JS PROM.
Sabik na umikot si Cassandra sa harap ng salamin. She was wearing a black night gown. Iyon ang napili ni Fatima para sa kanya. Ang pinsan ang pumili ng damit nang pumunta sila sa isang boutique shop para mag-renta ng damit na gagamitin nila sa prom.
Nakarinig siya ng busina ng sasakyan mula sa garahe. Kasunod n'on ay ang pagbukas ng pinto ng kuwarto niya.
"Nandiyan na siya," sabik na imporma na Fatima. "Here comes the prom queen," anunsiyon nito. Nauuna itong bumaba sa kanya sa hagdan.
Dahan-dahang bumaba ng hagdan si Cassandra para hindi niya matapakan ang gown. Nasa gitna pa lang ng hagdan ay kita na niya ang tulalang reaksiyon ni Gideon. At naririnig din niya ang mahinang pagsinghap ng mga tao doon.
Mas guwapo si Gideon sa suot nitong three-piece suit kaysa kapag naka-school uniform. Pero kahit ganoon, hindi pa rin naman kumukupas ang kaguwapuhan ng binata. Lalo na ngayon na bagong gupit ito. At kahit sa malayo, mukhang ang bango-bango nito at masarap amuyin. Kahit na... Nakanganga ito.
Hinawakan niya ang baba ni Gideon at isinara ang bibig nito. "Mapasukan ng langaw 'yan," biro niya.
Nagkatawanan ang mga taong nandoon. Sina Tito Marcel, Tita Mildred, Esme, Carlo na ka-partner ni Fatima, at siyempre si Fatima na hindi pahuhuli ang ganda.
Doon lang marahil natauhan si Gideon. Ngumiti ito nang matamis. "You are stunning!" sabi nito na parang wala pa rin sa sarili.
"Hoy, Gideon! Parang ngayon mo lang nakita 'yang pinsan ko, ha. Eh, kung isuot mo na kanya ang bracelet niya," paalala ni Fatima rito.
Hindi pa magkandaugaga si Gideon sa pagsusuot ng flower bracelet sa kanya.
Sasakyan ng ama ni Carlo ang ginamit nila papunta sa venue. Si Carlo ang nagda-drive. Nasa passenger seat si Fatima habang sila ni Gideon ang nakaupo sa backseat.
"Tama na ang kakatitig mo diyan, Gideon. Masyado ka nang nai-in love sa pinsan ko, eh," saway ni Fatima kay Gideon. Nakalingon ito sa kanila.
"Fatima!" sita niya, nag-init ang mga pisngi. Sa totoo lang, mula noong sumakay sila sa sasakyan ay panay ang titig ni Gideon sa kanya. At sobrang naiilang na siya. Gusto niyang sawayin ito pero nahihiya naman siyang iparinig iyon kina Carlo at Fatima.
Tumawa si Gideon. "Sorry, Fatima. Ngayon ko lang kasi nakita si Casey sa ganyang ayos," sabi nitong hindi pa rin inaalis ang titig sa kanya.
"She's beautiful, isn't she?" sabi ni Fatima.
"Beautiful indeed," pagsang-ayon nito na titig na titig pa rin sa kanya.
Pakiramdam ni Cassandra, lahat ng dugo niya umakyat sa mga pisngi niya. Noon lang niya nakitang ganoon si Gideon kung makatitig sa kanya. Nagkamali yata siya nang makipagkasundong maging prom date nito. Pumayag siya sa pakiusap ni Gideon na maging prom date nito dahil iyon na raw ang huling taon nito sa high school. At kapag daw pumayag siya ay ililibre siya nito palagi ng lunch sa lahat ng araw na nalalabi sa school year na iyon. Hindi na siya tumanggi pa. Kaswal lang ang kasunduan na iyon. Hindi niya inakalang kakabahan siya nang ganoon. Dahil ang totoo, natatakot siyang makahalata si Gideon na may pagtingin siya para dito. At ang isa pang kinakatakot niya ay si Kristine.
And speaking of the devil, hayun na nga ang babae at palapit na sa kanila. Nakarating na sila sa venue at marami na rin ang bumabati sa kanila. Pero mula nang pumunta sila doon ay hindi pa rin binibitawan ni Gideon ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
CASEY'S SECRET RECIPE (COMPLETED)
Romance"Stop begging me to let you go. Because that's the last thing I'd do." Pagkalipas ng sampung taon, bumalik si Casey sa Pilipinas sa pag-aakalang nalimutan na ng lahat ang kanyang madilim na nakaraan. Pero nagkamali siya. Dahil hindi pa man siya nagt...