MAAGA pa lang ay nasa Casey Café na si Cassandra. Siya ang nag-asikaso ng mga decors at iba pang dapat asikasuhin para sa opening. Salamat kay Fatima dahil tinulungan din siya nito sa pag-aasikaso. Maraming mga kaibigan, kamag-anak, at mga kakilala niya ang nagpunta para sa opening. Maaga ginanap ang misa at blessing para sa café. Marami rin siyang inihandang samples ng pastries at mga flavored coffee na siya mismo ang gumawa. A week ago ay mayroon na rin siyang staff doon. At si Fatima ang ginawa niyang manager. At last ay nakita na rin ni Fatima ang hilig nito. All is well except Gideon and her. Sa buong durasyon kasi ng event ay hindi sila nag-uusap ng binata. Pilit niya itong iniiwasan tuwing napapansin niyang magkakaroon ito ng pagkakataon na lapitan siya, tuwing magkakasarilinan sila. Pero hindi niya naman kaya gawin iyon habang-buhay.
Tulad na lang ngayon. Dahil nang mga oras na iyon ay nasa loob ng office si Cassandra at hinahanap ang planner niya nang may kumatok sa pinto. Si Gideon ang napagbuksan niya. Iiwas sana siya pero naisip niyang ano pa ba ang saysay? Bakit pa ba niya pagtatagalin pa? Hindi rin naman siya makakaiwas sa binata dahil ito ang may-ari ng space na iyon. Nangungupahan siya rito.
"Can we talk?" bungad ni Gideon. Pumasok ito at isinara ang pinto sa likuran.
Napasulyap siya sa pinto. Ini-lock iyon ni Gideon. Bigla ang pagkabog ng dibdib niya. Sila lang dalawa doon. Natatakot siya. Baka hindi niya mapigilan ang sarili. Ayaw niyang malaman pa ni Gideon ang nararamdaman niya lalo na ngayon na ikakasal na ito. At parang may kung anong kamay ang dumukot sa puso niya sa naisip.
Ikakasal na si Gideon... Kay Kristine.
Tawagin na siyang masokista pero hindi na niya mapigilang titigan ang lalaking pinakamamahal.
Lumapit si Gideon sa kanya. Sa sobrang lapit ay nararamdaman na niya ang hininga ito. Pakiramdam niya tuloy ay sumikip ang kwarto. Kasing sikip ng nararamdaman niya sa dibdib.
"Ano ba ang pag-uusapan natin?" tanong ni Cassandra na pilit pinatatag ang tinig.
At tulad ng dati niyang ginagawa, umiwas pa rin siya kay Gideon. Lumayo siya at akmang uupo sa settee nang biglang hawakan ni Gideon ang braso niya para pigilan siya. Napakislot siya sa ginawa nito. Pumiksi siya para pailisin ang kamay nito pero hindi ito nagpaubaya.
"Please, Gideon, let go," pakiusap niya sa mahinang tinig. May kung ano sa kalooban niya na tumututol sa sinabi niya. Dahil kung ang mumunting bahagi na iyon ang masusunod, ayaw niyang bitiwan pa siya ni Gideon. Ayaw niyang maramdaman ang pag-iisa tulad ng pakiramdam niya sa loob ng sampung taon. At madagdagan pa iyon dahil ikakasal na si Gideon... Kay Kristine.
Hala sige, ulit-ulitin mo pa. Pakamatay ka na lang kaya?! kastigo ng isip niya.
Actually, she already felt like dying. At mas gugustuhin pa nga niyang mamatay na lang kaysa makita si Gideon na ikasal sa iba... At kay Kristine pa.
Paulit-ulit? Kristine, Kristine, Kristine?
Gaga! Huwag mong sayangin ang ganda mo para lang kay Gideon.
Pero ang gandang 'to ay para lang kay Gideon.
"I won't let you go!" maawtoridad na saad ni Gideon.
Pinilit pa rin niyang kumawala sa binata pero sa pagkagulat niya ay bigla na lang siya nitong hinila palapit dito hanggang sa mapasubsob siya sa dibdib nito. Niyakap siya ni Gideon nang pagkahigpit-higpit.
"G-Gideon..."
Hindi alam ni Cassandra kung ang isip lang ba niya ang nagsabi niyon o talagang nabigkas niya talaga ang pangalan ni Gideon. Nagsisimula nang mamuo ang maiinit na luha sa kanyang mga mata. Gideon was torturing her. He was getting married, yet he still hugged her as if it was she who we wanted to be married to.
BINABASA MO ANG
CASEY'S SECRET RECIPE (COMPLETED)
Roman d'amour"Stop begging me to let you go. Because that's the last thing I'd do." Pagkalipas ng sampung taon, bumalik si Casey sa Pilipinas sa pag-aakalang nalimutan na ng lahat ang kanyang madilim na nakaraan. Pero nagkamali siya. Dahil hindi pa man siya nagt...