CHAPTER 4

42.3K 1.1K 9
                                    

Micaella

Kanina pa ako hindi mapakali sa office ko at patingin-tingin sa cellphone ko na nasa bag.

Feeling ko kasi may masamang nangyari sa bahay pero hindi naman tumawag si Jane, umiling nalang ako at tinignan ang papelis sa harap ko.

"Ms. Sy, gusto ka makausap ni Dra.Balicha." Nag angat ako ng tingin at nakita si Dr. Hemenez na inabot ang phone niya kaya agad ko itong kinuha at tumango sa kanya. Nakakahiya.

"Hello? nakakahiya ka talaga. Si Dr. Hemenez pa pinabigay mo sa phone." Bungad ko agad kay Dra. Balicha pero nag taka ako dahil ang bagal naman yata sumago? Sa pag kakaalala ko ay bungangera naman to.

"Angelic. Umuwi ka na sa bahay mo. Nasabihan ko na si Dr. Hemenez patungkol dito." Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan si Dra. Balicha.

"Anong sinasabi mo?" Mahinang tanong ko. Biglang nanginig ang mga tuhod ko kaya dahan dahan akong napaupo at kinapa ang dibdib ko dahil sa kaba.

Diyos ko. Anong nangyari sa bahay?

"Si Mary Jane. Sapilitang kinuha ni Tyga sa bahay mo, at ang anak mo." Nanlaki ang mata ko at hindi ko na agad pinatapos si Dra. Balicha at pinatay ang tawag.

Wala akong pakialam kung naiwan ang Phone ni Dr. Hemenez sa table ko basta makauwi lang ako at matignan ang anak ko sa bahay.

Habang nag mamaneho ako sa kotse at pabilis ng pabilis ang pintig ng puso ko, nanlalabo ang paningin ko kaya kumurap-kurap ako dahil mababangga ako kung hindi ako aayos sa pag mamaneho.

Halos takbohin ko na ang bahay ko sa bilis ng pag lalakad ko, binuksan ko ang pinto at agad na inilibot ang paningin sa loob.

Ang kaninang luha na pinipigilan ko ay nag uunahan ng lumabas sa mata ko ng wala akong makita na Mary Jane at Angeline sa bahay.

Umiiyak pa rin akong nag tungo sa kwarto at napansin kong may sulat sa bedside table kaya dali dali ko itong kinuha at binasa.

Hey, Our daughter is fine. You want to get her? Then pack your things and come back here in Philippines. We'll wait for you.

-Dylan Smith

Nilukot ko ang sulat nag nag madaling kinuha ang mga damit ko at ipinasok iyon lahat sa maleta ko.

"Ang kapal ng mukha niyang kuhanin sa akin ang anak ko! Wala siyang anak! ako lang ang magulang ni Angeline. How dare him!"

Dylan

Karga ko ang anak ko habang bumababa kami sa private plane ni Jin Lee habang si Tyga naman ay buhat din ang babae niya na alam kong 5 months ng buntis.

Huminga ako ng malalim at pinagkatitigan ang mukha ng anak ko, she looks like me. She has my blue eyes, my nose, the way I look at person, the way I smile.

Hinalikan ko siya sa noo at tinakpan ko ang ulo siya dahil sa init na sumalubong sa amin.

"Here. Mag payong kayo ng anak mo, mainit ang panahon weirdo sanay pa naman yan sa ibang bansa" Tinanggap ko ang payong ni Jin Lee at hinanap si Tyga pero wala na akong mahigilap sa mata ko.

Nakaalis na siguro. tsk.

"Dylan. Hindi kaya kasohan ka ng kidnapping niyan ni Micaella? Kinuha mo ang baby na hindi niya alam" Pag kausap ni Jin ng makalabas kami sa airport.

"Ako ang ama ng bata. Pinagkait niya sa akin ang anak ko at pwede ko rin siyang kasohan dahil sa pag tago ng anak ko" Hindi na nag salita si Jin Lee kaya pumara na ako ng taxi, nasa bahay lang kasi ang kotse ko hindi ko dala nang pumunta kami dito sa airport.

Nabaling ang attention ko sa anak ko ng magising ito, isinubo niya ang kamay niya kaya natawa ako. This little princess can make my anger fade and replace with happiness.

Inalis ko ang kamay niya sa bibig pero binabalik niya pa rin kaya hinayaan ko na, natawa ulit ako dahil pinag lalaroan niya ang laway niya.

"Sir. nandito na po tayo" Luminga ako sa paligid at nandito na nga sila sa gate ng village.

"Here. Keep the change" Lumabas ako sa taxi at binuksan ang payong. Mag lalakad ako papuntang bahay dahil malapit lang naman.

"Good afternoon sir" Tumango ako sa security, lalagpas na sana ko nang may nakalimotan ako kaya humarap ako sa security.

"Manong, pag may babaeng mag papakilala na Micaella DeAsis papasokin mo"

"Yes sir" Tumango ako at nag lakad na ulit, nag taka ako at kumunot ang noo ko kasi ramdam kong basa ang balikat ko kaya nilingon ko ang anak ko.

"Baby, huwang mong kagatin ang damit ni daddy. it's dirty" Inilayo ko si Baby sa balikat ko kaya ang braso ko naman ang kinakagat niya. Nakikiliti ako kaya hindi ko mapigilan ang tawa ko.

"Fuck! who's that baby?" Natigil ako sa pag tawa at pag lalakad ng makasalubong ko ang gulat na mukha ni Baxter, lumapad ang ngiti ko at iniharap si Baby kay Baxter.

"Baxter, meet my daughter. Angeline Dylien Smith"

Micaella

Hindi ko alam kung paano ako mag papasalamat kay Dra. Balicha dahil pinasundo niya ako sa private plane niya sa Los Angeles.

Lakad-takbo ang ginawa ko nang bumaba ako sa plane at pasinghot singhot pa talaga ako dahil sa walang tigil na pag iyak ko kanina sa plane. Pag labas ko ng NAIA ay pumara agad ako ng taxi, binigay ko ang address ng Tiger's Village.

Habang nasa byahe ay humigpit ang hawak ko sa maleta dahil sa kaba. hindi ko alam pero sobrang kaba talaga ang nararamdaman ko ngayon.  Tinignan ko ang labas ng taxi dahil gabi na, saan naman kaya ako pupunta pag katapos kong kunin ang anak ko?

Sa Hotel nalang siguro. Ayaw kong ibyahe ang anak ko sa Alegria.

"Ma'am dito nalang po tayo. Bawal kasi pumasok ang kahit anong sasakyan sa Tiger's Village" Nagising ako sa pag iisip at nag madaling kumuha ng pera tsaka ito binigay sa Taxi driver.

Pagkatapos akong masuklian ay dumeresto ako sa guard na nakaupo malapit sa gate.

"Manong? nandiyan po ba si Dylan Smith?" Kumurap ako ng ilang beses dahil sa pag bilis ng tibok nang puso ko. Bakit ganito? Binanggit ko lang naman ang pangalan niya.

"Ah! Ikaw po ba si Micaella DeAsis ma'am? nasa Village po siya ngayon. Number 5 po ang bahay niya ma'am" Kilala ako ng guard? Ay Holy mother of- talagang kilala ako nito dahil siguro sinabihan na siya ni Dylan na darating ako.

Huminga ako ng malalim bago hinila ang maleta ko papasok sa Village. This is it! Kukunin ko ang anak ko at lalayo kami. Hindi siya kailangan ni Angeline dahil kaya ko naman buhayin ang sarili kong anak.

Unang bahay na bumungad sa akin ay may nakalagay na Number sa gate at apelyedo ng nakatira doon.

#1 Vinagre.  Tinignan ko ang taas ng bahay nila sa bintana at nakita kong may babae doon na sinasayaw ang sanggol. Cleassie.

Umiling ako at nag lakad ulit.

#2 Menoetius. Ah, ito ang bahay nila Faith. Mukha namang walang tao.

#3 Naga. Eh? Sa pag kakaalala ko ay Naga ang apelyedo ni Faith. Ah. Oo may kambal nga pala siya

#4 Lee. Lee? Lee Airlines?

#5 Smith. Automatiko akong natigil sa tapat ng gate ni Dylan. Nandito na naman itong pakiramdam na may nag kakarera sa puso ko. Iyong pakiramdam na ang sikip dahilan para mahirapan akong huminga.

Lumapit ako sa gate na hanggang bewang ko lang at binuksan iyon. Nanginginig ang tuhod ko habang nag lalakad ako papunta sa pinto ng bahay niya.

Inangat ko ang kamay ko para mag door bell. Ganoon na lamang ang gulat ko nang hindi ko pa napindot ang door bell ay bumukas na ang pinto at nakita ko si Dylan na nakatayo habang may seryosong ekspresyon sa mukha niya.

Tiger 3: Dylan Smith (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon