one

71 2 5
                                    

WARNING!

Hindi edited.

Maraming typos at nakakahilo basahin, once na natapos ko na aayusin ko rin naman.

Pagtiyagaan niyo na lang muna.

Fanfiction lang 'to, hindi lahat ay facts.

Wag kayo magulo kung hindi tama pinagsasabi 'ko.

Trip 'ko lang talaga e, pampalipas lang habang naghihintay kay Hanbin.

Hanbin, we will wait for you.

-

"Good morning." Bati sakin ng Guard na naka bantay sa Gate.

At pagkapasok kong tuluyan sa school ay hinarang ako ng babaeng Guard. Nakaupo siya sa harap ng isang parang cubicle sa isang office, nakatapat sakaniya isang monitor ng computer, dun ata nakalagay ang mga schedule ng bawat section, may scanner din sa pinaka ibabaw nung cubicle.

"I.D?" Tanong nito sakin.

"Wala pa po, transferee po ako." Magalang kong tugon.

"Ahh ganon ba? pirma ka na lang muna dito sa log book." Sinunod ko na lang yung sinabi niya.

Lumapit ako sa below chest level na table, isang ruler lang ang taba, nakapuwesto sa likod ng Guard, sa gilid ng daan.

Doon nakalagay ang log book, may nakatali din doong ballpen at yun ang ginamit ko panulat.

Smae Harrivan, logged in 7:34am

Pagkatapos ko sumulat ay nginitian ko ang Guard saka ako nagsimulang maglakad ulit.

Di pa man ako nakakatatlong hakbang bigla ako napatigil at napaisip.

Ano kayang tawag sa babaeng Guard? Guardette? charot. Igogoogle ko na lang nga mamaya.

Lumingon muli ako sa Guard at saka lumapit sakanya para magtanong.

"Saan po dito yung SAO?" Lumingon siya sakin saka ikinunot ang kaniyang noo para ata mag-isip.

"Students Affair Office? Uhh sa 2nd floor yun, dun ka na umakyat sa unang hagdan na makikita mo 'pag' lumiko ka pakaliwa. Makikita mo agad yung kwarto ng SAO." Paliwanag niya, habang lumilingon pa dun sa kung saan ako dapat dumaan, itinuturo niya din yung hagdan.

Nakuha ko naman agad 'yong instruction niya.

Ngumiti ako saka sumagot.

"Salamat po."

Tumalikod na ako sa Guardette, char. At lalakad na sana muli kaso biglang sumigaw yung Guard.

"Mga totoy, ang I.D niyo?" sabi nito, napalingon naman agad ako.

Mga students, puro lalaki, pito sila, gwapo, mapuputi, mukhang mayaman.

"Ay di ko lang alam Ate ah." sabi nung isa.

"Nako June, di na ako natutuwa sa pinagagawa ninyo, ako ang papagalitan dito. Para namang ikakamatay niyo ang pagsusuot ng I.D?" Sagot ni Ateng Guard, halatang dismayado.

Di na ako nakinig pa sakanila, tinalikuran ko na talaga siya kahit mga gwapo pa sila.

hikhok, di ako marupok.

"Biro lang naman, Te. Galit na galit agad? Ito na." Ibang boses na ang sumagot, di na talaga ako lumingon para malaman kung sino yun.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Nakailang hakbang na ako pero naririnig ko pa din nag usapan nila mula dun sa entrance, nakarinig din ako ng sunod sunod na beep, mga pito ata yun.

my type // Bobby (iKON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon