Micaella
Nakatitig lang ako kay Jane habang may kausap sa phone niya at sigurado akong lalaki iyon pero hindi ko mapigilan na makinig. Ewan ko ba, sa pag kakaalam ko hindi ko naman ugaling makinig sa usapan ng iba.
"Pwede ba! Tigilan mo na ako at huwag ka na mandamay pa ng iba" Napakurap ako dahil sa lakas ng sigaw ni Jane kaya pinagtinginan kami ng mga tao sa loob ng kinakainan naming restaurant.
She's pregnant kaya natural lang ang pagiging mainitin ng ulo niya kaya naiintindihan ko siya. Kasi galing din ako sa ganyang kalagayan.
"Sino iyong katawag mo?" Mahinahong tanong ko sa kanya, sumubo muna siya bago niya ako tinignan.
"Tyga. Ama ng dinadala ko, pinipilit niya akong pakasalan siya dahil sa baby. You know girls are sometimes hard to understand lalo na pag buntis. Syempre gusto kong pakasalan niya ako kasi mahal niya ako, hindi yung pakakasalan niya ako dahil lang sa baby" Napatitig ako kay Jane dahil sa sinabi niya.
Paano kaya pag malaman ni Dylan na may anak kami? pakakasalan niya ba ako para sa baby namin?
Umiling ako at nag patuloy sa pagkain. No way in the hell that I would let him know na may baby kami. No way.
Dylan
Sinalubong ako ni Noe sa labas ng Restaurant niya kaya naman sabay kaming pumasok sa loob.
"Ano namang kailangan ni Tyga sayo? Sinabi ba niya?" Huminga ako ng malalim at umiling kay Noe, sa hindi kalayoan ay nakita ko si Tyga at Acxel.
"Sige, puntahan ko lang sila Tyga. Thanks weirdo" Tumango si Noe at tinapik ang balikat ko kaya nag lakad na ako papunta sa table nila Tyga.
Nang makalapit ako ay tinignan ni Acxel ang relo niya at tumingin sa akin.
"You're on time. Have a sit" Umupo ako sa harapan nilang upoan at napatingin sa gilid ko ng may tumabi sa akin.
"I just want to know kung anong pag uusapan niyo" Hindi na namin pinansin si Lelantos na hawak hawak na namam ang girlfriend niyang si Barbie. Tsk. Lelantos is the weirdest among us.
"So hindi ba ako mag papaligoy pa Dylan Smith. I want to work with you" Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Tyga pero itong katabi ko ay wala talagang preno sa bibig.
"Bakit Tyga? nag hihirap ka na para makipag trabaho kay Dy?" Hindi ulit siya pinansin ni Tyga, nag labas ng phone si Tyga at may kinalikot ito bago niya ibigay sa akin ang phone kaya kahit nag tataka ako ay kinuha ko nalang.
Para akong binuhosan ng malamig na tubig nang makita ko ang nasa picture. It's Micaella carrying a baby with a girl that is pregnant.
Wait.
"What the fuck? Is this my Daughter?" Mabilis akong humarap kay Tyga, ngumiti siya at sumandal sa upoan niya bago mag salita.
"Congratulations man, and for me also. Iyang kasama niya ako ang ama ng dinadala niyan. That's why I want to work with you" Hindi ko mapigilan na maluha sa nakikita ko.
I have a Daughter. A beautiful daughter.
"Weirdo, huwag ka naman umiyak diyan! patingin nga ng baby mo" Hinayaan ko si Lelantos na kuhanin ang cellphone, humarap ako kay Tyga at seryoso siyang tinignan.
"Paano mo nalaman na hinahanap ko ang babaeng nasa litrato" Nag sukatan muna kami ni Tyga ng tingin bago niya ako sinagot.
"Your father and my father, they're best of friend and have the same work. Nasabi sa akin ni Papa na may hinahanap kang babae at pinakita niya ang picture. Nang ipakita ni Papa ang picture ay kilala ko na si Micaella that time. Ilang beses na ako pumunta sa Los Angeles para lang mapapayag si Mary Jane na sumama sa akin, lagi silang mag kasama ni Micealla and then I found out that the father of her daughter is none other than Dylan Smith so an idea came up into my mind, makikipag tulongan ako sayo. Tinakbohan ako ng babaeng iyan at ikaw rin" Ngayon lang ako nakaramdam ng galit dahil sa nangyari a year ago.
Bakit ako tinakbohan ni Micaella? bakit kailangan niyang itago ang anak namin? bakit kailangan niya pang umalis? Kung alam ko lang na nabuntis siya pagkatapos ng mangyari sa amin ay pakakasalan ko siya agad.
Kinuyom ko ang kamao ko at tinignan si Tyga.
"When?"
"Tomorrow, same time at Lee Airlines" Kinuha ni Tyga ang phone niya kay Lelantos at umalis na kasama si Acxel. Kami nalang ni Lelantos ang naiwan at hindi ko mapigilang suntokin ang mesa sa harapan ko.
"Fuck! Bakit ba bigla ka nalang sumusuntok sa mesa? nakakagulat ka ah!" Hindi ko pinansin si Lelantos dahil abot-abot na sa sukdulan ang galit ko kay Micealla.
Sino siya para ilayo ang anak ko sa akin? Sino ba siya para pag taguan ako matapos ang nagyari isang taon na ang nakalipas?
Ngayong alam ko na kung nasaan siya, hindi ako papayag na makakawala pa siya sa akin. Tignan ko lang kung anong magagawa niya pag kinuha ko na ang anak ko sa kanya.
Micaella
Nag mamadali akong mag bihis dahil malapit na akong malate.
Late na akong nakatulog kagabi dahil iyak ng iyak si baby pero wala naman siyang lagnat o kahit na ano, hindi rin siya tinutuboan ng ngipin dahil kung ganun dapat nilalagnat siya. Pero buti nalang tumigil siya kakaiyak ng madaling araw kaya madaling araw na rin ako nakatulog.
Napatigil ako sa pag kabit ng name plate ko dahil kay nag doorbell sa bahay. Sigurado akong si Jane na ito dahil siya ang nag babantay sa anak ko tuwing may pasok ako.
Nag lakad ako at binuksan ang pinto ng bahay.
"Hey Jane" Ngumiti si Jane kaya niluwagan ko ang pag bukas ng pinto at pinapasok siya.
"Nag timpla na ako ng gatas Jane, tulog pa naman ang anak ko kaya pwede ka lang mag pahinga okay? huwag mong papagurin ang sarili mo, masama iyon sa nag bubuntis" humaba naman agad ang nguso ni Jane at umopo sa sofa.
"Wala nga mommy ko dito pero nandito ka naman para bungangaan ako" Tinaasan ko siya ng kilay at tinapos ang pag kabit ng name plate sa dibdib ko at humarap kay Jane.
"Ina rin ako kaya ako ganito, maiintindihan mo rin yan pag pinanganak mo na ang baby mo kaya alagaan mo ang sarili mo okay? " Tumango si Jane at ngumiti sa akin. Lumapit ako sa baby Angeline ko at hinalikan ko siya sa noo bago nag paalam kay Jane para pumasok sa trabaho.
Pag labas ko ng bahay ay bigla akong kinabahan. Parang may mangyayaring masama.
BINABASA MO ANG
Tiger 3: Dylan Smith (Editing)
Ficțiune generalăWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Micaella DeAsis, babaeng mahilig mag tago sa lahat. Marunong mag laro ng tagoan sa mga taong ayaw niya masali sa pahina ng buhay niya. Makakapagtago pa...