CHAPTER 13

38.5K 978 12
                                    

Angelic/Mica

Walang humpay na nagpapatawa si Dylan sa anak niya na ikinatawa ko dahil hindi naman tumatawa si Angeline ni ngumiti ay ayaw

"What's the problem my princess? bakit hindi ka tumatawa?" Sumimangot si Dylan at umakting na umiiyak kaya nagulat siyang tumawa si Angeline

"Honey! She's laughing!" Parang bata si Dylan na nabigyan ng candy habang sinasabi sa akin na tumawa si Angeline

"Ang panget mo daw kasi, kaya natawa siya dahil sa mukha mo" Tumawa si Dylan at nilaro na ulit si Angeline.

I wish we could stay like this everyday. Pero paano kung malaman ni Dylan na hindi niya pa talaga ako kilala?
Paano kung malaman niyang hindi naman talaga Micaella DeAsis ang pangalan ko?

Kailangan ko na bang sabihin? Pero natatakot ako at kailangan ko nang tamang oras at tyempo. Dahil kilala ko si Dylan, pag galit siya ay galit talaga siya at matagal mawala ang galit niya.

Takot akong magalit si Dylan at takot din ako sa kahahantongan ng galit si Dylan.

"Mica, you're too quite. What's up?" Ngumiti ako kay Dylan at umiling bago humiga sa lap niya habang si Angeline naman ay nasa braso niya

"I'm just a little bit tired" Sabi ko at pinikit ang mga mata ko, hindi naman talaga ako pagod. Gusto ko lang namnamin ang moment na to

"You want to go home honey?" Tanong ni Dylan at hinaplos ang pisnge ko na siyang nagpangiti sa akin

"No, I want to sleep in your lap" Naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo at sumunod naman ang maliit na labing pumatong sa noo ko,

"Your mom is weird, she's tired but she don't want to go home. Right princess?" Ako pa ang weird? iumpog ko siya diyan sa puno na pinagsasadalan niya para magising siya at maisip niyang mas weird siya

--

Matapos ang mahabang araw ay umuwi na kami ni Dylan sa bahay niya, umupo ako sa sofa habang si Dylan naman ay umakyat na sa kwarto dahil tulog na si Angeline.

Habang hinihilot ko ang ulo ko dahil sa sakit ay siya namang pagbaba ni Dylan na nag mamadali at galit ang expression ng mukha niya.

Napatayo ako nang makita ko na hawak niya ang passport ko, kinabahan ako ng sobra sobra.

"Micaella DeAsis, or should I call you Angelic?" Sarcastic na tanong ni Dylan, bigla akong nanginig at hahawakan ko na sana siya pero tinapon niya ang passport ko sa sofa kaya napaigtad ako

"What? Mica? Angelic? Sy? what the hell is this?!" Pilit kong hinahawakan si Dylan pero iniiwas niya ang sarili niya na para bang may malubha akong sakit.

"Please Dylan, let me explain" mahinahon kong sabi at hinawakan siya sa pisnge niya pero iniwakli niya ang kamat ko, hindi ako sumuko at pilit na hinahawakan siya

"Ssshh, Dylan I-I'm sorry. Please" hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang nag mamakaawa na pakinggan niya ako ar huminahon siya

"Leave, I don't know you" Natigil ako sa sinabi niya,

"Dylan It's me, your honey" Sumama ang tingin ni Dylan sa akin at hinawakan ako sa panga ng mahigpit kaya umaray ako

"I. Don't. Fucking. Know. Who. You. Are" Kinaladkad niya ako palabas ng bahay at doon binitawan

"Please Dylan, don't do this to me. I love you please let me explain Dylan" Biglang natigil si Dylan at nakita kong kumislap ang mga mata niya pero agad din naman siyang umiling

"If you love me then, I don't love you" Tumalikod na siya kaya pinigilan ko siya sa kamay

"But you said you love me" Mahinang sabi ko at sapat na iyon para marinig niya, tuloy pa rin ang pag agos ng luha ko kaya hindi ko maaninag ang mukha ni Dylan

"Really? When? I don't even remember when I've said that" Humagolhol ako habang dahan dahan na binitawan ang kamay ni Dylan at tumalikod na din

Dylan

Pag pasok ko sa bahay ay agad akong nag wala, pinagtatapon ko ang vase sa sahig at pinagpupunit ang passport ni Mica, or should I say Angelic.

Sinipa ko ang coffee table at umupo sa table, hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

I can't stand seeing her with tears in her eyes, but I can't stop my anger too. She lied to me all this time. I thought I already know her. I just thought. Fuck it!

But she said she love me. Pumikit ako at inalala ang mukha niya nang sinabi niyang mahal niya ako.

I'm fucked up,

Tumayo ako at tinungo ang kwarto. All want to do know is to sleep and try to forget about her.

Angelic

Isa lang ang pwede kong takbohan ngayon, si Cleassie.

Pumunta ako sa pinakaunang bahay na makikita dito sa Tiger Village. 8pm pa naman ng gabi kaya sigurado akong gising pa sila.

Pag tapat ko sa gate nila na hanggang bewang ko lang ang taas ay binuksan ko ito at nag door bell.

Nagulat pa ako nang si Jin Lee ang nag bukas ng pinto, nagkamali ba ako ng bahay?

"Mica? bakit ka umiiyak? Pumasok ka" Pumasok ako at hinanap ng mata ko si Cleassie

"Umupo ka muna sa sofa, tatawagin ko su Clea" Tumango ako kay Jin Lee at umupo na sa sofa. Mamaya pa lang ay bumaba na si Cleassie kasama si Jin Lee

"Jin, mukhang importante ang pag uusapan namin. Doon ka muna sa kusina" Tumango naman si Jin at pumasok na sa kusina

"Anong nangyari sayo? bakit namamaga yang mata mo?" Hindi pa ako nakapagsalita ay naiyak na naman ako, naramdaman kong hinagod ni Cleassie ang likod ko

"Cleassie, alam na ni Dylan na hindi Micaella ang pangalan ko" Nagulat si Cleassie at bigla nalang tumapang ang mukha

"Walang hiyang Dylan. Dahil lang sa pangalan mo? Aba naku asan na iyang lalaking yan? sabihin mo Angelic!" Mas lalo akong naiyak dahil buntis nga pala si Cleassie. Ang hirap pakiusapan ng buntis.

"Clea. May alam ka bang lugar na konti lang ang nakakaalam?" Sandaling nag isip si Clea at tumango siya

"May island na regalo si Baxter sa akin noong birthday ko, kami lang ang nakakaalam nila Baxter, Noe at Jin" Napatingin kami kay Jin dahil bigla siyang sumolpot sa sala at may kinuha sa ilalim ng coffee table

"Sorry" Sabi niya at bumalik sa kusina

"Ano nga palang ginagawa niya dito?" Tanong ko

"Bantay ko iyan. Pag wala kasi si Baxter ay siya ang bantay ko" Sabi niya at kumuha ng papel at ballpen

"Ito ang address ng island, may bangka na mag hihintay sayo doon. Pero teka, paano ang anak niyo?" Tinanggap ko ang papel at huminga ng malalim

"Aalagaan naman siguro ni Dylan si Angeline tsaka babalik din naman ako para kunin ang anak ko, hindi lang ngayon" Tinapik ako ni Clea sa balikat at tumayo na kami

"Jin!" Lumabas si Jin sa kusina at nag tanong kung anong kailan

"Ihatid mo si Mica sa labas ng Village" Tumango naman si Jin kay Clea at naunang lumabas kaya niyakap ko agad si Cleassie

"Kung makayakap kang bruha ka parang wala ka ng balak bumalik!" Medyo natawa ako sa kanya kaya bumitaw na ako sa yakap at lumabas na din ng bahay

Pag labas ko ay nandoon lang di Jin na nakatayo sa gilid ng kalsada

"Saan pala ang punta mo Mica? Alam ba ni Dylan na lumabas ka?" Gusto kong sabihin na si Dylan pa mismo ang nagpalayas sa akin pero wag na

Tiger 3: Dylan Smith (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon