANG
Tiger 3: Dylan Smith (Editing)
General FictionWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Micaella DeAsis, babaeng mahilig mag tago sa lahat. Marunong mag laro ng tagoan sa mga taong ayaw niya masali sa pahina ng buhay niya. Makakapagtago pa...