Angelic/Mica
Kakatapos ko lang mag linis ng bahay ni Dylan, habang siya naman ay nasa kusina at nag luluto ng pulotan nila.
Umupo ako sa sofa at pinikit ang mga mata ko. 'Sigurado akong gigisahin ako ni Cleassie ng tanong mamaya at paano naman kaya ako sasagot kung bunganga niya parang machine sa bilis'.
Huminga ako ng malalim at tumayo na sa sofa para makaligo na ako, mayang konti lang siguro ay mag dadatingan na ang mga kaibigan niya.
--
Dylan
Habang busy ako sa pag aayos ng mesa sa likod ng bahay ay nag may nag door bell kaya naman lumabas muna ako para buksan ang pinto na alam kong bukas naman talaga. Weirdos.
"Ang bagal mo naman makabukas ng pinto Dylan" I raise my brow at Nyle,
"Ikaw tong tanga. Hindi naman nakalock ang pinto, door bell ka ng door bell" Hindi ako sinagot ni Nyle at diretso lang ang pasok papuntang likod ng bahay.
"Asan na asawa mo? bakit ikaw lang mag isa?" Bumalik ako sa pag assemble ng table at tumulong naman si Nyle bago ako sumagot
"Naliligo, you know girls need to be fresh in front of visitors" Ngumisi si Nyle at inabot sa akin ang isang paa ng table kaya naman tinanggap ko at ikinabit iyon
"Buti nalang lalaki ako, kahit pawis na pawis ay amoy bagong ligo pa rin" Umiling ako kay Nyle at inayos na ng tayo ang table,
"Hindi ko alam na malakas pala ang hangin pag November. Umuwi kaya akong America para hindi na mahangin" Natatawang sabi ko, narinig ko na namang may nag door bell kaya napakamot ako sa ulo
"Those weirdos are pain in the ass" Sabi ko bago lumakad papauntang sala
"Hey Dylan!" Tumigil ako sa pag lalakad at nawewang sa harap ni Lelantos at Fiennes na nakalahad pa ang mga braso
"What are you doing?" Kunwaring nagtataka kong tanong, agad naman nila binaba ang mga nakalahad nilang braso at umiling
"Wala man lang hug at kiss?" Tanong ni Fiennes at nilagpasan ako ganoon din si Lelantos na bitbit na naman ang girlfriend niyang si Barbie. Tss.
"Hola mi lindo chicos! Buenos noches!" Pinagcross ko ang braso ko at sinalubong si Baxter kasama si Cleassie naang sama ng tingin sa kanya
"Pwede ba Baxter, tigilan mo na kakasalita ng lengwahe mo" Ngumisi ako kay Baxter at napakamot nalang siya ng ulo.
Sunod sunod na nag datingan ang mga kaibigan ko at si William nalang ang kulang, si Mica naman ay nasa sala kasama sila Cleassie at Faith. Girls talk daw.
"Nasaan na kaya si William? Naniniwala ba kayong pasyente ang inaatupag ng tigreng iyon?" Tumawa kami sa tanong ni Nyle at sabay na uminom ng beer tsaka lang may sumagot sa tanong niya
"Hula ko babae dahilan ng pagkakalate niya nagyon" sagot ni Noe tsaka tumingin sa akin na may ngiti sa labi "Diba Dylan?"
Inungusan ko si Noe at uminom ng beer.
"Paano nga ba kayo nag sama nung Mica, Dylan? Huling balita ko hinahanap mo siya tapos pag uwi ko dito sa Pilipinas ito na ang aabotan ko?" Tanong ni Isaac
Galing kasi siyang Russia para ihatid ang mommy at daddy niya sabay bakasyon na din.
"Kasalanan mo, bakit kasi hindi ka gumaya kay Nyle na kahit saang lupalop mag punta ay nakakasagap pa rin ng balita" Nag tawanan ulit kami pero agad din natigil dahil sa pag dating ni William na may nakasukbit pang Lab gown sa balikat niya.
"May pasukbit ka pang Lab gown sa balikat mo para kunwari galing trabaho! wag ako Mr. Dutch" Nag taas lang ng gitang daliri si William kay Victor at umupo na sa tabi ko
"Dinner?" Tanong ko sa kanya at agad naman siyang umiling
"I already ate my dinner" sagot niya
"With your girlfriend?" sabat ni Daniel
"Yes, I meam. No!" Nag tawanan kaming lahat dahil nacorner si William
"Damn, hindi ko inaasahan to William" Tawawang sabi ni Joseph
"Me too weirdo, I thought he dislike girls" Sabi ko at tinawanan si William na masama ang tingin sa amin
"Shut up weirdos!"
"Okay okay. Truth or Dare nalang tayo weirdos, just like the old times" Sumang-ayon kaming lahat sa isabi ni Jin at nag simula na siyang mag spin ng bote at agad namang tumapat kay William kaya natawa kami
"Oh, walang daya iyan William. Truth or Dare?" Uminom muna ng beer si William bago sumagat kay Jin
"Truth"
"So, who's the unlucky girl?" Matagal naming hinintay ang sagot ni William bago siya mag salita
"Shaina Saguid" Simpling sagot ni William at napa-oww naman kaming lahat.
"Oh Lelentos man!, Truth or Dare"
"Dare ako" Ngumisi si William at tumingin sa hawak niyang si Barbie
"I dare you to throw that doll in the garbage can" Nanlaki ang mata ni Lelantos at biglang ipinasok ang barbie niya sa loob ng shirt niya kaya natawa kaming lahat
"No fucking way!" Sigaw ni Lelantos kaya nagkatinginan kaming lahat nag tangoan sa isa't isa at sabay sabay kaming dinamba si Lelantos at inagaw ang Barbie niya
"Hey! give me my wife! you weirdos!" Pinigilan namin si Lelantos habang si Nyle at Joseph naman ay tinakbo ang Barbie at itinapon sa trashcan sabay bitbit at lumabas ng gate kaya tumakbo na din kami at lumabas ng gate
"No please! Don't! please!" Natawa kami sa ginawa ni Lelantos dahil lumuhod pa talaga siya at nagmakaawa sa amin, pero dahil wala kaming awa.
Pinagulong namin ang trashcan sa kalsada ng village at ginawa naming bola ng soccer na pinagpasa-pasahan ang trashcan gamit ang paa namin
Angelic/Mica
Habang nakaupo at kaharap sila Cleassie at Faith ay hindi ako mapakali, para akong nakaharap sa pamilya ng taong paakasalan ko. Holy jelly!
"So ano na, mag paliwanag ka na at simulan mo doon sa tumawag ka at nag paalam na lakabas ka ng bansa" Mataray na sabi ni Cleassie. Pansin ko lang, nagiging mataray na tong si Cleassie.
"Lamabas naman talaga ako ng bansa pero sa Los Angeles ako nag punta" Paliwanag ko at tumango naman silang dalawa ni Faith kaya nag patuloy ako
"Noong makalabas ako ng bansa ay nalaman ko na buntis pala ako"
"Ano? nasaan ang bata?" Tanong ni Faith
"Binilin ni Dylan sa mga magulan niya kasi nga may inoman ngayon" Nagulat ako ng bigla akong batokan ni Cleassie kaya tinignan ko siya
"Baliw ka talaga! ikaw pa iyong nagalit noong nalaman mong buntis ako tapos ikaw? hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon na magaling sayo!" Ngumiwi ako kay Cleassie dahil galit siya tapos bigla nalang umiyak kaya hindi ko na mapigilan na mag tanong kay Faith.
"May pinagdadaanan ba siya?" Tanong ko sabat turo ay Cleassie na pinapatahan niya
"Buntis kasi" Nanlaki ang mata ko at napatingin ako kay Cleassie
"Bruha ka! buntis ka pala, nakaisa na naman si Vinagre!" Tumahan si Cleassie at hinawakan ang tiyan niya
"Gusto ko ng chocolate" Sasagot na sana ako kay Cleassie pero natigil kami nang marinig namin ang sigawan ng Tiger ma dumaan sa gilid ng bahay palabas sa gate kaya naman sumilip kami sa bintana
Silang lahat na pinaglalaroan ang trashcan maliban kay Lelantos Bechkam na nakaluhod sa gilid ng kalsada kaya napailing nalang ako
"Mga isip bata" Sabi ni Faith
"Sinabi mo pa" Sabi ko
BINABASA MO ANG
Tiger 3: Dylan Smith (Editing)
Fiction généraleWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Micaella DeAsis, babaeng mahilig mag tago sa lahat. Marunong mag laro ng tagoan sa mga taong ayaw niya masali sa pahina ng buhay niya. Makakapagtago pa...