CHAPTER ONE

12.4K 166 2
                                    


"WALA ka na bang ibibilis pa riyan, Case?"

"Sandali lang naman. Masyado kang excited," naiinis na sagot ni Cassandra sa pinsang si Fatima.

It was midday of Sunday. Doon siya sa bahay nina Fatima titira pansamantala. Kagagaling lang niya ng Canada kung saan nakatira ang mga magulang. Canadian ang daddy niya at half Spanish-half Filipino ang mommy niya.

Dalawang araw nang nakatira si Cassandra sa bahay ni Tito Marcel—ang half brother ng mommy niya.

Nang malaman ni Tito Marcel na babalik siya sa Pilipinas at walang matitirhan, nagprisinta itong doon na lang muna siya tumira. Hindi na siya tumanggi pa.

Tumira na dati roon si Cassandra noong high school. Pero hindi pa niya natatapos ang third year sa high school, kinuha na siya ng mga magulang at doon na nag-aral sa Canada. Isa siyang patissier. At dahil malaki ang fascination niya sa kape at desserts, naisip niyang magpatayo ng coffee shop.

"Hintayin na lang kita sa 'baba." Iyon lang at lumabas na ng kwarto si Fatima.

Umupo si Cassandra sa vanity chair at ipinagpatuloy ang pagsisintas ng sneakers. Pagkatapos ay sumunod na rin siyang bumaba at naabutan ang pinsan na nakaupo sa sofa sa sala. Nang makita siya, agad na tumayo ang pinsan at lumabas ng bahay.

Napahinto siya nang matanaw ang bahay sa kabilang kalsada.

"Wala na siya riyan," biglang sabi ni Fatima.

Napaigtad si Cassandra. "H-ha?"

"'Sabi ko, wala na siya riyan. 'Yong tinitingnan mo sa kabilang bahay. Matagal na silang wala riyan."

"S-sino?" painosenteng tanong ni Cassandra.

"'Sus! Alam naman natin kung sino'ng tinutukoy ko."

"H-hindi naman siya ang tinitingnan ko, ah."

"Wushu! Hindi raw."

"Hindi naman talaga, ah!" Medyo napataas ang boses ni Cassandra. Nagmukha tuloy siyang defensive.

Tumawa si Fatima. "Okay. Sabi mo, eh." Pero alam ni Cassandra na hindi naniniwala sa kanya ang pinsan.

Sumakay na sila sa kotse ni Fatima. Ilang minuto lang ay nasa mall na sila. Pagpasok doon, hinila agad siya ni Fatima papunta sa escalator.

"Teka, Fat. Saan tayo pupunta? Hayun ang grocery." Grocery ang destinasyon nila dahil naisip ni Cassandra na mamili ng ingredients para sa bago niyang experiment. Iyon ang naisip niyang schedule habang naroon sa bahay ng pinsan. Plano niya kasing magkaroon ng original recipes na ilalagay sa menu ng ipapatayong café. At ginagawa rin niyang practice room ang kitchen.

"Mamaya na tayo pumunta diyan. Maglibot-libot muna tayo." Fatima giggled.

Wala nang nagawa si Cassandra kundi ang magpahila sa pinsan. Pero sa totoo lang, base sa pagbungisngis ni Fatima, mukhang mayroon na naman itong binabalak. At kung anuman iyon, sigurado si Cassandra na hindi niya iyon magugustuhan.

Pumasok sila sa isang boutique. Tumingin-tingin si Fatima ng mga damit doon habang palakad-lakad lang siya sa loob.

Napagawi si Cassandra sa isang full-length mirror. Sinipat niya ang sarili. She was wearing a fitted short-sleeved polo shirt, fitted pants and black Chuck Taylor sneakers. There was nothing extraordinary about her appearance. Noon pa man, ganoon na ang suot niya. Although, when she was in high school, naisip na rin niyang baguhin ang sarili para sa isang tao. She then regretted that she still could recall that day.

CASEY'S SECRET RECIPE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon