CHAPTER SIX

6.3K 104 1
                                    

"NASAAN ka?" tanong ni Gideon mula sa kabilang linya. 

"Nandito ako sa grocery ngayon," sagot ni Cassandra.

Linggo noon at naisipan niyang mag-grocery at sa bahay na lang muna siya magpa-practice ng experiment . Kinabukasan na ang grand opening ng café at si Fatima na ang nagprisintang mag-asikaso roon. Pinayuhan siya ng pinsan na mag-stay na lang sa bahay para hindi siya masyadong ma-stress pero hindi niya iyon maiwasan. Kaya naisipan niyang mag-bake na lang muna siya.

"Saang grocery? Susunduin na lang kita."

"Huwag na. Ano ka ba? Kaya ko namang umuwi mag-isa."

"Puntahan na lang kita sa bahay. Tutulungan kitang mag-bake."

"Huwag na. Magpahinga ka na lang diyan. Ayoko din namang abalahin ka pa." 

Walang trabaho sa opisina si Gideon noon kaya alam ni Cassandra nasa bahay lang ito. Doon ito umuuwi kapag rest day para makasama ang mga magulang . Kapag naman may pasok ay sa condo umuuwi si Gideon na malapit sa Reyes Garments.

"Naku, huwag ka nang mag-alala. Hindi ka naman abala sa 'kin," sabi pa ni Gideon.

She rolled her eyes. Iyon ang nakakainis sa binata. Palagi na lang itong sweet sa kanya kaya tuloy hindi niya maiwasang umasa. 

Tumatalab nga kaya ang technique na itinuro sa kanya ni Fatima? Nai-in love na kaya si Gideon dahil sa mga lutuin niya?

"Eh, ikaw malaki kang abala sa 'kin. Gusto ko munang mapag-isa. Hindi kasi ako makapag-concentrate kapag nakikita kita."

"Bakit naman?" Parang lumungkot ang boses nito.

Dahil imbes na sa pastry nakatutok ang atensiyon ko, mas pinipili ng mga mata kong titigan ka. "Kasi hindi ko pa man tapos 'yong bine-bake ko, nakikita ko nang nauubos iyon dahil sa kakatitig mo!" Kinapa niya ang ilong, hindi pa naman humahaba.

"Ang sama mo!"

Tumawa si Cassandra. "Sige na, ba-bye na. Tatapusin ko na muna 'tong pamimili ko."

"Okay. 'Bye, Casey. Take care always."

"'Bye, Gideon." 'Love you.

Bumuntong-hininga siya. Kailan niya kaya masasabi iyon kay Gideon nang hindi natatakot sa maaari nitong isagot?

Naging maganda pa rin naman kahit paano ang resulta ng chocolate mousse challenge niya pagkatapos iyong tikman ni Gideon.

"This is the best cake I've ever tasted!" bulalas ni Gideon sa unang subo pa lang ng cake. Nangingislap pa ang mga mata .

Lihim na napangiti si Cassandra. Kahit nga yata medyo dismayado siya habang ginagawa ang cake na iyon ay may magic pa rin. Hindi pa nga titigilan ni Gideon ang pagkain n'on kung hindi pa dumating si Fatima at pigilan ito. 

Nanghingi kasi ang pinsan niya ng cake at napansin nitong halos paubos na iyon dahil kay Gideon. Hindi pa umuwi agad ang binata pagkatapos n'on. Nanatili pa roon si Gideon at nagkuwentuhan pa sila. Madalas pa siyang ma-conscious dahil madalas niya itong mahuli na nakatitig sa kanya. Nanood sila ng DVD at halos malalim na rin ang gabi nang pauwiin niya ang binata. Kung bakit may nasisilayan siyang kakaibang ligaya sa mga mata at ngiti nito ay hindi niya alam. Basta nang araw na iyon ay kakaiba ang naging aura ni Gideon. Siguro ay may nangyari maganda rito pero hindi naman niya maitanong kung ano .

Panay naman ang tudyo sa kanya ni Fatima tungkol kay Gideno. Nai-in love na raw ang binata sa kanya at effective daw talaga ang panggagayuma niya . Kahit na alam naman niya sa sarili na wala naman talaga siyang ginawa.

CASEY'S SECRET RECIPE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon