CHAPTER 10

43.8K 1K 8
                                    

Angelic/Mica

"Hey honey, wake up!" Nagising ako dahil sa boses ni Dylan, walanghiya wala pa pala akong damit.

Tinakpan ko ng kumot ang dibdib ko bago umupo sa kama at inilibot ang paningin ko,

"Asan si baby?" Tanong ko kay Dylan na nag bubutones ng long sleeve niya sa harap ng salamin

"Pinasama ko kela mommy, mauuna kasi sila sa simbahan." Sinamaan ko ng tingin si Dylan dahil sa sinabi niya

"Ano? Bakit hindi mo man lang pinaalam sa akin?" Humarap si Dylan sa akin na may mukhang naiirita kaya mas lalong nag init ulo ko

"Come on Mica, sila mommy at daddy lang naman iyon. Huwag kang praning" Tumayo ako sa kama at pinulupot sa katawan ko ang kumot,

"Mas galit ka pa sa akin ah! Alam mo konti nalang talaga iisipin ko nang may character disorder ka!" Sigaw ko nago pumasok sa CR at padabog na inalis ang kumot sa katawan ko

"May nangyari nga sa amin kagabi para namang wala lang sa kanya ngayon umaga. Kung hindi lang talaga dahil sa anak ko, kahapon pa ako lumayas dito" Napag isip ko kasi kagabi na kahit anong gawin ko ay mag hahanap at mag hahanap ng ama si Angeline pag laki niya,

Kaya mag titiis ako sa ugali ni Dylan, pero kung hindi ko matiis edi wala.

---

Pag tapos kong maligo ay dali dali akong lumabas sa CR pero natigil ako dahil may isang blue dress na nakalatag sa kama kasama ang isang pares sandal na colour gold.

Tinungo ko ang kama at isinuot ang dress kaso may zipper siya sa likod kaya nahihirapan akong isara.

"Let me" Hinayaan ko si Dylan na mag sara ng zipper, pagkatapos niyang maisara ay niyakap niya ako mula sa likod at hinalikan ako sa pisnge

"I'm sorry about what happened a while ago, I promise hindi na ako magiging mainitin ang ulo" Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sa sinabi niya.

Hindi ko alam na sa edad kong ito ay kikiligin pa rin ako sa mga linyahang ganyan.

"Okay. Mag susuot lang ako ng sandals" Tumago si Dylan at humiwalay sa yakap, sinuot ko ang sandals na bagay naman pala sa akin kasi maputi din naman ako.

Habang nag susuklay ako ay napapansin kong kanina pa nakatingin si Dylan sa akin kaya hindi ko maiwasang mag tanong sa kanya

"What is it?" Hindi sumagot si Dylan, lumakad lang siya papalapit sa akin at hinawakan ako sa kamay

"Let's go honey" Akala ko kung ano na,

Dylan

She's beautiful, I want to fuck her. Kidding. I want to give chance both us, I'll fix this up and make her fall for me.

I want a complete family for my daughter, but doesn't mean that I don't love her.
Gusto ko ng masayang pamilya para sa aming tatlo and in order to achieve that, I'll work hard on it.

Angelic/Mica

Saktong pag dating namin sa simbahan ay kakasimula pa lang ng mesa, inalalayan ako ni Dylan pag pasok namin.

Napansin kong parang may hinahanap si Dylan, maya maya pa lang ay inakay niya ulit ako at nagulat nalang ako nang makita ko sila Cleassie at ang asawa niya kasama ang mga lalaking hindi ko. Ang tigers. Kasama nila.

Tumango ang asawa ni Cleassie kay Dylan, umupo kami sa likoran nilang upoan pero hindi pa rin ako nakikita ni Cleassie dahil nakikinig siya sa pari habang ang baby niya ay nasa isa sa mga tigers,

"Dylan? Sila ang tiger diba?" Kunwaring tanong ko kay Dylan. Ang tahimik niya kasi masyado. Tahimik na nga siya tapos sosobrahan niya pa.

"Yeah, and please stop looking at them" Hindi na ako sumagot kay Dylan at nakinig nalang sa mesa.

Nang matapos ang mesa ay nagkamayan ang tiger kasama na si Dylan pero hindi pa rin ako napapansin ni Cleassie dahil busy siya sa anak niya.

"Oh my god! Micaella?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Faith sa harap ko, at syempre dahil malakas ang boses niya ay narinig naman ni Cleassie

"My god ikaw nga Mica! Jusko!" Dali daling ibinigay ni Clea ang anak niya sa asawa niya at niyakap ako ng mahigpit kaya napayakap na din ako

"Sobrang namiss kitang bruha ka! Saan ka ba galing!" Natawa ako sa kanya kasi umiiyak talaga siya habang magkayakapan kami.

Nilayo ko si Clea sa akin at tinawanan ko ang mukha niya

"Huwag ka nang tumawa bruha ka! Mag tutuos pa tayong dalawa" Duro niya sa akin pero binaba ni Dylan ang kamay niya at inakbayan ako

"Sa bahay na kayo kayo mag usap" Kitang kita ang pagkagulat sa mukha ni Cleassie na hindi makapaniwala dahil sa narinig at nakita niya kaya hinila ko silang dalawa ni Faith palayo doon.

"Hey wait! ano ba yan Mica, nakaheels ako" Reklamo ni Faith pero hindi ko siya pinakinggan. Tumigil kami sa labas ng kotse ni Dylan at hinarap ko silang dalawa

"Umamin ka nga Angelic Sy, kayo ba ni Dylan Smith?" Tanong ni Cleassie habang nakapamewang habang si Faith naman ay napanganga

"Hindi nga Mica? Kayo ni Dylan?" Napakamot ako sa noo ko ng wala sa oras dahil hindi ko alam kung anong uunahin ko sa pag sagot

"Ganito kasi iyon–" Mag papatuloy pa sana akong mag salita pero dumating na sila Dylan at ang mga kaibigan nila kaya tumigil ako

"So weirdos, later at Dylan's house okay? kailangan walang absent kasi mag papainom ang amercano natin" Natatawang sabu nung singkit ang mata na sa pagkakaalam ko ay Jin Lee ang pangalan

"Oo na, mukha ka talang alak" Sabi naman nung lalaking Russian na si Isaac Felton, ano ba 'tong groupo nila. Lahat may ibang lahi.

"Sige mauna na ako, may isa pa akong pasyente bago ako pupunta sa bahay nila Dylan"

"Lagi ka namang busy sa pasyente mo. Baka ibang pasyente na yan ah" Natawa kami sa biro ni Victor James kaya naman sinamaan siya ng tingin ni William Dutch

"Oo nga weirdo, doon ka nalang kaya tumira sa hospital" Nag tawanan ulit sila kaya nag middle finger si William bago sumakay sa kotse niya at umalis na

"Okay, uuwi na kami ni Mica para makapaghanda bago kayo dumating sa bahay mamaya. Mga disaster pa naman kayo kung nakainom" Napatingin ako kay Dylan dahil himala yatang nakatagal siya sa pag sasalita?

"Pinapahiya mo naman kami sa asawa mo Dylan. Miss Mica huwag kang makinig sa kay Dylan, mababait kami kahit nakainom" Ngumiti nalang ako kay Lelantos Beckhan na may bitbit pang Barbie. Ang weird. At creepy.

"Sige mauna na din kami ni Baxter" Paalam ni Clea at tumingin sa akin "Mag usap tayo mamaya sa bahay niyo ni Dylan" Ewan ko kung ako lang ba? o talagang diniinan ni Clea ang 'Niyo ni Dylan'?

Tumango at nauna nang pumasok sa kotse ni Dylan dahil ramdam ko na ang init sa labas

"Hon, Sinabi ko kay mommy na bukas nalang nila ihatid si Angeline sa bahay dahil mag iinoman mamaya sa bahay" Hindi na ako tumutol kay Dylan dahil baka magalit na naman yan ng dahil lang sa pag sabat ko sa kanya

"Okay"

Tiger 3: Dylan Smith (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon